Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
joeresallarena
joeresallarena
23/F/Manila, Philippines sadsoul
Ilang araw na ang nagdaan Nang ikaw ay lumisan at iniwan kaming luhaan Sobrang bilis, tila ba biglaan Tatlong awit ang iyong iniwan Paulit ulit na pinakikinggan Bakit bigla kang nangiwan?
0
Sep 15, 2021
Sep 15, 2021 at 11:26 AM UTC
Pwede bang ibalik ang nakaraan?
Gusto kita. Sa mga oras na ito Pero hindi sa mga susunod, Maaaring mahalin na kita O pwede ring may iba na ulit akong gusto. Magulo ako, Oo alam ko Pasensya kana kung ganito ako 'Di ko ito ginusto Takot lang ako sa nararamdaman ko Nais ko lang na maging handa. Maging handa sa Panibagong sakit at kirot Na maaari kong maranasan muli Pag nagmahal ako Pero kung sakaling lumalim ang pagtingin ko sa iyo At ika'y aking mahalin Sana 'di pa huli Hindi pa huli ang lahat Dahil ayokong magsisi sa huli. Alam ko na darating ang oras Oras na mapapagod ka, Susuko ka, maghahanap na Ng iba. Ngunit sa kabila ng mga oras na iyon Umaasa akong babalik ka Kahit imposible na. Ilang beses kitang nasaktan Umiyak ka, Iniyakan mo ako. Ang swerte ko. Pero ang tanga ko. Sa haba ng panahon Naghintay ka, Umaasang maging posible Yung mga bagay na imposible Ilang araw, linggo, buwan at taon pa Ang kaya mo? Ayokong dumating ang panahon Na magsawa ka at mapagod ka Pero ayoko din maging makasarili Malaya ako, Malaya ka. Ngunit, Sino ako para pagbawalan ka? Pagbawalan ka na 'wag kang mapagod. Sino ako para saktan ka? Sino ako para mahalin mo ng sobra? Isa ako sa mga taong maswerte Ang swerte ko dahil, may nagmamahal sa'kin. At hindi ko na kailangan manlimos ng pagmamahal sa iba Dahil ibinigay mo na ang lahat. Sobra sobra pa. Gusto kita noon Pati narin ngayon. Ayokong mahulog sayo Kaya pinipigilan ko. Hindi ka mahirap mahalin Pero natatakot ako. Bigyan mo lang ako ng konti pang panahon. Kung kaya mo pa. Konti pang panahon, Para maging handa at Maging buo yung nadurog kong puso noon. Sana lang di pa huli ang lahat. Sa panahon na ako ay handa na. At sa oras na mahal na kita.
0
Feb 5, 2020
Feb 5, 2020 at 3:02 AM UTC
Kailan ako magiging handa?

Continue reading...
68
Gusto kong magalit Kahit walang dahilan. Gusto Kong magtampo Kahit ngayon lang. Gusto Kong umiyak Kahit sandali lang. Gusto Kong manahimik nalang sa isang tabi At magisip. Mag isip ng mga bagay na posibleng mangyari. Mga bagay na hanggang imahinasyon nalang. Gustuhin ko man gawin yung mga bagay na iyon hindi ko magawa. Kasi naalala ko, Ano nga bang meron tayo? Ay mali. Uulitin ko. Walang tayo. Wala naman talaga 'di ba? Sino ako para para iyakan ka? Sino ako para magtampo? Sino ako para magalit? Sino ako para sayo? Walang ako sayo Walang ikaw sa'kin Walang tayo. Walang makapagsasabi kung hanggang kailan ako magiging wala lang sayo. Kasi nga walang tayo.
