Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
shia Oct 2018
nang tayo'y sumilong at hinintay na tumigil ang ulan
sumilang ang panibagong pagbugso ng nararamdaman
mga pasimpleng sulyap na naging malalim na titigan
pagdikit ng kamay na sa huli din ay naghawakan
ang dating may inarte pa sa pagyayakapan
ngayon ang tanging hiling nalang ay ika'y mahagkan
nasanay na ang mga kamay sa kani-kanilang katawan
kung saan-saang bahagi ang nahahawakan
ano kaya ang dahilan?
tikom ang bibig, ang baso'y natabig
mga saloobin na lumalabas dati'y di naman dinig
ang mga mata na tila dagat, nag-iba ang kislap
ako nama'y mabilis na nalunod sa isang iglap
palaisipan pa rin sa akin kung pareho ba ang ating emosyon
ang tambalan nating bahagi lamang ng isang kuwentong piksyon
mother language. idk what to do, i just thought of one person and i said all these. di ko kasi sigurado kung aasa ba ako o magpapaasa.
Claudee Jul 2017
may unang beses ang huli **** pagsimot
sa natitirang boteng pansapat sana sa kulang
hiling pa nga noo'y wag munang maubos at ilapag
ang babasaging sana'y kinapitan pa nang mas matagal

mga boteng natabig at wala nang ipapatak
'wag na lang natin muling isalansan
iyon na una at tanging beses
ang huling beses...

— The End —