Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nanghihina" poems
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Pilit ko pa rin iniisip na meron kang gusto sa akin. Ewan ko ba kung bakit ako nag gaganito. Dahil sa aking nararamdaman ako'y litong-lito. Ano pa ba ang aking dapat gawin para masabi  Itong lihim na pagtingin ko kung may pagkakataon ikaw ay aking makatabi Hindi mo ba alam na ang aking puso tumitibok para lang sayo. Kaya ngayon ako'y nanghihina ng loob kung patuloy kang lumalayo. Dinadaan ko na lang ito sa tula para mabasa mo Kahit mabasa mo ito huwag kang titigil maging kaibigan ko Sana'y rin ako maging masaya at malungkot sa piling mo Kaya sana huwag kang makakalimot sa babae na ito.
0
Apr 1, 2017
Apr 1, 2017 at 6:53 AM UTC
Hindi Ko Maamin, Torpe Nga Pala Ako.
*Bente kwatro oras ang kilos Mga gawain na tila' di natatapos Pagtitimpi na hindi nauubos Ano pa mahal kong Ina ang kaya **** ibuhos? Hindi ka ba napapagod? Araw-araw kang kumakayod Walang day off, walang bonus, walang sahod. Hindi ba nanghihina ang iyong mga tuhod? Tinanggap mo ang pagiging ina Kahit sa mga anak mo'y ikaw ay balewala. Pagkaing isusubo na lang, ibinigay mo pa, Sa bawat hakbang nila hindi ka nawala. Tinanggap mo ang pagiging kahalili Inalay sa'yong asawa ang buong sarili Sa mga desisyon nya, ikaw ay walang masabi Sa bawat hakbang nya ikaw ang katabi. Hindi sapat ang salamat Sa mga kalyo sa'yong palad Sa hindi maindang sakit sa balikat Kahit kailan wala kang sinumbat Alam ko hindi sapat ang aking salamat At hindi ka kayang tumbusan ng anumang salita Mahal kong Ina, salamat po sa lahat lahat Salamat po sa puso nyong 'di napapagod nagmamahal.*
0
May 13, 2015
May 13, 2015 at 4:08 AM UTC
Salamat ina
Minsan magtataka ka Sa kung paano nagsimula Ano ang dulot o sanhi? **Paano ang bukas Kung ang ngayon ay wala na.** Makitid ang daan Patungo sa kabilang espasyo Malayo sa drogang gamot daw. Naryan ang nars Ang sekretaryang nanghihina Mga eroplanong papel Simbolo pala ng iilang humihinga. Takot at may kirot Umuusbong ang sanhing nakakasuka Mga imaheng kilabot sa sikmura Walang nakaririnig Mananatiling pipi't bingi Kahit sandali, kahit sandali lang. Itim ang kulay ng pag-asa Naroon ang pangarap Naroon ang solusyon Tila nag-aabang Sa kakarampot na grasya.
0
Jul 2, 2014
Jul 2, 2014 at 2:47 AM UTC
Future Surgery
#020917 Heto, magsisimula na naman ako sa dulo Sa dulo kung saan ako mismo ang nagbigay katapusan Nagbigay katapusan sa sanang "tayo." Ako naman yung bumitaw Sa akin naman nanggaling yung mga katagang "Wag muna, huminto muna tayo." Pero gaya ng ulan, di ko kayang pahintuin ang lahat Gaya ng buhangin sa tabing-dagat, Di ko kayang buohing muli ang sanang "tayo" Kung ito'y gumuho na sa mismong mga kamay ko. Parang mas di ko ata kaya -- Di ko kayang wala ka Di ko kayang mag-isa Na alam ko namang isa ka sa kalakasan ko. Gusto kong ibaon ang sarili ko sa buhanginan Sa buhanginan at magpatangay sa tubig ng dagat At baka sakaling makabuo tayo ng "tayo" Baka sakaling maging matatag ang "tayo" Baka