Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kate Burton Dec 2016
Sabi nila, lahat ay nangyayari sa tamang panahon,
Ngunit hindi ko na maalala ang huling beses na sumang ayon ang tadhana sa akin
Minsan nag dududa na ako kung may tamang panahon pa nga ba
Ilang sakit pa ba ang kailangan tiisin bago matamasan iyon?

Nung nakilala kita, akala ko tama na, akala ko ayun na
Akala ko ang tamang panahon ay naririto na
Ngunit hindi parin pala
Sa puso mo'y may nagmamay-ari na pala

Wala akong ibang magawa kundi ang palayain ka
Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan
Kung bakit pinag tatagpo ang dalawang pusong pipigilan din naman
Ito na ata ang pinaka masakit sa lahat, ang pigilan ang nararamdaman

Ilang paalam pa ba?
Ilang pag papa-raya pa?
Ilang pag titiis pa upang magawa lamang ang tama?
Ilang luha pa ang kailangan pumatak sa aking mata?

Kailan kaya maranasan at maramdaman ang saya
Yung saya na nananatili hanggang sa pag gising mo kinabukasan
Hindi ko alam kung kelan ang huli
Huling beses na masasaktan ako bago ko maranasan maging masaya
J De Belen Mar 2021
Pa-Yakap naman  kahit isang saglit lang
Kahit 'di ma-higpit
Kahit 'di kasing init ng aking bisig
Yakap na alam kong sapilitan lang
Yakap na kahit kunwari lang naman
At yakap na kahit na-pipilitan ka lang naman
Yakap na tanging sangkap sa damdamin kong hirap
Yakap na sa piling mo ako'y magiging sapat.

Isipin mo nalang na yakap mo ito sa isang kaibigan
Isang pag-kakaibigan na ma-uuwi lang pala sa pag-papaalam
Pag-kakaibigan na nauwi sa pag-iibigan
Ngunit ito ay bawal
Dahil madaming hadlang
Madaming may ayaw
Kaya tanging hiling ko nalang
Ay pa-yakap naman
Kahit saglit lang.

Pa-yakap bago ka  lumisan
Pa-yakap  bago mo ako iwan ng tuluyan.
At pipilitin kong tanggapin ito ng sapilitan.
At su-subukan kong 'di ma-padpad sa kawalan
Dahil malugod ko itong tatanggapin  hanggang ang aking katawan ay kumalma sa iyong pag-kawala.
Na batid kong aabutin pa ito ng buwan at taon
'O baka abutin pa ng mahaba-habang panahon.
'Di ko alam kung kailan.
'Di ko alam kung magkikita pa ba tayo muli mahal?

At kung dumating man yung araw na puwede na,
Na puwede ka na?
Na puwede na tayong dalawa
Ay sumang-ayon na ang mundo
Sa pag-iibigan natin na minsan ay naging laman ng salitang "wag muna"
At kung dumating man yung panahong 'di natin inaasahan.

Sana ay puwede pa
Sana ay kaya ko pa
Sana ay kaya ko pang maghintay ng matagal
Sana ay kaya ko pang mag-abang sa lugar kung saan tayo unang nag-kakilanlan.
Sa lugar kung saan tayo unang sumaya
Kahit puno na tayo ng problema
At sa lugar kung saan dati
Sa atin ay may na-mamagitan pa.

Pero ito'y magiging ala-ala nalang
Dahil ako na ay iyong iiwan
At sana lang,
At tanging hiling ko lang
Sana
Kaya ko pa na ika'y ipaglaban
Kung sakali man na ikaw at ako ay mag-tagpo sa iisang mundo.
Kurtlopez May 2023
Gawin mo'kong pang-apat sa 'yong mga prayoridad; sarili, pamilya at pangarap.

Huwag kang mag-alala, hindi ako makikipag-agawan ng puwesto sa mga bagay na nararapat **** unahin, bagkus ay susuportahan kita at kung dumating man yung araw na kailangan mo munang lumayo upang abutin ang iyong mga pangarap—ihahatid kita.

Hihintayin kita.

Naniniwala akong may tamang oras na nakalaan para sa'tin ang mundo kung kaya't hindi na muna ipipilit ang mga bagay na hindi pa napapanahon.

Darating din tayo dun.

Kapag tama na ang panahon.
Kapag sumang-ayon na ang pagkakataon.

— The End —