Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
“The purpose of life is to live it, to taste experience to the utmost, to reach out eagerly and without fear for newer and richer experience.”
― Eleanor Roosevelt

May mga gabi na puno ng lumbay kung saan mapapait at puno ng lungkot ang mga ala-alang hatid nito. Madalas na hindi ka nito pinapatulog. May mga umaga naman na nagpapagunita sa mga dalita at mabibigat na salita. Minsan kahit sa init ng katanghalian ay nararamdaman mo ang matinding lamig – ang panlalamig na dulot ng takot, takot na harapin ang kawalang katiyakan ng bukas na darating.

Malaya kaba’ng talaga o baka naman nakatago lang ang iyong mga tanikala? Bumabangon sa umaga’t naghahanda para pumasok sa opisina na isa ring selda. Kumakain pero walang nalalasahan, tumatawa nga pero ang totoo ay nalulungkot, nabubuhay pero talo pa ang isang bangkay pagkat walang kabuhay-buhay. Nakikipagtalik ang katawan na hindi marunong tumangkilik.

Paano nga ba ang mabuhay nang wasto at hustong-husto? Yung puno ng pag-ibig at walang ligalig na sadyang matatag katulad sa isang kamalig. Nadidinig mo pa ba ang huni ng kuliglig sa ‘twing sasapit ang hapon? Ang buhay ng tao ay sadyang maligalig. Ang panaghoy ng mga walang kayang lumaban sa dagok ng malupit na kapalaran ay laging naririnig sa ‘twing kumakagat ang dilim.

Hindi lang minamasdan ang mga bulaklak, kailangan mo rin itong samyuin para mo mapahalagahan. Paano mo malalaman ang lalim ng dagat kung hindi mo ito sisisirin at ano’ng saysay ng taas ng bundok kung hindi mo ito aakyatin? Hindi sapat na sabihin na s’ya ay iyong iniibig, kailangan mo rin s’yang yakapin at halikan. Ganito mo dapat na ipagdiwang ang buhay.

Pero hindi ito magawa ng isang tulad mo na alipin ng takot at sama ng loob. Kailangan kumawala ka sa anino ng nakaraan at ‘wag mabuhay sa hinaharap. ‘Hwag kang makipagtalik sa multo ng nakaraan dahil hindi ka lalabasan, puro luha lang ang tiyak na papatak sa iyong mga mata. Maging makasaysayan at makabuluhan ito ang dapat na maging layunin. Kalimutan ang kabiguan at maging masigasig, yakapin sa’yong bisig ang ngayon. Hawiin ang lambong ng gabing tumatakip sa paningin sapagkat ito’y nakakabulag.
Alice Aug 2018
Ano…
“Ano ang pakay mo dito sa mundo?”
Iyan ang unang tanong niya sa akin.
Naniniwala ako na ako ay nandito upang mabuhay,
Upang sa mundong ito ay magbigay ng sariling kulay.
Ngunit hindi ko alam ang rason kung bakit
Ako dito sa lupa ay ibinaba ng langit.

Sino…
“Sa iyong palagay, sino ka?
Sino ka upang mabuhay nang kasama sila?”
Hindi ko alam kung sino ako sa mundong aking kinabibilangan.
Ang tanging alam ko lang ay ang aking pangalan.
Ngunit ako ay may karapatan
Na maging tao dito sa mundong aking ginagalawan.

Bakit…
“Bakit ka umiiyak?
Tila mababaw ang iyong luha, sabi mo ay malakas ka.”
Tama ka, siguro ako nga ay mahina.
Huwag kang mag-alala, ang ulan ay titila.
Itinatanong mo kung bakit mga luha ay pumapatak.
Minsan, ang langit din naman ay umiiyak.

Saan…
“Saan ka tutungo?
Kahit saan ka magpunta, ang lupa ay guguho.”
Hindi ko alam ang mga tatahakin na daan.
Nais ko lamang na makahanap ng tahanan,
Tahanan na gigising sa aking puso’t isipan.
Alam mo ba kung saan iyon matatagpuan?

