Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Katarungan nasa'n? Inapakan, dinuraan
Ng mga taong niluklok para paglingkuran
'Tong bayan nating lubog, at dugoan
Magkano? Sanlibong baryang dinumihan

Libong buhay ang tinapos, musmos, at mga naghihikahos
Mga nanay na nawalan ng anak, mga batang di pa tapos
Droga? Talaga ba? Ang sabi mo ay kayang-kaya?
Tatay Digs, pano na? Bat biglang 'di pala kaya?

Sanlibong tanong sa bawat buhay na binawi
Diyos-diyosang maitim ang budhi
Bata, matanda, babae, estudyante
Nanlaban daw, kaya niyaring nakatali

Bayan kong minamahal, dito na lamang ba?
Naka duct tape ang mukha ni inang hustisya
May dyaryo, at may nakapaskil na larawang
'WALANG HUSTISYA, WAG TULARAN'
Louie Clamor May 2016
Napadaan ako sa isang perya
Naghahanap ng mga munting ngiti at saya
Sa mga nakakamanghang ilaw na tila mga bituin
Makaalis lamang sa paglamon ng dilim
Makaiwas sa ngiting bitin

Sa aking pagikot,
Napansin ko yung mga ngiti
Ngiti ng mga taong puti at may pulang labi
Kasiyahan dumaloy sa kanilang muka
Tunay ba kahit pagtalikod nila?

Isa’y pinagmasdan
Tinitigang mabuti ang mukang puti
Aking napansin ang isang ngiti ng muka’y nakapaskil
at isang mukang umiiyak na tila walang ****
Sa mga taong hindi nakakapansin

Munting payaso
Umiiyak nga ba o tumatawa?
Magaling magtago ng tunay na nararamdam
Na halos kaunti lang ang nakadadama
Ikaw, mapapansin mo kaya?
Haizel Gacias Mar 2021
Ilang araw at buwan na ang nagdaan,
Ilang oras na ang lumipas...
Ilang gabi na ang aking nasilayan,
Sana, okay na ang lahat bukas.

Pagpikit ng aking mga mata,
Mukha mo ang aking nakikita.
Paano kita malilimot kung pati sa pagtulog ay nakikita ka?
Paano kita malilimot kung pati sa panaginip ay dumadalaw ka?

Oo, akin nang aaminin.
Hindi pa rin kita magawang limutin.
Sapagkat iyong mga salita ay naka-ukit na.
Sapagkat iyong larawan ay nakapaskil na.

Ikaw pa rin ang nasa isip at puso ko.
Ikaw pa rin ang dahilan ng mga ngiti sa labi ko.
Ikaw pa rin ang dahilan sa bawat gising sa umaga.
Ikaw lang at wala nang iba.
to the one who broked my heart

— The End —