Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"namimitig" poems
Nagdasal at humingi ng isang tao Na magtutulak sa akin para bitiwan na ang panulat na ito Isang tonelada at mahigit na ang mga salitang pasan ngunit hindi pa rin ako nabibigatan. Mali ang akala. Hindi pa pala. Lalo lang umitim ang tinta. Dumiin sa papel ang pluma. Nanatili pa ding naka-dantay ang mga salita sa namimitig kong kamay. Hinihintay nalang mamanhid para hindi manatiling nakasilid ang mga naipon na tula't sanaysay na wala nang saysay. Hindi na ko humihiling ng isang dahilan na dadating na aalayan nitong mga salitang naririnig at binabasa lamang. Mga letra na binibigyang kulay, nagkakaiba lamang sa kung sino ang bumubuhay. Nakakapagod mag pinta kung ang bawat makakakita ng obra, babaguhin ang imahe sa kung ano ang nasa harapan nila hindi man lang isipin na magkakaiba tayo ng mata. Inilarawan **** berde, gagawin nilang kahel. Tinta mo na asul, hahawakan at magiging pula. Siguro nga itong mga kamay na biyaya, hindi na para sa papel at tinta. Kasabay ng maraming paalam ang huling isinulat na liham.
0
Jun 9, 2015
Jun 9, 2015 at 10:56 AM UTC
Hunos
Hinahanap kita, Kaibigan . . . Tinatawagan kita, Kapatid . . . Sabay tayong nanghiram ng aklat, sa Aklatan ng Pag-asa, Kaya’t sakdal-pait nang nabalitaan ko ang talaan ng buhay mo’y binawi na Pilit pinapawi Ng paroo’t paritong mga alon at ihip ng hangin Ang mga impit naming pahatid Na iniukit Ng mga palihim na hikbi Sa tila natutulog na buhanginan Sa dalampasigan Ng ‘yong puso. Namamahinga ka na ba aming Kasama? Hindi mawawala ang iyong pangalan sa harap ng pinid na pintuan Ng kani-kanina lang Ay dambana Ng iyong tila hindi nangangalay na panulat At tabernakulo Ng namimitig na mga binti Ng nagtalumpating tinig. Namamahinga ka na kapatid. Ngunit hindi mapipipi ang batingaw Na kahapon, ngayon at bukas ay magtatawag Ng mga kapanalig, Pagmamahal sa kapwa, sa bayan, sa kalikasan, sa daigdig. Sumisilip na ang araw. Mamamaalam na ang mga tala. Patuloy na nagliliwanag ang bituing Ikaw, oo, ikaw, maningning. Hihimlay kang tahimik sa puntod at bantayog ng mga hindi namin malilimutang Paninindigan. Pahayag. Panawagan. Paala-ala. dahil sa isip at puso namin, isang Bayani ka at maraming salamat na ikaw ay nakilala at aming nakasama.
0
Mar 3, 2019
Mar 3, 2019 at 11:34 PM UTC
Hinahanap Kita, Kapatid
Minsan, parang ang haba ng araw kapag inaantay mo itong lumipas nang wala ng kirot. Isang linggong haba. Nakakapagod pala talaga. Nakakapagod mag-umpisa. 'Yung hahakbang ka nalang paharap, ang tinig, yapos, at bawat pagsulyap pa rin ang makapagpapahakbang sa'yo pabalik. Kahit wala na. Tapos susubok na humakbang muli. Paharap. Kahit bawat yapak, pumapatak ang luha sa paanan **** pagód na't namimitig. Babalik. At masusugatan nang minsan pa. Bitaw ka na. Ibigay mo sa Kanya. Ang mga bubog sa pagód **** puso na sumusugat sa bawat pagyapak ay dadamputin Niya nang walang pag-a-alinlangan, dahil una na Siyang nasugatan. Bitaw ka na. May paghilom sa paglaya. At sa paglaya ka papayapa. Tahan na. Lalaya ka. Lalaya ka dahil pinalaya ka na. Isang hakbang pa ulit. Sa Kanya lang ang tingin. Hindi ka pa man lumalapit, handa na Siyang yumakap. Takbo ka papalapit. Hayaan **** buuin ka Niyang muli.
0
Feb 4, 2024
Feb 4, 2024 at 12:07 AM UTC
Kumusta ka?