0
Feb 4, 2020
Feb 4, 2020 at 2:00 AM UTC
Walang Tayo
Nagmahal ako ng higit pa sa inaakala nyo. Lahat ginawa ko para sa taong nagpapatibok sa puso ko. Ibinigay ko lahat ng maibibigay ko bilang ako. Buo ang puso ko na ipinagkatiwala sayo. Masaya naman tayong nagpapalitan ng matatamis na salita. Ngunit bakit tila may nagbago? Madalas ang panlalamig mo. Madalas na may hindi pagkakaintindihan na pinagmumulan ng away. Nasasaktan ako sa mga pagbabagong nakikita't nararamdaman ko. Pareho naman ang itinitibok ng ating puso. Ngunit Pareho nga ba? O imahinasyon ko lang? Isa lang bang panaginip ang lahat ng ito? Kasi kung Oo Ayoko nang magising. Ayoko nang magising sa katotohanan, Na una palang Alam kong talo na'ko. Oo nga pla. May nakalimutan ako. Oo nga pala hindi nga pala tayo. Hanggang dito nalang ba? Hindi na ba aangat yung pagsasamahan natin? Kasi masakit na. Yung puso ko parang pinaghihiwalay at nahahati sa dalawa. Nasasaktan ako kapag may kasama kang iba. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang masaya sa iba. Kaso wala naman akong magagawa. Wala naman akong karapatan. Wala namang ako at ikaw, Kasi nga hindi naman tayo. Ang tanging magagawa ko lang ay ang umiyak. Iiyak ako hanggang mapawi ang sakit at kirot sa puso ko. Para naman kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
0
Feb 4, 2020
Feb 4, 2020 at 1:55 AM UTC
Oo nga pala, hindi nga pala tayo.
Kahit gaano katagal maghihintay ako. Dahil alam Kong walang papantay sayo. Patawad mahal sa mga araw na nagkulang ako. Mga araw na ibinibigay mo yung buong puso mo na tila wala ka nang itinira para sa sarili mo. Patawarin mo ako sapagkat ako'y huli na. Huli na ng maramdaman kong ika'y mahalaga. Patawad sa mga bawat letrang lumabas sa bibig ko Na alam kong sinaktan ka at tumagos sa puso mo. Na para bang bawat letra na nanggagaling sa mga salitang binibitawan ko Ay tumutusok at hinihiwa ang puso mo, At unti-unti **** nararamdaman ang sakit at kirot na dulot nito.
0
Feb 3, 2020
Feb 3, 2020 at 3:40 AM UTC
Patawad Mahal.
Hanggang dito nalang. Dito ko na tatapusin ang lahat Ngunit ito palang ang aking panimula Wala nang paligoy ligoy pa. Ito na ang pagkakataon Para masabi kong Tapos na Wala na Suko na Ayawan na Hanggang dito nalang Yung saya na meron tayo Yung lungkot na siyang nagbunga kung bakit hanggang dito nalang Yung sakit na pilit pinagagaling Yung pusong durog, wasak at nanghihina, ngunit pilit pinalalakas Hanggang dito nalang Wala nang atrasan pa Ito na ang huli Wala nang balikan pa Hanggang dito nalang Lahat ng karanasan Maganda man o hindi Dito na magtatapos ang lahat Hanggang dito nalang Hindi na magpapaawat pa Wala nang bawian Wala na. Hanggang dito nalang Lahat ng sakit Lahat ng poot Lahat ng sugat Sa puso Tapos na. Wala na Suko na Ayawan na Dahil hanggang dito nalang.
0
Feb 3, 2020
Feb 3, 2020 at 12:49 AM UTC
Hanggang dito nalang.
Naaalala ko yung mga panahon na masasayang akong kasama kita. Naaalala ko yung mga panahon na malungkot ako at kasama kita. Naaalala ko yung mga panahon na wala akong makausap pero nandyan ka. Tayong dalawa. Naaalala ko yung mga panahon na kahit saan ako magpunta kasama kita. Naaalala ko yung panahon kung kailan una tayong nagkasama. Naaalala ko yung mga panahon na muntik ka nang mawala. Naaalala ko yung mga panahon na pinababayaan kita. Naaalala ko yung mga panahon na ako lang at wala ng iba. Pero.... Lahat ng iyon ay alaala nalang pala.
0
Jan 31, 2020
Jan 31, 2020 at 10:34 PM UTC
Mga Alaala