Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagbawi" poems
Nakatawid na ang gabi sa umaga, Umuusad ang magdamag ng digma. Tahimik ang silahis na nakikiramdam Sa paghulagpos ng salimbayan Ng mga kulay na nagluwal ng dilim. Hudyat ang kindat ng kislap ng talim, Pagtitilad-tilarin sa pakikipagtalad Naglalagablab naming mga balak. Talampaka'y mangangahas sumampa, Sa binakuran **** pagsasamantala. Kabisado ng mga bisig kahit pa nakapikit, Imbay ng sandata naming karit. Matipid sa kilos, mabilis ang hagip Dinambong sa aming libong ektaryang langit, Babawiin, handa sa anumang kapalit, Karapatan, aming muli’t muling igigiit.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 10:59 PM UTC
Pagbawi
Sa pagbuka ng liwayway Kasabay ng sikat ng araw Na dumadampi sa aking Mga panaginip na ligaw Minsan, sa aking pagbangon Kasabay ng pagbawi ng unos At paglubog ng ngiti Ay mga luhang kusang umaagos Minsan, sa kabila ng aking Pagtingin at pagtalikod Ay nawawasak ang aking Mga matatatag na bakod Paminsan minsan, Naalala kita... tayo, Naalala ko ang bawat lambing Ng mga binitawang pangako Minsan, bumubukas ang mga sugat Minsan, lumalala ang bigat Minsan, bunabalik ang nakaraan Minsan, bumabaliko ang daan Paminsan minsan, nakikita kita Sa bawat sulok ng aking ala ala.
0
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 8:13 PM UTC
Paminsan minsan
At sa pagbawi ng tadhana Masakit man ang magparaya Doon ako kung saan ka sasaya Kung saan ka malaya.
0
May 29, 2018
May 29, 2018 at 9:29 AM UTC
Malaya ka na