Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan C Dec 2020
Ang nasa itaas ay magiging masaya.
Tayo'y buo at mag kakasama.
Nag-papasalamat sa isa't isa.
Walang katumbas ang binibigay na saya.
Maligayang pasko para sa ating kapwa.

Maligalig ang aking mga kasama,
Halina't sumabay sa tugtog ng guitara.
Ngayong taon ay kakaiba,
Maraming bago at na iiba.
Ngutin nakangiti dahil kasama parin ang pamilya.
parang paskong walang pamilya

parang sabaw na walang asin

parang punong walang dahon

parang gabing walang bituin
A:
Parang tulad ng paglimot ng karagatan sa dagat
At tulad ng paglimot ng ibon sa paglipad

© Nezer Vergara & Cyrille Octaviano, 2015
Claudee Mar 2020
may kakaibang hangin na dala ang paskong bitbit mo

unos yata ng umaalong dagat sa di kalayuan

ilang buwan na lang at babalik tayo sa pagdala mo ng matamis na pasko

salamat sa pagbating alay mo noong ika'y lihim na mahal

ngunit tapusin na lang natin ang pagtawid dahil iba na'ng isip mo

sa dulo ng karagatan, seth, yayakapin ka para sa nagdaang pasko

pero sa ngayon, lumisan muna at hayaang humikbi ang pusong di ko na iiwan
10/02/19

— The End —