Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napakalaki" poems
Wag mo akong itulad sa iba Na laging nakapayong kapag umuulan Kahit basa kaya ko pa rin tahakin ang daan Daan na kasing putik ng kanilang nilalakaran. Wag mo akong itulad sa iba Na akala mo kung sinong napakalaki ang mga mata Na halos puro nalang mali ang kanilang nakikita Daig pa ang maykapal kung makapanghusga. Wag mo akong itulad sa iba Na kung sinong mapakakapal ang mga bulsa't pitaka Sila na kayang bumili ng kung anu ano lalo na pati ang hustisya Sasaktan, gigipitin ng ilan masunod lang ang ninanais nila. Wag na wag mo akong itutulad sayo Wag mo din akong itulad sa tatay at nanay mo Lalong lalo na sa taong mga nakapaligid sayo Bakit? Hindi tayo pareho,  Mayaman ka at hampaslupa ako.
0
Oct 8, 2011
Oct 8, 2011 at 1:19 PM UTC
Wag Mo Akong Itulad Sa Iba (Hampaslupa Ako)
Hindi mo ba napapansin itong aking lihim na pagtingin, Bakit parang sayo ako’y para lamang isang hangin? Ako ang iyong kasama ba’t sa iba ka nakatingin? Nasasaktan, nagdurogo itong puso't damdamin. Hindi ko man nasabi pero akin namang pinadama, Di mo ba nahalata o sadyang manhid ka lang talaga? Kailan ba magbubukas sa akin ang puso mo sinta? Ganunpaman maghihintay sayo kahit masakit na. Oo napakalaki kong tanga na inibig pa kita Kasi magkaibigan lang tayong dalawa dapat diba? Eh paano ko pipigilan, puso kong ni kupido’y pinana? Ito nga’t nakagawa ng tula, para sayo nagpapamakata.
0
Oct 2, 2017
Oct 2, 2017 at 10:00 PM UTC
Lihim kong Pagtingin
Unti-unti nang pinapalitan ng kadiliman ang langit na kanina'y kay liwa-liwanag pa. Nakaupo ka sa aking tabi, tumitingala sa langit habang ang puso ko'y bumibilis ang pagtibok habang lumilipas ang mga sekundo. Kasabay ng pagpintig sa kalalim-laliman ng aking sarili, ay ang pagbaba ng mainit na araw na sumisikat sa atin at ginagawang mala-ginto ang iyong kutis; kapalit nito ang maluwalhati na buwan na kasing hugis ng iyong nakakaginhawa na mga mata kapag ika'y tumatawa. Ang sansinukob ay napakalaki at maraming mailalaman; at hindi ko papalapgpasin ang pagkakataon, kahit kailan, na ipaghambing ka roon. Maaaring napakaliit ng iyong katawan, ngunit ang puso **** pagkalaki-laki ay punong puno ng pagmamahal. Ikaw. Ikaw ang aking sansinukob at ang pagmamahal ko ay para sa iyo lamang. Kinuha mo ang aking kamay at hinalikan, ako'y iyong tinanong kung ano nga ba ang nasa isip ko; kaunti nalang ay hindi ko na mapipigilan ang sarili ko at isisigaw ko ang iyong pangalan ng paulit-ulit upang sagutin ng diretso. Ang aking pagkahaling sayo'y katulad ng kalangitan; maaari mang magkaroon ng kadiliman ay babalik parin sa dating anyo na kay ningning. Ikaw ang nagsasabit ng buwan sa langit bawat gabi at ako naman ang tagawilig ng kumikinang na mga bituin sa iyo. Hindi tayo makukumpleto kung wala ang isa't isa, kaya ako'y humihiling bawat gabi na tayo'y hindi magwawalay sa isa't isa. Ninanais ko na ang iyong puso ay habang-buhay na titibok para sa akin, dahil alam ko na ang akin ay titibok para lamang din sa iyo.
0
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 10:17 PM UTC
sansinukob

Continue reading...
