Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paglamig" poems
ang buhay daw parang umiinom ka lang ng kape hanggat mainit at umuusok grab ka lang unti-unte abutin man ng paglamig sa muling pagbabalik duon mo lang mamamalayan kung paano ka nasabik ang kape tulad din naman sa ating buhay kanya-kanyang panlasa para hayahay ang buhay at kape may pagkakataong hinde natin timpla ang mahalaga ay kung paano naten haharapin ang bagong umaga "And what I'm trying to say isn't really new It's just the things that happen to me when I'm reminded of you !!! " wala sa tamis o tapang kahit na nga matabang ang ikasasarap ng isang kapeng timplado sa araw-araw na buhay ay nasa pait nito !!! " Like when I hear your name or see a place that you've been or see a picture of your grin or pass a house that you've been in one time or another it sets off something in me I can't explain and I can't wait to see you again !!! " kamusta ang buhay?  tara kape tayo
0
Nov 14, 2015
Nov 14, 2015 at 8:59 AM UTC
tatlong ihip
Handa ako sa mga titig **** magpapabilis ng aking puso, Sa init na hatid ng mga yakap mo, Sa halik **** magpapatigil ng aking mundo, At sa mga masasayang ala-ala na tayo ang bubuo. Handa din ako sa mga araw na sasakit ang ating tiyan sa kakatawa, Sa mga gabi na aalagaan ka kapag nalasing ka, Sa mga panahon na kailangan natin ang isa’t-isa, At sa mga oras na bumibilis kapag ikaw ang kasama. Pinaghandaan ko din ang mga pagsubok na ating pagdadaanan, Ang mga di pagkakaintindihan at tampohan, Mga maliliit na bagay na ating pag-aawayan, At mga masasakit na salitang pwede nating mabitawan. Pinaghandaan ko lahat ngunit… Di ko napaghandaan ang paglamig ng iyong mga titig, Ang pagkawala ng sigla sa iyong mga ngiti, Ang pagdalang ng iyong lambing, At ang unti-unti **** paglayo saakin. Di ako handa sa tuloyan **** paglisan, Sa paglimot ng boses na nakasanayan, Sa pagtapos ng ating sinimulan, At sa mga ala-ala na hahayaang mabaon ng nakaraan. Sana una palang hinanda ko ang aking sarili, Sa posibilidad na ika’y di mananatili, Na hiram lang pala ang bawat sandali, At sa huli maiiwan lang din akong sawi.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:30 AM UTC
HANDA (tagalog)