Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Memo
Memo
31/F/manila
Oras,simpling Salita lang pero ang laking bagay sa buhay ng tao,Lalo na sa buhay mo. kapag marunong ka ng magbasa ng Oras,don mo malalaman na sobrang halaga pala nito sa buhay mo. kasi nong musmus ka palang,d mo pa alam ang salitang Oras. Kaya wala kang pakialam kung tumatakbo ang mga kamay nito sa orasan nyo.ang mahalaga lang sayo maglaro,kumain,matulog,maligo sa ulan,maligo sa ilog,makipaghabolan sa mga kalaro at umakyat sa puno ng bayabas. Ngunit ngayong alam mo na ang Oras at napagtanto mo na sobrang halaga pala nito.kaya bawat sigundo hinahabol at pinapahalagahan mo na,halos wala ka ng maitira sa sarili mo kasi naibubuhos mo na lahat ng oras at panahon mo sa kakahabol sa mga nais mo. Tipong Kape na lng ang pahinga mo pero tuloy parin ang pagkilos ng kamay mo, tulad ng sa Orasan.wala din tigil ang pag-ikot nito,tuloy-tuloy lang.paulit ulit lang.parang ikaw.paulit ulit lang din ang takbo ng buhay mo.tulog-bangon-trabaho.araw-araw ganito lagi. dahil ayaw **** masayang yung mga oras n dumadaan sa buhay mo. paano nga ba papahintuin ang oras para makapagpahinga naman sa araw araw na pare-pareho lang ang takbo? Pwede kayang bumalik na lang sa pagiging musmus na walang alam sa takbo ng Oras,para naman makatulog ulit ng mahaba at gigising ng walang iisiping bayarin at suliranin.
0
Mar 16, 2025
Mar 16, 2025 at 1:34 AM UTC
ORAS
Nong tayo'y magkasintahan,ikaw ay may agam-agam. Na baka isang araw,ako sa iyo ay maagaw. Mga pangungusap ng labi **** Binitawan,na ako ay gusto mo ng punlaan ng sa ganon ang pangamba ay tuluyan ng maibsan. Naniwala ako sa mga salita **** "hindi kita iiwan",kaya supling na ninanais ay aking ibinigay,sa pag nanais **** d kita maiwan. ngunit sa bandang huli,ako pala ang magiging luhaan. Supling na ninanais bakit ngayon mag-isa na lang akong gumagabay. Dahil sa Ikaw pala itong Mang-iiwan.at ang pag lisan mo ay di ko man lang napaghandaan.
0
Mar 4, 2025
Mar 4, 2025 at 8:54 AM UTC
Ikaw pala itong Mang-iiwan
Iba't ibang lugar, iba't ibang oras, iba't ibang sitwasyon, iba't ibang pagkakataon, Pero iisang tao lng ang laging gustong makasalo. sa ulan man o araw, sa lilim man o init, hindi ka ipagpapalit sa hirap man o ginhawa , lagi mo akong kasama sa pag-aaway man o sa pagkabati, sa ngiti man o luha, sa lungkot man o saya, Ikaw at ikaw lang ang laging gusto kong makasama.
0
Feb 27, 2025
Feb 27, 2025 at 9:45 AM UTC
IKAW LANG
"Distansya" Alam mo ba kung ano ang pinakamalayong Distansya sa dalawang taong magkasintahan,Partner,mag Asawa O ninyong Dalawa? Hindi ang lawak ng karagatan, Hindi rin ang tayog ng himpapawid sa kalangitan, Hindi rin ang nadistino ka sa ibang lugar at lalong hindi rin ang pagitan ng bansang pinuntahan para maghanap buhay. Kundi ang Distansya sa pagitan nyong dalawa. Yung tipong Kasama mo sya,nahahawakan mo pa at kinakausap mo ng harap harapan, Pero hindi ka nya naririnig. Parang wala ka lang sa paligid nya. Hindi nya nakikita ang Prisensya at pagmamahal mo kahit magkadikit lang naman Kayo. Kahit anong gawin **** pagsisikap para maging mag kaugnay kayo, Kung yung taong pinag-aalayan mo ng pagmamahal mo ay d na nakikita o hindi na napapansin ang halaga mo. Baka naman kasi,abala na sya sa mga bagay na malayo at wala sa tabi nya. At prisensya na ng iba ang hanap nya. Ikaw,anong Distansya ang meron sa inyong dalawa?
