Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Omniest Wanderer Oct 2018
Nakakakilig, matatamis ang iyong mga ngiti
Nakakatunaw ang kinang sayong mga labi

Kakaiba ka sa pakiramdam, napakaganda mo sa loob
Napakaganda tignan ng mala alon mo na buhok

Sabi nila'y, ang mga taong may liwanag ay meron ding lalim
Ano nga bang nasa likod ng 'yong magagandang tanawin

Nais ko'y lumapit, ngunit papano ako bubwelo
Tunay ngang ang langit ay binabantayan ni san pedro

Ako'y manlalawig, at tumatawag si Laguna
Mukha atang mahirap na'kong pigilan animo'y pumapatak na luha

Nananaginip binibigyan ka ng kwentas ba o singsing
Bagamat ikaw ay isang bituin, sayo'y wala akong hinihiling

Sapat na saking nakatingala, kahit tingin sa sarili ay kawawa
Sapat na saking malaman ang presensya ng isang tala

Ang nais ko lang naman ay magpamalas ng paghanga
At sana, sana ay paglapitin din tayo ng tadhana
Lynne Pingoy Sep 2015
ALDUB, isang loveteam na hinahangaan ng sambayanan
Lalaki, babae, o kung anumang kasarian man yan.
Siguradong kikiligin ka sa tambalan ng banyan.
Syempre ALDUB yan, sigaw ng taongbayan.

Dalawang taong may pinag-aralan
Naging isa sa EAT BULAGA; programa ng bayan.
Walang halong kaartehan o kaplastikan ang pagtitinginan
Inyo itong makikita sa kanilang mga tinginan.

Si ALDEN na handang tumupad sa pangako,
At si MAINE na handang maghintay sa mangingibig nito.
Ang pag-iibigan nila minsan magulo,
Pero madalas nagiging wasto.

Mga mata nila'y nagtugma na,
Ngunit kamay nila'y hindi pa naging isa.
PLYWOOD, ALARM CLOCK, LONG TALBE Nidora, humarang sa kanila,
Paglalapit nila'y naging HOPIA pa.

Kailan kaya magiging isa ang mga ito?
Kung ang layo nila'y magkabilang dulo ng mundo.
Ang mga tao'y nagtatanong,
Kailan nga ba ang tamang panahon?

Ito'y huling hirit na ng mga tao.
Lola Nidora tuluyang buksan ang iyong puso.
Paglapitin landas ng dalawang ito.
Upang ang mga tao'y kiligin mula BATANES hanggang JOLO.
Jasmin Jun 2020
Sa t’wing sasapit ang sariwang umaga
Ang himig mo ang aming ninanais marinig
Hinihintay ang hagkan sa umaalpas na luha
Nagsusumamong mahaplos pagod na tinig

Inang Bayan, paumanhin sa aming sinapit
Bagamat nakatakas noon sa pagkakatali
Panibagong gapos ang mahigpit na pumilipit
Ngayon nga’y ang lahat ay muling nahahati

Kaya sa iyong kaarawan, maaari bang ika’y humiling?
Kaayusan ng bayan, nawa’y makamtan namin
Daop-palad, kami’y paglapitin at pagbatiin
Gulo sa bawat puso’t isipan, sana’y pawiin

Katulad ng kahapon, ang dilim ay matatapos
Bukang-liwayway ay muling masisilayan
Ganoon din sana, ang tunay na kalayaan—
Muling masisilayan.

— The End —