sakaling hindi na tayo sumuko sa isa't isa. Paulit-ulit kong iniisip kung ba't ko nasambit ang lahat Akala ko, namanhid ako sayo Pero yung totoo, di ko man lang masabi sayo Di ko masabi sayong ayokong bitiwan ka Na ayokong pakawalan ka. Gusto kong ihagis ang sarili ko sa dagat At magpalunod hanggang sa sagipin mo ako At buhatin mo ako sa pampang At saka mo muling sabihing di mo ko iiwan At saka mo sabihing mahal mo pa rin ako. Gusto kong maggising sa mga bisig mo Masilayan ka, makita ka, mayakap ka Kasi di ko alam kung kaya ko pa Kung kaya ko pang mawala ka ulit. Pasensya kung nasasaktan kita Kung nanghihina ako kapag wala ka Na lagi ko sayong ibinubuhos ang bawat daing ko Na halos manghina ka na rin dahil sakin. Pasensya kasi sobrang mahal kita Na sa halos tatlong taon, Hindi kita binitawan Pero ngayon, nagtataka ako Nagtataka ako sa sarili ko Ba't ba kita pinakawalan? Ba't ba hinayaan kong maglaho na lang ang lahat? Ba't ba pinahihirapan ko pa ang sarili ko? Ba't ba di ko masabi sayong kailangan kita? Oo, kailangan kita at oo, mahal kita Hindi naman ako nagbibiro At wala sa bukabularyo kong iwan ka at paasahin ka lang. Di ko mabilang kung ilang beses kong hindi nasalo ang bawat luha Ang bawat luha sa mga mata kong parang pawis Parang pawis na dumidilig sa tigang na lupa Hanggang sa masaksihan kong iba na ang ruta ko -- Na tila ba ang layo mo na Na tila ba ang layo ko na sayo. Siguro nga, natuto ka kaagad Natuto ka kaagad na bitiwan ako At sobrang sakit Eh akala ko namanhid na talaga ako sayo Pero alam mo, ngayong wala ka na Ngayong wala ka na sa mga kamay ko Parang mas di ko na kaya. Ewan ko, basta Basta lang -- Sana bumalik ka na Balikan mo naman ako.
0
Feb 8, 2017
Feb 8, 2017 at 11:24 AM UTC
Sana Bukas May "Tayo" Na

Continue reading...
67
Pipigilan ko ba kung hindi ko na kaya? Hahayaan ko na lang bang umagos ang mga luha? Tatahimik na lamang ba ako at hindi magsasalita, Kung puso ko ngayon ay mabigat na mabigat na? Ano ba ang kasalanan ko at ako ay pinagkaitan? Nagkamali ba ako, kaya pasan ko ang kapighatian? May magagagawa pa ba ako kung dalawa na kayo ang nang-iwan, At isisigaw na lamang sa hangin ang lahat ng aking pinagdaanan? Tinutusok ang puso ko, nadudurog na parang yelo. Nanghihina ako, kulang na lang ako ay mag-deliryo. Ano ba kasi ang kasalanan ko at ako ay pinaghiwalay ninyo? Nasaan ang pagmamahal na matagal kong hinintay na maramdaman sa tunay na ina ko? Tatlong dekada akong nagtiis sa pag-aakalang tama kayo. Tatlong dekada akong naghirap para maiahon ko kayo. Tatlong dekada akong nagbigay ng purong pagmamahal para ipagmalaki ninyo ako. Pero bakit kailangang itago ninyo ang katotohanan sa tunay na pagkatao ko? Sinubukan kong tuklasin pero pinagbawalan niyo ako. Tinangka kong alamin pero ayaw ninyo. Nang tangayin ang pag-asang mayroon ako, Hindi niyo sinabing may tunay na kapatid pala ako. Hahalikan ko na lamang ang hangin. Pakikinggan ko na lamang ang boses ng kalikasan. Sasayaw sa tunog ng kalembang sa kung saan, Hanggang sa buhay ko ay tuluyan maparam.
