Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Christien Ramos Jun 2020
patawad
patawad kung natakot ang mga balikat ko.
kung wala silang lakas ng loob upang pasanin ang bigat ng mga kwento mo.
alam nilang mangangalay sila
at baka hindi ako patulugin sa sakit,
sa pangamba,
sa pag-aalala.
nababahala ang kanan,
ang kaliwa
silang dalawa
kaya patawad;

patawad kung inalagaan ko ang lamya
hindi mo makakapitan ang mga buto
dahil sa rupok
dahil sa walang kasiguraduhan
dahil takot sila sa pusok
hindi kongkreto ang pundasyon
at inisip kong 'wag sila ialok sa'yo.
kaya patawad;

patawad kung walang tamis ang mga pangungusap.
tinanan ka ng matatabang na salita sa kawalan
at wala silang balak na bumalik.
iniwan kang nakalutang sa ere;
nag-iisip,
nanabik
sa ginhawang mailap.
kaya patawad;

takot lang ang mga balikat na ito
na maging makasarili.
ayaw lang nilang sumandig ka sa pader
na nagdadalawang-isip.

kaya kapag dumalaw muli ang gabi
na kailangan **** ihilig ang sarili mo,
handa na sila

sumandal ka't makikinig ang mga ito.
Isang araw maririnig mo malambot Kong tinig.
Kalambutang nagpatigas sa iyong pusong pumapantig.
Pusong noon ay natutong umibig.
Natuto subalit nasaktan sa pagkabig.
  
Masilayan ka lamang ay labis na ang kasiyahan.
Makausap lang saglit umaapaw na ang kaligayahan.
Ang katawan ay nalantang bahagya nang maramdaman.
Mainit **** haplos sa hubad na katotohanan.
  
Subalit ikaw ay lumisan sa aking tabi.
Iba na ang dumadama ng matamis **** mga labi.
Sa pagmulat sa umaga Hindi ko na masabi.
"Mahal kita, Mahal kita" pagkat di ka na katabi.
  
Isang araw ako ay magigising at muling babangon.
Subalit di na para sa iyo sa limot ika'y ibinaon.
Ako ay tatayo upang harapin ang bagong hamon.
Sa kaluluwang lupaypay sa alaala ng kahapon.
  
Sa iyong pagbagsak ako ay aangat.
Sa iyong pagligwak ako ay masisiyasat.
Iyong hahanapin pag-ibig na nilapat.
Subalit pagtingin mo ay Hindi na sapat.
  
Kalambutan Kong nagpatigas sa iyong puso.
Di batid ang umibig subalit natuto.
Iyo mang sinaktan ang isang tulad ko.
Isang araw maririnig mo malambot na tinig ko.
kahit marupok ang damdamin at katawan nating mga nilalang ni Bathala upang umawit, sumulat, tumugtog o dumula,
ibig kong sabihin sa inyo na mas marilag ang tapang natin kaysa kape,
sapagkat sa bawat ihip at higop sa lamig o init nitong inumin,
anumang hangarin ay kinaya natin.

— The End —