Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Michael Apr 2018
Isang gabing makasalanan
Ang ating pinagsaluhan
At ang ating mga katawan
Ay nagmistulang isang palaruan
Akala mo tayong dalawa'y nasa isang inuman
At ang iyong katawan ang aking pulutan

Sa ilalim ng mga bituin at buwan
Tayo'y parang naging magkasintahan
At ang mga maiinit nating haplos ay nagbibigay sa'tin ng kaligayahan
Habang ang mga pawisan nating katawan
Ay ating ginamit upang ang init na ating nararamdaman ay maibsan
Ang uhaw sa romansa na aking nararanasan iyong pinunan

Mistula tayong halamang tuyo sapagkat kulang sa dilig
Alam kong walang tayo at sa atin ay wala ang salitang "pag-ibig"
Pero  sa sarap na ating nararanasan ay tila walang makakadaig
Alam kong hindi lang tayo ang tao sa daigdig
Kung kaya ang iyong bawat ungol at halinghing
Ay tila isang musika na may magandang himig

At ngayon na malapit nang magtapos itong ating gabi
Kasabay rin nito ang isang pahiwatig na hindi ko na mahahalikan ang iyong labi
Hindi ko na rin mapapadaan ang aking kamay sa iyong makinis at maputing binti
Sapagkat ito'y isang paghuhudyat na ika'y malapit nang umalis sa aking tabi
At tila isa na rin itong pamamaalam sapagkat tayong dalawa’y hindi na magkikita pang muli
Taltoy Nov 2023
Isang silid na walang laman,
Madilim, puno ng katahimikan,
At ang lamig na mararamdaman,
Sa loob ng apat na sulok ng kawalan.

Alam kong wala itong pinagkaiba,
Sa "Ako" na iyong nakasama,
Sa "Ako" na iyong nadama,
Sa "Ako", na umihip sa ating mitsa.

Isang paalam,
At walang katapusang "patawad",
Dahil ako ang unang bumitaw,
Nang walang kamalay-malay.

Ako'y walang kamuwang-muwang,
Na ang init ng damdami'y nawala,
At iniwan kang nanginginig,
Sa pagbisita ng amihang malamig.

Binuo mo man ang aking palaisipan,
Pinunan mo man ang mundo kong kulang,
Binigyang sagot ang napakaraming patlang,
At sa iyong paglisan, di ka kayang pigilan.

Sa sinapit mo'y walang hustisya,
Nakita ko mismo, at nitong mga mata,
Na 'di na 'ko nararapat para sa iyo sinta,
Na 'di na tahanan ang pusong alab ay wala.
At sa pagtatapos ang ating nobela,
Ikaw pa rin ang naging laman nitong mga tula,
Ang "tayo" na naging tiyak sa kabila ng mga duda,
kayamanang iuukit sa alaala.

— The End —