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 1:57 AM UTC
Pinagkaitan ng Pagkakakilanlan
013017 Gusto kong umiyak -- gusto kong ipasalo Sayo ang bawat luha, bawat luhang matagala nang gustong bumaha -- gustong bumaha at magpatangay Sayo. Sa bawat pagkakataong ibinubuhos Mo ang Iying presensya -- mga pagkakataong lumayo ako Sayo -- lumayo ako sa kabila ng pag-ibig **** pang-walang hanggan. Oo, oo at sigurado akong patuloy akong kakapit Sayo gaya noon -- noong unang beses kong pinanghawakan ang bawat pangako **** kailanma'y hindi pumalya. Mga pangakong akala ko noo'y hindi na mangyayari -- pagkat noo'y nagpatalo ako sa sarili kong panahon at binalewala ang oras **** mas mahalaga. Mahal Kita at walang katapusan ang alay Mo. Ni hindi ko kayang palitan o mapantayan o higitan ang pag-ibig Mo. Kailan Ka ba sumuko? Wala akong matandaan kahit ang tanda ko na -- kahit ang tanda ng orasan sa tabi ko. Napapagod ako, nanghihina ako at bumibigay ako pero kahit kailan, Ika'y patas -- patas ang pag-ibig Mo. Kanina ko pa gustong ituntong ang mga paa ko sa hagdan -- sa hagdang patungo Sayo. Na kahit di Kita masilayan ngayo'y aabangan Kita at hihintayin Kita. Gusto kong iluhod ang lahat, ilatag sa paanan Mo ang bawat sakit kasi hindi ko kayang mag-isa. At kung pupwede lang na bumaba Ka ngayon, kung pwede lang -- ay yayakapin Kita. Ama, kung ganito man ang tamang pagsambit ng Ngalan Mo; yakapin Mo ang anak **** lantang-lanta na't uhaw sa presensya Mo. Kung ganito ang paghihintay na kailangan kong maramdamang may mga bagay na hindi kayang ayusin, hihintayin pa rin Kita. Wala, wala na akong masasambit pa. Tinig Mo pa lang, kahit simpleng bulong lang, ako'y napaluluhod sa galak. Iiyak na naman ako at mismong sa harapan Mo, ibibigay ko ang lahat -- Sayo ang lahat, Ama. Sayo, oo Sayo.
0
Jan 30, 2017
Jan 30, 2017 at 7:46 AM UTC
Sayo Na

8
Paano maaalis ang sakit na dinulot ng mahal mo? Paano matitigil ang mga luhang dumadaloy mula sa puso ko? Paano makakalimot ng masakit na nakaraan? Paano mapapawi ang pait na sa puso'y naiwan? Paano mapipilit ang sugat na humilam? Paano kung ang kirot ay laging nagpaparamdam? Paano patibayin ang loob na nanghihina? Paano at saan kukunin ang lakas na nawala? Paano matututunang mahalin kang muli? Paano makukuhang hagkang muli ang iyong mga labi? Paano maituturing na akin buong buo? Paano kung sa kanya'y inialay mo rin ang iyong puso? Mga tanong na kay hirap sagutin. Na panahon lang ang makakapagsabi kung kaya ka pa ngang mahalin. - July 2009
0
Apr 13, 2010
Apr 13, 2010 at 6:01 PM UTC
Paano
Tuwing manunumbalik sa mundo Bawat sulok ng kwarto'y nalilito Mga litratong nakapako, isa isang naglalaho. Wala man lang makausap na nilalang Panay mga bulag na anino lamang Tila natitisod na mga ibon sa lansangan- Dulot ng sakit sa kalamnan Nanghihina, naninibago Napipilitang manatili sa sariling espasyo Sapagkat dito, kahit ako'y nagiisa mundo nati'y unti- unting ipinipinta
0
Mar 6, 2016
Mar 6, 2016 at 5:26 AM UTC
Kolor blind
May mga pagkakataong ako'y nanghihina dahil sa sunod-sunod na problema Mga pagkakataong akala ko hindi ko na makakaya Ngunit pinatatag ako ng Panginoon Kung hindi dahil sa Kaniya ay hindi ako makararating sa kung nasaan man ako ngayon. Hamunin man ako ng mga pagsubok at problema Panalangin ang aking sandata. Hahayaan ko lang muna ang aking sarili na lumuha sandali Pagkatapos ay lalaban muli. Kapag ako'y nalulungkot, sinasarado ko bawat bintana at pintuan ng aking mundo Nagninilay-nilay tungkol sa nararamdaman ko Hindi ako nag-iisa, kasama ko ang Ama Pinaparamdam Niya sa akin ang kaniyang pagmamahal at awa. Pangako Ama Paglilingkuran Kita Itong kaloob **** lakas at buhay Hinding hindi ko gagamitin sa pagsuway. Patatagin Mo nawa Iyong hinirang ay bigyan mo ng pag-asa Gawin Mo akong malakas Ama Sa mga panahong ako ay nanghihina.
