Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Dec 2018
Yakapin ang suliranin ng muling pakikibaka
Bigat at layog ng bundok ay tiisin
Sa tuktok ay maghiyaw nang pagka-alwan
Sagot sa problema ay ang pangingibabaw sa bawat kapansanan

Buhawing humihigop ng munsing na pananalig
Madalian na hinihingi ang kapasiyahan
Sa pinto ng paglalayag
Isang pagsubok ang malakas na sigwa

Sa paglisan ng araw sa kalangitan
Sakripisyong di-maihahalintulad
Saksi ang mga bakaw
Tila pag-aasawa na nasa linya

Ang pagsasarili nito noong lumayo sa tahanan
Isinuko ang lahat nang bumukod
Sa pinangakuang liyag nakagapos
Bumago ang ihip ng Amihang hinahapo

Meron kasal-kasalan
Gantimpala ba ang matatanggap?
Nauuri sa hunghang na ehemplo
Sakim sa bagay na kinakaaliwan?
kingjay Oct 2019
Dinggin ninyo
Ang pag-ibig ay mapanibughuin
Ayaw may kahati
Ni ayaw magpasaling

Ang pinangakuang kamay lang ang dapat tumangan
Kapag may ibang humawak
Ay mangyayari ang tunggalian

Ito'y maramot - di mapagbigay
Sa tulaling kabiyak niyang laging nakaugnay
At ang takbo ng oras sa kanila ay mabagal

Nararamdaman ng bulag
Nauunawaan ng pipi
Umaalingawngaw sa tenga ng bingi
Walang kapansanan
Walang dahilan sa hindi pagganap

Ngunit nang minsan natanaw
Na may ibang kalaguyo
Nagunaw ang mundo
Dahil lubos ang tampo
Crescent Jan 2020
Di ko aakalain na sa iyo ako mahahanga
Sa dinami-raming mya babae na aking nakikita,
Ang iba'y kasing talino ni Einstein o kasing ganda ni Catriona
Ikaw na nga babang binigay sakin ni Tadhana?

Ako'y paunting-unting nahuhulog sa bawat oras tayo'y magkasama,
Di ko kayang malimot kahit aking sinubok.
Pero bakit ako natatakot?
Gusto ko rin magkaroon ng tayo pero ba't di ko magawa?

Ang puso ko'y namumuhay parin sa nakaraan.
Patuloy parin tumitibok sa taong aking pinangakuang
Hihintayin ang araw na muli ko siyang matatawag "aking mahal".
Huhintayin ko pa ba ang araw na iyon dumating?

Kung pwede lamang ligawan kayong pareho'y gagawen ko
Kahit isa lamang ang pwedeng manatili sa king puso.
Sabihin niyo na tanga ako magmahal ay la kong pake, dahil ito'y aking alam.
Sino ba ang pipiliin ko? Ang nakaraan o ang ngayon?

— The End —