Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lecius Jan 2021
Sa pag-iwan ng araw sa alapaap,
Magiging asul ang pinamumugaran ng mga ulap,
Uusbong ang buwan na matingkad.
Sundalo ng alitaptap mag-sisilabasan,
Gayon 'din mga bituwin na walang kabilangan.

Subalit sa patuloy na pag-lalim ng gabi,
Mga ala-ala'y sa isip humahabi,
Nais n'ya muling tanawin ko ang kahapong tapat,
Eksaktong oras ng ika'y nakasama sa tabing dagat.
Ipinapaala n'ya mga saglit ng segundong sapat,

Hindi ba't napakaganda niya titigan,
Walang dahilan upang sawaing masdan,
Makailang palit man ang panahon,
Sigurado mula sa nag-daang hapon,
Patungo sa kasulukuyang linalakaran,
Hanggang sa aapakan na kinabukasan,
S'yang kariktan n'ya'y walang kapantayan,
Kahit buwan na s'yang naturingan ng karamihan,
Na pinakamaganda sa kalawakan.

Ika nga sabi ng karamihan,
Kapag sinisinta'y s'yang kasamahan,
Gaano man kaganda pasyalan,
Ito ma'y paboritong puntahan,
Hindi na ito ang iyong titigan,
Kundi doon na sa babaing balak mo pakasalan.

— The End —