0
May 3, 2024
May 3, 2024 at 4:57 AM UTC
Distansya
Lagi **** tinatanong dati sa sarili mo,kung bakit hangang dito ka lang.Samantalang yung iba **** kaibigan,kamaganakan at kakilala andon na sila, may kanya kanya ng Propisyon sa buhay. Meron ng naging Guro,Sundalo,at namamasukan sa magarang Kompanya. Lagi **** kinukompara ang sarili mo sa iba.kaya laging pakiramdam mo lugmok ka at wala ng mararating pa. At ako naman itong laging sayo ay nag papaalala,na ang kapalaran nila ay hindi katulad ng kapalaran na inilaan para lang sayo ng ng ating Ama. Lagi kang nabubugnot at halos ayaw ng kumilos.Laging tinatanong ang sarili,kelan ba ako magiging TULAD nila? At isang araw mukhang natauhan ka na,kusa ka ng kumilos at sa akin ay nag sabi.gusto mo na ulit gawin ang mga bagay na gusto mo sa buhay. paunti-unti nakita kong masaya ka na ulit sa ginagawa mo. Iniwasan mo na rin ang ikompara ang meron sila na wala ka. Sipag at tyaga mo at diskarte ko at Awa Ni Ama. Binigyan tayo ng mga bagay na inaasam nating dalawa. Negosyo na pinagtulungan nating itayo pareho. Pagod puyat,ulan at init ay hindi ininda,makamit lang ang sa una palang ay pinangarap na nating dalawa. Ang simula ay masaya,nakakapagod at nakakaiyak,at ang mga sumunod na araw ay may mga suliranin tayong kinakaya.pero Salamat Kay Ama,at tayo'y ginagabayan Nya. Paunti unti makakabawi din tayo.alam kong wala pa tayo sa dulo pero kahit papano nakakabangon na tayo. Sipag,tyaga at tiwala lang sa Kanya lalago din ito.
0
Mar 22, 2024
Mar 22, 2024 at 10:46 AM UTC
Kailan ang 'yung Pag-Lago?
Memories Taon na Ang lumipas ng tayong dalawa ay mag sama.Mga ala-alang sobrang saya. Road trip Dito,Gala don.Pasyal sa kung saan man Tayo mapadpad. Tampisaw sa dalampasigan,sabay ng pag tanaw sa papalubog na araw. Picnic sa gilid ng karagatan,pinagsasaluhan Ang alak habang nanonood ng masayang palabas na dinownload sa cellphone mo. Sabay magtatawanan at magkukulitan. Ninanamnam Ang bawat sandaling Tayo ay magkasama sa Isang romantikong Lugar na walang gumagambala,at maririnig sayo Ang mga salitang laging nagpapasaya at nagpapakilig sa buong pagkatao ko.Ang salitang "Thank you at  I love You". Sarap lang balikan nitong masasaya at nakakilig na ala-ala. Anong tuwa Ang nadarama sa tuwing makikita Kang Masaya. Ngunit nagising Ako Isang Umaga  na nagpapaalam ka na. Nais **** sa piling ko ay lumisan na,sinasabing Hindi ka na masaya at Ang dating pag ibig sakin ay biglang naglaho na.wala na Yung kilig at romantikong pagtatangi na lagi sa akin ay pinapadama. Wala Naman tayong pinagtatalunan o Hindi nga Tayo nag away man lang. Kinausap ka sa malumay na paraan dahil ayukong Tayo ay magkasakitan. hinihingian ka ng paliwanag kasi Wala Naman Akong nagawang kasalanan. Ano ba Ang naging kasalanan sayo para Gawin mo sakin ito,Meron n din bang iba?(pero Kilala kita alam Kong wala kang iba at Wala pang pumapalit sakin Jan sa puso mo.) Ngunit bakit Sinasaktan mo Ako sa mga luha at hikbi mo,at ito'y labis na nagpapadurog sa puso ko. Ilang araw tayong nagtalo at ayaw Kong pumayag sa gusto mo. Paulit-ulit na binabangit mo Ang salitang Sorry kasi nasaktan na naman kita. Realization Ngunit Ang Tanong ko Sayo ay Ako din Ang nakasagot. Ano nga ba Ang kasalanan at nagawa kong mali sayo? Nagtatanong at hinahanapan ka ng dahilan ngunit Ako pala itong may kasalanan at pagkukulang. Mali ko kasi,Hindi na Ako Yung dating pinaparamdam sayo Ang pagmamahal ko. Mali ko kasi,Ni Hindi na kita hinahalikan o niyayakap sa tuwing aalis ako. Mali ko kasi,Pati salitang mahal kita Hindi ko na nababangit Sayo. Mali ko kasi,Nakalimutan ko na rin Ang tawagan o ichat ka sa tuwing nasa malayo Ako. Mali ko kasi,ni kamustahin ka Hindi ko na nababangit sayo. "Kumusta Ang araw mo,ok ka lang ba,masaya ka pa ba?miss n kita,mahal na mahal kita".mga salitang naipagkait ko Sayo ng Hindi ko namamalayan. Mali ko kasi, sa tuwing matutulog Tayo di ko na din nagagawang mag good night at ngumiti man lang sayo.kahit good morning d mo na din naririnig ito mula sa labi ko. Mali ko kasi,Nakalimutan ko na rin Ang ipag luto ka ng mga paborito **** pagkain. Mali ko kasi,hindi na rin kita nasu-surprise sa tuwing darating Ang espisyal na araw natin. Sobrang kampanti at palagay ng loob ko. madalhan ka lang ng pagkain sa tanghalian,meryenda at hapunan ay ayos na Yun.mabilhan ka ng grocery ay sapat na Yun. Ngunit Hindi ko naisip na Hindi lang pala Yun Ang kailangan mo. Kasama din pala dapat Ang Aruga at Pagmamahal ko. Sorry sa mga panahon na sobrang kampanti Ako. Sorry sa mga Oras na hinayaan Kong Hindi ka kamustahin. Sorry sa mga Oras,araw at buwan n lumipas na Hindi Ako naging sweet Sayo. Sorry sa mga panahon na masaya Ako pero malungkot ka. Sorry sa mga bagay na Hindi ko nagawa para mapasaya ka. Sorry sa mga pagkakataon na pinalipas ko para mawala Yung pananabik at pagmamahal mo. Sorry sa lahat lahat ng Hindi ko nagawa ,nasabi at Naiparamdam  Sayo. Sa minuto,Oras araw at panahon na binigyan mo ulit Ako ng pagkakataon na maipadama Sayo Ang pagmamahal ko,ay sasamantalahin ko para bumawi sa lahat ng pagkukulang ko. Sisakaping Ibalik ulit Yung dating TAYO.
