Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mahilig akong manood ng pelikula
Sisiyasatin ko ang bawat balangkas
Panonoorin mula sa simula
Papunta sa kasukdulan ng kwento
Hanggang sa katapusan ng kwento

Isa sa paborito kong kategorya nito
Ay ang pag-ibig

Napakasayang manood ng pelikulang pag-iibigan ang tema
Dahil kahit minsan ay katulad din ito ng nararanasan natin

Magsisimula sa pagpapakilala
Sa “ako nga pala si..”
“At ako naman si..”
Sabay ngiti na tila titigil ang mundo
Bibilis ang pintig ng puso
At mapupuno ang tiyan
na tila nakalunok ng sangkatutak paruparo
At nanirahan sa ilalim ng mga kalamnan mo

Napakatamis ng mga simula
Ang mga panahong ang mga mata
Ang nagsisilbing daluyan
Ng enerhiya na nagpapasabay ng tibok
ng puso niyong dalawa
Ang mga panahong ang mga kamay
Ang nagsisilbing hawakan sa pinakamalayong paglalakbay

Kikiligin ka sa simula

Magpapatuloy sa kasukdulan
Magpapatuloy
Sa “Bakit hindi mo agad sinabi?”
Sa “Bakit ka nagsinungaling saakin?”
Sa “Ano bang nagawa ko sa’yo”
Sa “Saan ba ako nagkamali?”

Matututunan mo na ang pag-ibig pala ay nagbabago
Ang dating matamis ay naging mapait
At tila isang kape na dating kumukulo sa init
Ay nanlamig bigla
Sa di inaasahang panahon

At sa katapusan ay makikita mo ang dulo
Ang pagpapaalam
Ang mga salitang “Hanggang dito na lamang tayo”
Na kahit na ipinangako niyo sa isa’t isa ang walang hanggan
Ay naabot niyo pa rin ang dulo

At kahit na masakit ay tatanggapin mo
Dahil ang katotohanan ay
Ang pag-ibig ay nagwawakas

Mahilig ako sa mga kwento
Dahil dito umiikot ang mga pelikulang sinusubaybayan ko
Ang simula, kasukdulan at pagtatapos

Ang paborito kong istorya
Ay ang pag-ibig

Pag-ibig
Na nagsimula sa pagpapakilala
Sa pagtanggap ng katotohanan
na hindi ko kakayanin mag-isa
Sa pagsambit na ikaw lamang
ang kayang magligtas
sa kaluluwa kong ligaw

Hindi man puno ng tamis
Pero puno nmn ng tunay na pagsinta
Ng totoong nagmamahal

Ang mga mata niyang magbabantay saakin
Sa tuwing ako’y nag-iisa’t nasa panganib
Mga labi, na hindi mo man nakikita ang ngiti
pero ramdam ang pagmamahal sa tamis ng salitang sinasambit
Mga kamay, na hindi nagsisilbing hawakan, pero gabay
At sa tuwing naliligaw na ako’y andyan ka pra itama ang aking landas

Pag-ibig
Na ang kasukdulan ay
Naganap sa krus
Kung saan ipinakita ang tunay na kilos ng pagmamahal;
Sakripisyo
Kahit na hindi ako nararapat sa pag-ibig mo’y
Ibinigay mo ang lahat
Para lamang maibalik ang ako, na minsan nang naglibot papalayo
Sa kasabikan na mahanap ang dulo
Kasama ang mundo
pero nagkamali ako

Ang mundo ay iiwan kang lagalak
Sa kalsada
Humahanap ng titirhan
Humihingi ng makakain
At nanlilimos ng ng salapi

Pero ikaw ang pumulot saakin
Sa pagkaalipin ko sa mapanlinlang mundo
Iniangat mo ako sa kahirapan ko
Kahit na tila kapeng nanlamig ako
Ay hindi mo isinantabi
Pinaranas mo ang tunay na pag-ibig
Na hindi kayang ibigay ng kahit sino

At tulad ng mga pelkulang paborito ko
Hilig kong sinusubaybayan ang kwento
Ang paborito kong kwento ay ang pag-iibigan nating dalawa, Panginoon.

At magtatapos ito sa…
Mali.
Hindi pa rito nagtatapos ang kwento
Bryant Arinos Aug 2017
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na.
Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala.
Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako"
Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo.

Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa.
Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama.
Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho.
Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama?

Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa.
Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa"
Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita.
Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa"

Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko.
Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo.
Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya.
Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na.

Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na.
At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
m i m a y Sep 2017
Naranasan mo na bang apihin
Ng dahil lang sa katawan **** bilbilin
Halika kaibigan may kwento ako sayo
Nawa'y pakinggan mo at sana'y makatulong ito

Ako nga pala si Mahal
Madalas bully-hin ng aking kamag-aral
Yung tipong gusto **** sagutin ang tanong ni ma'am
Ngunit alam **** pagtatawanan ka lang

Meron din akong kaibigan
Na alam kong maasahan
Ngunit ako di pala'y iiwan
Ng dahil din sa aking katabaan

Isang araw nagkaroon ng sayawan sa paaralan
Napakalungkot ng aking isipan
Dahil alam kong  walang lalaking magtitiyaga
Na makipagsayaw sa katulad kong mataba

Sa sobrang sakit na aking nadarama
Alam mo kaibigan, ginusto ko ng mawala
Wakasan ang bukay na ito
Ngunit aking napagtanto
Napakasayang mabuhay sa mundong ito
Kahit na maraming masasamang tao

Kaibigan paalala lang, wag **** baguhin ang sarili mo
Lalo na kung para sa ibang tao.
Tanggapin mo kung ano ka
Tanggapin mo kung sino ka

Dahil kaibigan mataba ka man, tandaan mo
Meron at merong iintindi sayo
Merong isang taong tatanggapin ka
At mamahalin kung sino ka
dear classmate, ito na yung tula para sa TP natin.
Euphrosyne Feb 2020

— The End —