Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Claudee Jul 2017
pluma, pluma
sinaid ka man ng sandaang mga trahedya
iluha **** lahat upang ang susunod na marka
pangungusap na ng ibang istorya

paglagas man ng bawat pahina'y
kalaban sa pagtakbo ng oras,
huwag matatakot sa muling pagsayaw
ng mga gamit nang letra

babalik-balikan kita upang lumikha ng
mas magagandang musika
ngunit bibitawan muna para gumuhit sa
literatura ng ating katotohanan

tinta ma'y maubos, bubuhos muli
papel ma'y mapunit, mapagkakabit pa rin
Nong tayo'y magkasintahan,ikaw ay may agam-agam.
Na baka isang araw,ako sa iyo ay maagaw.
Mga pangungusap ng labi **** Binitawan,na ako ay gusto mo ng punlaan ng sa ganon ang pangamba ay tuluyan ng maibsan.
Naniwala ako sa mga salita **** "hindi kita iiwan",kaya
supling na ninanais ay aking ibinigay,sa pag nanais **** d kita maiwan.
ngunit sa bandang huli,ako pala ang magiging luhaan.
Supling na ninanais bakit ngayon mag-isa na lang akong gumagabay.
Dahil sa Ikaw pala itong Mang-iiwan.at ang pag lisan mo ay di ko man lang napaghandaan.
Louise Jun 12
Sa gitna ng mga pangungusap at patinig,
sumisirit pa rin ang kislap, sumisitsit pa rin ang iyong tinig.
Sa harap ng mga katinig at mga salitang hiram,
mawala man ang tuldik, at impit, ika'y tutulo pa rin, tila ulan.
At sa likod nitong mga tula at awit ay ang tunay na ibig sabihin,
sana'y maunawaan mo pa rin ang sambit ng aking labi.
At sa ibabaw nitong mga salita, may hindi pa rin maisawika,
nawa'y maintindihan mo pa rin na ikaw ang sinisinta.
Ibabalik ko lahat sa'yo itong mga hiram na salita,
salin mula sa iyong lengguwahe, isasauli ng aking banyagang dila.
Pahintulutan **** ialay sa iyong may dagdag-bawas,
tila makabagong relihiyon, ngunit pangakong hindi ako mag-aaklas.
612 2/3
solanamalaya Jun 16
Maski ikaw maguguluhan sa kung paano kita nagustuhan, ikaw naman kasi wala ka manlang pakiramdam.

Walang pangungusap,
Puro amba lang.

— The End —