Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kcons Jul 2020
Kung titingnan tayo sa malayo
ay tila dalawang estranghero.
Magkalapit na nakatayo,
ngunit kalooban ay magkalayo.

Sa bawat buntong hiningang pinapakawalan,
ay ang patagong pagpahid ng luhang pinipilit wag masdan.
Sa bawat patak ng ulan sa iyong mykha,
ay ilang beses kong pagpigil ng sariling luha.

Gustohin ko mang ikaw ay pigilan,
wala akong magagawa kundi ikaw ay pakawalan.
Kung kagustohan ko lang din naman ang masusunod,
Maari ba?

Maari  bang sabihin,
mga salitang pilit pinipigil bigkasin?
Maari bang kahit ngayon lang,
ay mawala saglit ang pagkailang?

Maari ba?
Kahit ngayon lang?
Kahit saglit lang?
Maari bang ikaw?
George Andres Mar 2018
nagkaro'n ng kahulugan ang pananatili
para sa mga pinagkaitan ng liwanag
hindi ba maaaring kanlungin mo ang lahat?
o manganak nang manganak mula sa sugat?
gano'n ba kadaling hukayin ang pangarap
at kuning muli at alisan ng tatak?
paano lilingon nang walang luhang papatak?

hindi lamang pagtalikod ang pamamaalam
o pagpahid ng mansanilya sa pusong nilamutak at sinasagasaan
pasasaan ay lilisan, ngunit bakit hinayaan **** mangyari nang mabilisan?
walang daan, walang paraan, kung paano ngingiti ang isang kaibigan.
31518
Firefly Mar 2020
Sa pag lubog ng araw,
Nakatutok ang mga mata sa abot-tanaw.
Sa pagsilip ng mga bituin
Sa kalangitang dumidilim
At paghaplos ng malamig na hangin
Sa basang pisngi
At tuyong labi
Unti-unting nakakain ng masalimuot na nakaraan
ang matamis sanang kinabukasan.
Ngunit sa pagpahid
Ng katas ng nawalang pag-asa
Ay bagong kislap
Sa aking mga mata
Muling tatanaw,
Ngunit ngayo'y
Sa pagsikat ng araw.

— The End —