Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Martee Joanne May 2020
Hindi minamadali, pero naghihintay.
Sa mga paang paparating ng walang ingay.
Sa tadhanang iginuguhit pa,
Sa akin kaya papunta?

Ako kaya'y mapapalingon
Kapag boses mo'y marinig?
Paano malalaman,
Na ikaw na pala yun?

Sa bawat paghampas ng panahon,
Araw-araw paring babangon,
Upang ika'y salubungin,
Sa araw ng iyong pagdating.

— The End —