Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eloisa Oct 2019
Hawak-kamay, sabay na tinahak ang makinang na dalampasigan
Patuloy sa paghakbang at paghila sa animo'y hindi dumarampi sa buhanging mga talampakan
Mga palad na magkayakap, mga daliring magkaniig
Dalawang pares ng matang nakangiti na ayaw bumitiw sa pagtitig
Kasabay ng umaawit at mabining pagaspas ng alon
Sumakay sa bangka patungo sa paraiso'y masayang sumagwan
Subalit sa masayang paglalakbay ay may humulagpos na unos
Paligid ay nilamon ng dilim, dumaan sa langit ang kislap ng talim
Bangkang sabay na sinasagwan, tumaob at tinangay ng agos
Sa gitna ng laot, sabay ding nilamon ng dagat at sa ilalim bumulusok
Patuloy ang delubyong pilit na pinaghihiwalay ang magkahugpong na kamay
Pilit pa ring lumangoy at magkasamang sumampa sa bangkang gutay-gutay
Niyakap nang mahigpit ang kilalang bisig kahit nakapikit
Hindi man mapigil ang higanteng alon at malakas na buhos ng ulan
Nangangatal, nangangalay man ay hindi huminto sa pagsagwan
Muntik mang malunod sa sigalot na mainam na nakaungos
Kumalma ang dagat, natawid ng gabi ang umaga sa gitna ng digma at unos
Mula sa dalampasigan, sa laot at sa dulo ng mga puso
Mamamayani ang pag-ibig sa malawak at mapanghamong mundo
~ I hope to translate this piece to English.
Joe Feb 2020
Nagmahal ako ng higit pa sa inaakala nyo.
Lahat ginawa ko para sa taong nagpapatibok sa puso ko.
Ibinigay ko lahat ng maibibigay ko bilang ako.
Buo ang puso ko na ipinagkatiwala sayo.

Masaya naman tayong nagpapalitan ng matatamis na salita.

Ngunit bakit tila may nagbago?
Madalas ang panlalamig mo.
Madalas na may hindi pagkakaintindihan na pinagmumulan ng away.
Nasasaktan ako sa mga pagbabagong nakikita't nararamdaman ko.

Pareho naman ang itinitibok ng ating puso.
Ngunit
Pareho nga ba?
O imahinasyon ko lang?
Isa lang bang panaginip ang lahat ng ito?
Kasi kung Oo
Ayoko nang magising.
Ayoko nang magising sa katotohanan,
Na una palang
Alam kong talo na'ko.

Oo nga pla.
May nakalimutan ako.
Oo nga pala hindi nga pala tayo.

Hanggang dito nalang ba?
Hindi na ba aangat yung pagsasamahan natin?
Kasi masakit na.
Yung puso ko parang pinaghihiwalay at nahahati sa dalawa.

Nasasaktan ako kapag may kasama kang iba.
Nasasaktan ako kapag nakikita kitang masaya sa iba.
Kaso wala naman akong magagawa.
Wala naman akong karapatan.
Wala namang ako at ikaw,
Kasi nga hindi naman tayo.

Ang tanging magagawa ko lang ay ang umiyak.
Iiyak ako hanggang mapawi ang sakit at kirot sa puso ko.
Para naman kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

— The End —