6
Matagal ko na gusto itong sabihin sa iyo Ang pag-ibig katulad ng ihip ng hangin ay nagbabago Sa magulong mundong makikita saan mang dako Iisa lamang ang pag-ibig na totoo. Bangon kaibigan sa iyong kinasasadlakan Tunay na pag-ibig na ito ay walang hangganan Ito ang tagapagsilbing gabay sa iyong buhay Ng makamit mo ang saya na tunay at walang humpay. Kaibigan sa iyong paglalakbay sino ba ang gumagabay? Masalimuot na mundo, marami ang patunay Marami ang temptasyon sa atin ang sumasabay Kailangan ang Panginoon ang pag-ibig Niyang alay. Minsan ba sa iyong buhay problemay napakalaki? Lahat ng solusyong naisip puro walang silbi Subukan **** bilangin ang biyayang pinagkaloob Ng Diyos Ama sa Langit na Siyang may handog. Kaya kung inaakala mo ang buhay mo ay patapon Wala ng silbi, wala ng pag-asang maiahon Mayroon isang Diyos sa atin naroon Kumakalinga sa Iyo sa lahat ng panahon. Matapos ang araw na ito sana maintindihan mo Kung gaano kalaki ang biyayang nasa sa iyo Tanggapin lamang ito ng bukal at buong puso Ang bukal ng buhay ay tanging kay Kristo.
0
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 11:27 PM UTC
Kaibigan, Usap Tayo
Ako nga pala si jac Tsino Mananakop ako Oo lalagyan na kita ng 9 dash line para wala nang laban ang ibang lalake saken Kahit magaway pa sila para sayo hatulan pa nila ako masusunod parin ang batas ko Ganun ka kaganda ganun ka kahalaga Mga nakaraan **** 'di ka pinahalagahan ngayo'y pinagaagawan subalit! Ngayon andito na ako aagawin na kita sa mga taong hindi nakakakita ng halaga mo kaya gagamitin ko ang isang daang porsyento kong lakas at ilalabas ko ang aking 9 dash line!napaka lakas hindi makakalas Hindi kita aabusuhin peks man Aalagaan kita kahit napaka aga palamang Pasalamat sa diyos na binigay ka sa katulad kong nagmamahal lamang Napaka laking biyaya na binigay sa akin Akin ka na! Oo akin ka na nasakop na kita at wala nang sasakupin pa Kuntento na ako sa nasakop ko Kahit maliit ka napakalaki mo pa ring biyaya Nagsimula lahat ng ito noong napasulyap ako sa ganda mo Nakita kita sa isang silid ng isang paaralan Sa dinami dami ng taong nakatayo sayo lang luminaw ang mga mata ko Nasilaw ako sa ngiti **** taglay Doon palang nahulog na ako Pagkatapos kitang nakita sinundan kita kada araw na nakikita kita na nass malayo palamang Sa oras na pslapit ka na saken hindi ko na alam sssbsihin ko Pano kung ganito pano kapag ganyan Paano pano papano nga ba masasabi sayo na ako nga pala yung sumusunod sayo ng tingin na parang may gagawin sayo Joke Oo may gagawin ako Nanakawin ko lang naman ang puso mo Ang pinagkaiba lang naman sa ibang magnanakaw Hindi kita iiwan sasamahan pa kita hanggang dulo Ako yung tsinong imumulat ang mata Yung makikita ang iyong halaga Na di ka papabayaan mawala At lagi kang aalagaan parang bata Nakakasilaw ang iyong ganda Nakakagulat ka Nakatulala lang ako kanina Mamaya napanganga na Kaya wag kang mawala Bahala ka mawawalan ka pa Minsan lang naman manakop ang isang tulad ko sinta Kaya kung ako sayo itago mo na Mga pangakong sinabe Hinding hindi mapapako Dahil sa dyamanteng katulad mo Hindi na dapat sayangin pa Ako yung mananakop pero ikaw ang saki'y sumakop Wala ni isang sandatang dala ngunit umaatras ako sa pag-abante mo Sa laban na ito, ikaw pala ang siyang mananalo Ako nga pala 'yung tsinong nabihag ng isang dalagang filipinang katulad mo.
0
Feb 15, 2020
Feb 15, 2020 at 6:05 PM UTC
Tsino

49