Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kurtlopez Jul 2023
"Nakakaubos din palang magbigay, magtiwala at kumilala. Minsan naghahangad kalang na tratuhin ka ng tama pero kabaliktaran pa ang pinadadama nila. Pinatuloy mo sila sa buhay mo pero gagawin ka pang katatawanan sa kabila ng magandang paggalang mo sa kanila."
owt Jun 20
Minsan, mahirap magbigay ng parte
kapag kulang β€”
at hindi ka pa buo.

Kapag punong-puno ka naman,
madalas, masarap magbahagi β€”
pero kapag sumobra na,
nakakaubos din.

may mga sandaling gusto mo'ng magmahal,
pero ang kaya mo lang
ay huminto...
tumitig muna, mula sa malayo β€”

at manatili sa pagitan
ng paglapit
at paglayo.



β€œespasyo” β€”
ang puwang sa gitna ng sikip
#001

— The End —