0
Apr 9, 2021
Apr 9, 2021 at 4:50 AM UTC
Sa mga oras na ako ay mahina, doon ako lumalakas
ang mga larawan **** aking paboritong pagmasdan ang mga ngiti **** umaabot sa buwan ang sakit isipin na hindi pala ako ang dahilan ng mga ngiti sa labi **** kay sarap halikan puso't isip ko'y nagtatalo ako ba'y kakapit pa sa mga binitawan **** pangako hindi ko alam saan ako nagkulang, mahal ko ipinagpalit mo ako nang panandalian para sa ibang tao ngunit hindi ko alam paano ko nagagawa ang patawarin ka kahit ako'y lumuluha bawat umaga'y unti unting nanghihina bawat gabi'y unti unting hindi makahinga gustuhin ko man kumapit para sa ating dalawa ngunit oras na para ako'y magpaalam na huwag ka na mag-alala malalampasan ko rin ito at kakayanin ko rin mag-isa hinihiling ko'y maging malaya ka at masaya sa huling linya na ito paalam na, aking sinta.
0
Nov 25, 2018
Nov 25, 2018 at 10:03 PM UTC
isa, dalawa, tatlo, bitaw.
Isang laban na parang sa Mactan. Hahayan kahit na ako'y masugatan Wag mo lamang akong iwan. Handa makipapatayan Sa kanya na aking naging kaagaw. Ngunit anong magagawa kung sya na ang sinisigaw Nasasaktan sa tuwing nakikita kayong hawak kamay. Ilang siglo na ang ating nilakbay. Ngunit heto ka, malapit ng bumitaw Talunan matapos ang labanan. Bawat ngiti **** kasama sya nagsasanhi ng sugat sa aking katawan. Nanghihina, kaya hahayaan ng manalo at hayaang mga luha ay lumitaw. Uuwing luhaan, Hahayaang kainin ng kalungkutan Dahil wala ka na sa aking kaharian. -HAN
0
Jan 24, 2018
Jan 24, 2018 at 9:41 AM UTC
Gera sa Puso Mo
Gawan kaya ulit kitang tula Tulad noong ikaw lang ang nasa gitna? Noong ako'y lumulutang pa At di pa nalalaglag. Gawan kaya kitang tula Parang dating bawat sulat-kamay Isang direksyon lang ang tinatahak Mula sa 'yo at pabalik patungo sa'yo. Noong di kita matingnan nang tapat Di man lang makausap nang di nanghihina Di matanong tungkol sa mga tula Dahil, ano ba, ikaw kasing paksa nilang lahat.
0
Feb 23, 2017
Feb 23, 2017 at 5:31 AM UTC
Gawan Kaya Ulit Kita ng Tula?
nilalamig, nanginginig, nanghihina, at humahangos, sa siksikan na lugar, pinipilit kong umusad at makaraos. ang sakit ng puso’y nagpaparamdam sa paos niyang sigaw ng “tigil!” sa mga matang hindi alam ang ginagawa pero ayaw magpapigil. naghahanap ng sagot, nangungulila sa gustong pagmulan nito, ang mga paa’y hinahatak palayo sa direksyon mo. paurong-sulong ang isip na tanging laman ay ikaw, nagmamakaawang nakaluhod, pilit nang nag-aayaw. nananakit na ang leeg kakahanap sa kanyang noo’y sandalan, naiiyak na inaalala ang nagtapos kamakailan lang. ngayo’y naglalakad mag-isa sa gitna ng maiingay na tao, dahil sa manhid, wala nang pakialam kahit natutulak at nabubunggo. bagsak ang mga balikat, ang mga tuhod ay sumusuko, paubos man ay lumalaban ang mahinang bulong ng puso. umaasa na sa konting sakit at hintay pa, baka ako pa rin— na sa aking paghahanap ay makita ka at ang iyong mga matang naghahanap din sa akin.
