Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marge Redelicia Feb 2014
Salo-salo ang lahat:
Nakaupo, nakadekuwatro
Sa isang mahabang bangko.
Ayos lang
Kahit medyo masikip
At nagkikiskisan ang mga siko.

Ang mesa'y nilatagan
Ng dahon ng saging.
Bawal ang maarte;
Walang mga pinggan
At iba pang kagamitan.

Nakakamay ang lahat sa pagkain
Ng maiging inihaw
Na sariwang malaman na tilapia.
Meron ding mga gulay
Na pinakuluan at nilaga:
May kangkong,
Okra, sitaw at talong.

Samahan mo pa
Ng hiniwa at tinadtad na
Pulang sibuyas at kamatis,
Na may halong bagoong
At piga ng kalamansi.
At sa wakas, ang panghimagas:
Mga gintong mangga
Na ubod ng tamis.

.   .   .   .   .

Napapasarap
Ang pinakasimpleng handa
Samahan lang ng kuwentuhang
Nagpapasaya at nagpapatawa
At siyempre kung salo-salo
Ang buong pamilya.
Tahimik ang gabi, ngunit may ugong,
Parang kulog sa dibdib na ayaw matulog.
May bagyong di dumaan, pero ang init ay sobra,
‘Yung singaw ng katawan, parang sabaw ng nilaga.

Matagal ko nang sinarhan ang pintuang may sigaw,
Hinayaang maipon ang init sa ilalim ng balabal.
Parang alkansyang bato—hindi mo mabasag,
Pero puno na ng barya... at bawal i-withdraw, laglag.

Kada tingin sa relo, may oras ng delubyo,
Ngunit laging missed call ang tanong sa sentido.
May luhang hindi sa mata dumadaloy,
At may luhang gustong isaboy… pero huwag, hoy!

Ito'y hindi libog na bastos at mababaw,
Ito'y sigaw ng kaluluwang gustong magpaalpas ng dangal.
Isang likhang apoy na gustong umulan,
Pero paano kung ang langit ay hindi handang makidamay?

— The End —