Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Dec 2018
Iligaw ang tukso ni Lusiper
sa diwa na siyang naghari
Magmuni-muni sa ibaba ng mundo
Sampung beses pagtimbangin ang mga gawi

Lampas sa katotohanan ang layon
Anyo ng mundo ay di magkatugma sa panaginip
Ikumpay sa apoy hanggang sa lumaki
Tiwala sa sarili, magtiwalag man sana'y di lumayo

Sa labas ng sanlibutan ay nagmasid
May mga dagim na nagtabon sa buwan
Nang nasilayan ang diklap sa alangaang
na sumambulat sa noo ay sumingaw ang depresyon

Mapagkunwaring uwak na dumausdos sa ere
Simpleng kilos niya'y nakakaaliw
Humapon sa troso para magpahinga
Sa kanyang aparisyon makikita ang
unos na dinadala ang dahilan ng pagdarapa

Naglaon na kuwento ay nagparinig ng alingawngaw
noong unang pag-usbong ay umani ng kahihiyan
Naging balat-sibuyas na tubo
humihikbi nang patago
wizmorrison Jul 2019
Nang makilala kita
Walang pagsidlan ang aking saya,
Sa tuwing kausap ka
Ako nama'y tuwang-tuwa.

Ngiti mo man ay ‘di ko makita
Sa panaginip ko ito nakaburda,
Yakap mo man ay ‘di ko dama
Pagmamahal mo sa akin ay nakapa.

Ang boses mo'y hindi nakakasawa
Sa puso ko anong aking ligaya,
Nakakaaliw ang iyong pagkanta
Sa tenga ko'y nakakahalina.

Hindi ako nagsisising minahal kita
Sa piling mo ako liligaya,
Pagmamahal mo sa puso'y baterya
Nagpapangiti at kumukumpleto pa.

Mahal, alam mo ba?
Mahal na mahal kita,
Ikaw sa akin ang nagsilbing tala
Liwanag mo naman ang aking sigla.
Sa Pinas pagdating ng election
Sobrang dami ng option,
Sobrang dami ng intention,
Number one ang corruption

Ibobo'to kasi sikat ang personalidad,
Pero ang totoo 'di alam ang background
Ganyan ang kalakaran patungo sa pag unlad
Hindi lahat malinaw, hindi lahat nilalahad

Sa ating paglalakad malapit na mabutas ang tsinelas
Sa sobrang kasipagan ang dami ng kaltas
Mahirap pa rin tayo kahit lumaban ng patas
Sistemang 'di maayos ganyan ba ang bagong Pilipinas?

Sa paglipas ng panahon para pa rin sisiw
Na may kulay sa kahon at nakakaaliw
Maraming tanong ang tao, aking giliw
Bayang magiliw? o Bayang 'di magiliw?

— The End —