0
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:39 PM UTC
paghahanap sa gitna ng lahat
Masusing pinagmamasdan ang larawan Habang di mawari ang aking nararamdaman Gustong pumaibabaw ng aking luha Kasabay ng malakas na paggayak ng tuwa Ganito nga ba and dulot mo sinta? Anu bang pinanghalik **** pinta? Sakit at tuwang tila makakasanayan na Habang kayo’y magkasama sa twina Ngiting gumuguhit ng nadarama Ako’y unti-unting nabubura Katingkaran ay nanghihina Dala ng isang mapanuksong diwata Mga kulay na dati may kakaibang sigla Ngayung tila kumukupas na Ito nga ba’y sanhi ng aking taksil na pagsinta Sa tikipsilim ng buwang nagbabadya Sa malakas ng ihip ng hangin ako’y nabigla Mag-isang nakaharap sa lumang estampa Mga nakaraan ay nabibigyang hininga Ninanais nang pakawalan ang dating alaala Sabay ng pinintang pag-ibig sana
0
Sep 7, 2017
Sep 7, 2017 at 10:23 AM UTC
Kuwadrado
bakit kailangan sa harap ng iba Kunwari nakangiti ka? kahit ang totoo sa loob loob mo hindi naman talaga. bakit kailangan sa paningin ng iba ipakita **** Kunwari matatag ka? kahit na ang nararamdaman mo ay nanghihina ka. bakit kailangan sa kaalaman ng iba Kunwari malakas ka? kahit ang totoo mabubuwal ka na. bakit kailangan sa harap ng iba mag kunwari masaya ka? kahit ang totoo durog na durog kana. Dahil ba mas ok ng malaman nila na ok ka,kaysa ipaliwanag pa yung totoong nilalaman ng puso mo? O Mas maigi na siguro ang mag Kunwari kaysa ipakitang Mahina ka. kasi hindi lahat ng pinapakita sayo na Pag-aalala ay totoo.
0
Sep 15, 2020
Sep 15, 2020 at 4:59 AM UTC
Kunwari
Hanggang dito nalang. Dito ko na tatapusin ang lahat Ngunit ito palang ang aking panimula Wala nang paligoy ligoy pa. Ito na ang pagkakataon Para masabi kong Tapos na Wala na Suko na Ayawan na Hanggang dito nalang Yung saya na meron tayo Yung lungkot na siyang nagbunga kung bakit hanggang dito nalang Yung sakit na pilit pinagagaling Yung pusong durog, wasak at nanghihina, ngunit pilit pinalalakas Hanggang dito nalang Wala nang atrasan pa Ito na ang huli Wala nang balikan pa Hanggang dito nalang Lahat ng karanasan Maganda man o hindi Dito na magtatapos ang lahat Hanggang dito nalang Hindi na magpapaawat pa Wala nang bawian Wala na. Hanggang dito nalang Lahat ng sakit Lahat ng poot Lahat ng sugat Sa puso Tapos na. Wala na Suko na Ayawan na Dahil hanggang dito nalang.
0
Feb 3, 2020
Feb 3, 2020 at 12:49 AM UTC
Hanggang dito nalang.
Nakakapagod din pala maging ako. Nakakapagod din pala maging ok araw-araw kahit minsan ang bigat-bigat na. Nakakapagod din palang ipakitang kaya mo kahit ang totoo nanghihina ka na. Nakakapagod din palang ikaw lagi ang nagbibigay kahit walang wala kana. Nakakapagod din pala salohin lahat kahit alam **** pag ikaw ang bumagsak walang kusang sasalo sayo. Nakakapagod din pala iparamdam yung pagmamahal  kahit alam **** d ito nasusuklian ng sapat. At higit sa lahat Nakakapagod din pala ang mapagod na hindi mo alam kung san o kanino ka magpapahinga!
0
May 14, 2022
May 14, 2022 at 9:21 AM UTC
AKO
Sa t'wing pinagmamasdan ko ang mapayapang pag-alon ng tubig sa asul na dagat, naalala kita. Sa t'wing dadampi sa'kin ang malamig na simoy ng hangin, naalala kita Sa t'wing tatama sa aking mga balat ang malinaw na tubig ng karagatan, naaalala kita Ang kapayapaang dala sa'kin ng mga iyon ay nagpapaalala kung gaano kagaan ang pakiramdam na iyong dala Ngunit napagtanto kong, hindi araw-araw ay kailangan kita hindi palagi'y kailangan ko ang 'yong presensya Hindi araw-araw kailangan kong ilublob ang aking mga paa at hintaying lumapit ka upang alisin ako sa pagkakalunod sa kalungkutang nadarama Hindi dapat ako umasang sasagipin mo ako sa mga oras na nanghihina at 'di makatayo dahil kailangan kong humakbang mag-isa— at maging matatag kahit hindi ka na kasama Masakit panigurado, pero iyon ang hinihingi ng mundo Ang isuko natin ang laban na ito dahil hindi lahat ay dapat ipanalo Palayain na muna natin ang ating mga sarili sa ngayon Dahil alam kong magtatagpo ulit tayo — pagdating ng panahon.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 11:49 AM UTC
Pag laya.