Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakatutuwa" poems
Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka Kung ano man ang nais na hilingin Handa akong ito'y tanggapin Kahit na magpakatanga sa lahat, Ng pagkakatao'y aking gagawin Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa Handa naman akong maghintay sa isang tabi Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini Ikaw ang tanging lakas Sandalang walang wagas Para bang ako'y tinamaan ni kupido Ang puso ko ay lagi ng ganado Isipin man na ako ay nambobola Isipin man lahat ng 'to sa umpisa Isipin man na agad mabalewala Isipin man na maloko sa salita Hindi ko gagawin ang panloloko Na ginawa sayo't pang-uuto Mananatili lang akong nakagabay sayo Handang pasanin pati lahat ng problema mo Laging nakatitig sa maganda **** mga mata Lahat ng pagod ay agad na nawawala May mga bagay na madalas kuntento na Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa Patawad kung madalas ako'y madikit sayo Patawad kung masyado akong makulit sayo Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako Salamat kahit wala kang ginagawa, Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain Nagdadalawang isip ka pa ba? Seryoso ako, mahal na mahal kita Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:18 AM UTC
Mahal. Kita.

Continue reading...
44
Hindi naman ako galit Sayo'y hindi naman inis Katapatan ganon parin Kaibiga'y maramdamin Patawad unang sambit Nitong kaibigan ay hibik Paumanhin nawa'y kamtin Siyang aking panalangin Sama ng loob ang dulot Kaibigang aking nilimot Ngunit hindi nayayamot Mawala ka'y aking takot Tawanan laging naaalala Biruan nating masasaya Payo mo'y pumapayapa Ng pusong lagi lumuluha Sanay 'wag akong limutin Kaibigan nagtatampo din Gaya mo rin, may suliranin Araw-araw aking pasanin. Patawad kung nahirapan na ako ay pakisamahan Patawad kung di masiyahan na ako ay pakitunguhan Sanay huwag magsawa Laging may laan na unawa Kahit minsan nagagawa Sayo'y hindi na nakatutuwa Mga salitang akin nabitawan Pawang totoong kahulugan Subalit kaaway pinipigilan Ang pagbabagong inaasam Ngunit iyong laging tandaan Oh aking mahal na kaibigan Ikaw siyang kinasangkapan Upang tungkuli'y masumpungan Salamat sa Dios sa tulad mo Sa mabubuting aral at payo Ako'y walang kabuluhang tao Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
0
Jun 4, 2019
Jun 4, 2019 at 9:15 AM UTC
Kaibigang Tunay
Sa wakas! Nariyan na ang matagal Kong hinintay Sa mahabang panahon, mailalabas ko na ang tinatago Kong lumbay Dumating na ang bagay na aking pinaghandaan At yun ay ang pagbuhos ng maganda at malakas na ulan Oo Alam Kong ****** kung pakikinggan Pero epektibong pampagaan ng bigat kong nararamdaman Nakatutuwa kasing pagmasdan ang nag uunahang patak nito sa lupa Animo'y naghaharuta't naghahabulang mga bata Maganda rin ditong isabay ang pagpatak ng mga luha Pagkat sa ilalim nito, walang makakakita Masayang pakinggan ang musikang gawa ng ulan Na nagbibigay sa puso ko ng konting kapayapaan. Ng konting katahimikan. Ngunit sa paglisan ng bagay na minsang nagbigay sayo ng saya, Kaakibat din ang epektong sadyang nakapangangamba Pagkat sa pagtatapos ng ulan ay may baha Sa pag alis ng mahal mo nama'y mayroong mga luha Kung paanong sa bagyo ang bahay ay nasisira At sa paghampas ng hangin, ang mga puno'y nagwawala Ganoon din ang puso mo, ngunit wala kang magawa Pagkat siya ang bumitaw sa higpit ng iyong kapit Siya ang umayaw sa pilit **** paglapit Siya ang sumuko sa pagmamahal ng tapat Samantalang ikaw handa pa ring patawarin ang lahat. Katangahan. Yan ang pinairal mo sa matagal na panahon Yan pa rin ba hanggang ngayon? Imulat mo ang iyong mata Sa pagpapanggap nila,huwag kang padadala.
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:42 AM UTC
Ulan
Igawa mo ako ng isang istorya, Ito ang huling hiling ng babaeng iyong pinagtabuyan, Igawa mo ako ng isang Istorya, Wala siyang pakielam kahit siya pa ang gawin **** kontrabida, Igawa mo ako ng isang istorya, At hahayaan ka na niyang bumuo ng sarili **** tema, Patayin mo man siya sa dulo, Hindi man siya ang iyong makatuluyan, Wala kang maririnig na anumang sumbat, Tuparin mo lamang ang munti niyang pangarap, Igawa mo ako ng isang Istorya, Huwag mo lamang sana itong pagkaitan ng emosyon at oras, Nakakaiyak, Nakakatakot, Nakakakilig, Nakatutuwa- Hindi siya magdaramdam, Basta't gawan mo lamang siya ng isang istoryang may wakas, Wakas na ipinagkait mo sakaniya sa inyong realidad, Wakas na kaniyang hinahanap upang makalaya sa hawla ng "Bakit?" at "Paano?" Igawa mo ako ng isang istorya, At ako nama'y aawit saiyo ng isang elehiya.
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 7:42 AM UTC
Igawa mo ako ng isang Istorya