0
Jul 3, 2023
Jul 3, 2023 at 4:29 AM UTC
Memories and Realization

Continue reading...
43
Sa bawat pagpatak ng iyong luha,sakit at hinagpis na sa puso'y nagpapasikip,ay may kapalit na ngiti pagkatapos ng hikbi at pighati. Katulad nang laging pag buhos ng ulan,na akala mo'y wala ng katapusan.Mga pagsubok na iniisip **** wala ng hanganan. Ngunit magigising ka na lang isang magaan na umaga,meron ng masisilayang Bahaghari na sa ating mga mata ay bumibighani. makikita din ang paghalik ng araw sa lupa,Kasabay ng pag-awit ng mga ibon na parang nagdadala ng magandang balita. Nagpapahiwatig na lahat ng bigat ay gumaan na,Mga pagsubok ay naglaho na. At ang bagong pag asa ay ipinagkaloob na. Lagi tandaan Huwag mawalan ng pag-asa, laging magtiwala at huwag magsawang manalig sa Dios na may likha.
0
Apr 5, 2023
Apr 5, 2023 at 3:06 PM UTC
Luha at Ngiti,Ulan at Bahaghari
Umulan man o Umaraw ikaw lang ang laging kaagapay.at sabay natin  tahakin ang landas patungo sa mga nakakabatu-balaning tanawin.Mapa dalampasigan man o kabundukan na ni minsan d pa natin nasisilayan. KaSabay sa pag andar ng makina ang makita kang masaya. Humawak lang sakin para masigurong ligtas ka. Sa isang pitik ng kamera sabay ng mga ngiti **** manghang-mangha sa mga nakikita, At ang masigurong natutuwa at naaaliw ka ay labis na rin sa akin ay nagpapasaya.
0
Apr 4, 2023
Apr 4, 2023 at 11:14 AM UTC
Road Trip at Ikaw
Labis nating inaalintana ang ating kinabukasan. Natutulero sa pweding kalabasan,nang mga kilos na hindi pinag-iisipan. Masyadong padalos-dalos sa ating mga hakbang. Nababagabag, nauubos ang oras at panahon sa kakaisip ng ating kahihinatnan. Nang hindi namamalayan,na ang Halaga ng Kasalukuyan ay atin ng nakakalimutan. Sa pagnanais na makarating agad sa bukas,ang Ngayon ay hindi na napapahalagahan. Kung hindi na alam ang nangyayare sa takbo ng ating buhay,Huwag kalimutan na anjan ang Maykapal.Laging gumagabay at nagbibigay ng tamang daan. Manalig at magdasal at tayo'y Kanyang Papakingan.
0
Mar 23, 2023
Mar 23, 2023 at 10:53 AM UTC
Takbo ng Buhay
Sa pagnanais kong mapasaya ka kahit ikalulungkot ng puso ko sinasakripisyo ko na,makita lang kitang masaya.Kahit ang  rason ng tawa't halakhak mo ay sa iba na. Ninais kong malibang ka pero d mo namamalayan napapalayo kana. Minsan ni tapunan ako kahit sulyap hindi na magawa. Sa sobrang pagkalibang mo ni hindi mo na namamalayan na ako pala ay nasa tabi mo. May pagkakataon na kaylangan ko pang kalabitin ka para malaman mong,ay andito pala ako.
0
Mar 15, 2023
Mar 15, 2023 at 2:53 PM UTC
Kasiyahan mo Kalungkutan ko