Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
yung isang lalaki asawa mo dati
kasi siya ang tatay ng mga anak nyo
yung isang lalaki nobyo mo
iba iba siya
hindi siya kahawig ng aking asawa
dati kong asawa
sa muling
babaero
Hudas
malandi
makapal na mukha.

Nokia ko
mabait sya pag mahalin siya
ang lakas ng tuyo niya
patas na babae sa tono nya
ang isip nya lagi iba-iba
Iyon ang dahilan kung bakit, mahal ko siya. Siya ay walang katulad ng aking dating asawa.
Daniel Dec 2018
Usok,
Mapusok,
Tumutusok.

Buhay nating parang usok
Sa lahat ng bagay nawawalan ng desisyon, mapusok
Kaya ang laging mali sa buhay, tumutusok

Sindi
Landi
Intindi

Makulay na apoy ng sindi
Bawat hithit sa oras, panaho'y malandi
Pinipilit na ang realidad, iniintindi.

Kasama
Tama
Masama

sa bawat yapak sa daana'y ikaw ang kasama
Wala eh, masarap, masarap ang tama
Hanggang sa di mo na namalayan na ikaw na,
ikaw na ang napasama,
ikaw na ang masama.
John Emil Apr 2019
Hindi ka pangit
Kundi ang mata nilang mapanglait
Hindi ka malandi
Kundi katawan niyang saiyo gustong itali
Hindi ka bobo
Kundi may iba ka lang talagang talino
Hindi ka mali
Kung di ka makikinig sakanilang sinasabi
Hindi ka ikaw
Kung hindi ka magpapakatotoo sa mundong ibabaw
Dahil sa huli saiyo nakasalalay
Ang takbo ng iyong buhay
Hindi ang mapanghusgang mata ng lipunan
Kundi ikaw, oo ikaw ang may hawak ng iyong kinabukasan

— The End —