Kailan…
“Kailan ka ba magigising?
Dahil minsan, daig mo pa ang isang lasing.”
Gising ako at mulat ang aking mga mata,
Pagod na pagod na akong maging bulag pa.
Pinapatulog tayo ng mundo sa pamamagitan ng mga kanta,
Mga kantang may lason upang hindi na magising pa.

Paano…
“Paano mo gagawin ang lahat ng iyon,
Kung pati ang iyong sarili ay hindi sumasang-ayon?”
Gagawin ko dahil kaya ko; susunod sa mga aral,
Gagawin ko dahil kaya ko;  basta kasama ko ang Maykapal.
At sa aking huling sasabihin, ako ay aamin:
Ang aking kausap ay ang tao sa salamin.
kahel Jul 2016
Sa bawat patak, alaalang gumugambala sa utak.
Sa bawat kulog, alaalang hindi ako pinapatulog.
Sa bawat kidlat, mga kamay mo na nakapaikot sakin ng nakaunat.
Sa bawat hampas ng hangin, ikaw na minsan'y naging akin.
Sa bawat pag ulan, napagtanto na ika'y isang malaking kawalan.
Sella Jun 2020
alas tres ng umaga
gising at dilat parin ang mga mata
makakatulog paba?
ngunit paano nga ba?

hindi pinapatulog ng lungkot
ang puso't isip na nagbubuo ng takot,
pagiisip na kung saan-saan umaabot

parang awa mo na
patulugin na
pagkat pagod ng tumangis ang mga mata
at pagod ng masakatan ang puso pagkat naghihina
kaya parang awa mo na...tama na

tama na...tama na ang bigat na aking nadarama
kase hindi ko alam kung kakayanin pa ba
pagpahingahin mo na,
nais ko lang huminga kaya please awat na.
Don't get to deep, It leads to overthinking, and overthinking leads problems
that doesn't even exist in the first place
Shynette May 2019
Ako'y di pinapatulog ng kalungkutan
Laging nakatingin sa kawalan
Iniisip ano pa bang kulang
Patawad ika'y aking pinagkatiwalaan
Akala ko saya'y akin ng makakamtan
Ngunit nagkamali ako saking katwiran
Isa ka rin pala sa mga taong ako'y iiwanan
Todo pa ang galit mo dahil sa kwento kong ako'y naloko
Ngunit diko alam isa ka rin pala sa mga ito
Ngunit hayaan mo, okay na ako
Isinuko kona sa taas ang lahat ng problema ko
Magaan na ang loob ko, hindi na mabigat sa puso
Dahil alam ko dumating ka bilang isang lesson sa buhay ko
Salamat sa pagdating mo ako na'y natuto
Pangako huli na ito, isinusumpa ko
Ang araw na magtitiwala ako agad sa isang tao
Ay hindi na madaling mabuo gaya ng pagkakatiwala ko sayo
Dahil ayoko ng mabuhay malapit sa mga taong mahilig manloko
Akala mo kung sinong mabait, sya pala tong gago
Zen billena Aug 2020
Sa bawat pag pitik ng orasan
Bakit ba lagi ikaw ang laman ng isipan?
Kung ang ngiti at sulyap mo lang ay rehas.
Siguradong wala ng pagkakataon pang makatakas.

Ewan ko ba?
Para kang barakong kape
Na hindi ako pinapatulog sa gabi.
Parating nasa isip ka.
at iniisip ko ,kung iniisip mo din ba?

Isa, dalawa, tatlo..
gusto ko ng tumakbo
Pero papanu?
Kung sa kada hakbang ng mga paa ko, imbis na lumayo ay lalo
Pang lumalapit sayo.

Paanu ba malalaman
kung Mahal mo na?
Pasensya kana..
Kung ito man ang mga sintomas
hindi ko na hahanapan pa ng lunas.

— The End —