Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sarrah Vilar Oct 2017
Nasa'n ka na? Babalik ka pa ba?
Sa mga araw na itinigil natin 'yung oras para ipaalala sa isa't isa
Na dito—sa sandaling 'to tayo masaya
Dito nagmistulang alapaap 'yung mga nararamdaman natin
Sobrang taas nating lumipad
Hindi natin napaghandaan 'yung ating paglagapak
Sa mga araw na malulugmok tayo
Sa sakit
Sa poot
At ako
Sa pag-asang maibabalik pa 'yung mga araw na lilipad tayong muli
Ngunit
Hindi
Tandang-tanda ko 'yung araw na ipinilit kong pabilisin 'yung oras
Hanggang sa marating ko 'yung araw na matatanggap kong hindi ka na babalik
Ngunit
Hindi
Hindi ko pa ata kaya
Hindi ko pa ata kayang dumilat isang araw nang hindi ka kasama
Kaya kahit 'yung sakit papatulan ko na
Naririnig ko pa rin naman 'yung pagtibok ng puso mo
Ngunit papahina na nang papahina
Dahil palayo ka na nang palayo
Gusto ko naman marinig ngayon 'yung tunog ng pagbabalik mo
Para lang maipaliwanag mo sa 'kin kung kailan unang nalagas 'yung mga pakpak natin
O kung aling hangin 'yung nagtulak sa'yo pababa
Dahil hindi ko maintindihan
Hindi ko maintindihan na kahit ilang beses ko nang itiniwarik 'yung mundo nating dalawa
Hindi ko pa rin mahanap 'yung dahilan kung bakit tayo biglang kumawala sa isa't isa
Hindi ko rin naman masabing iniwan mo ako sa ere
Dahil wala na naman ako sa itaas
Na'ndito na ako sa ilalim ng mga alaala nating hinayaan na lang natin sa isang tabi
Nang hindi sinusubukan na dagdagang muli
Na'ndito ako nagpapadagan sa mundo
Habang patuloy lang nang patuloy sa pag-ikot 'to
Na'ndito ako sumasabay sa agos ng sarili kong luha
Na'ndito ako hinihila 'yung sarili ko pababa
Pahingi naman ako ng isa pang pakiramdam
Hindi 'yung puro na lang lungkot
Puro na lang pait
Pahingi ako ng galit
Sige, kahit inis o kahit yamot
Na kung bakit ako lang 'yung naiwang nagmumukmok
Higit sa lahat
Pahingi pa rin ako ng pag-asa
Nasa'n ka na? Babalik ka pa ba?
Ronna M Tacud Feb 2021
Naranasan ko ang magpaubaya sa taong minahal ko ng subra-subra.
Hindi dahil sa hindi ko siya kayang ipaglaban ngunit hindi ko kayang habang buhay ipaglaban ang taong may mahal ng iba.
Hindi ko kayang isugal ang buong pagmamahal na alam kung sa huli ako parin ang malulugmok.
Masakit mag let go pero mas masakit kung mananatili akong uhaw sa pag-ibig na kailan man ay hindi maging akin.
Ang tanging hangad ko lang ay mahalin ako ng pabalik pero siguro nasa maling tao ako ngayon upang maranasan ang ganitong sakit.
Ang sakit lang na pinaubaya mo ang isang taong nagpapasaya sayo.
Pero napagtanto ko na anong saysay kung pinapasaya ka nga niya pero hindi ka naman minahal.
Minahal nga pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa iyo.
#pinaubaya #masakit #hanggangkaibigan #lettinggo #isugal

— The End —