(katatagan at katapatan)
Kung ikaw ay dahon
na dinadala ng hangin,
ako marahil β
ang ugat na nanatiling tahimik,
nakabaon sa lupa,
nakikinig sa bawat yapak
ng panahong lumilipas.
Ako ang himig
na hindi umaalingawngaw β
ngunit nananatili
sa kailalim-laliman ng alaala.
Habang ikaw ay sumasayaw
sa sayaw ng taglagas,
ako'y nananatiling
yakap ang lamig ng tag-ulan.
Tahimik kong pinipigilan
ang bawat pagbagsak mo β
nang hindi mo namamalayan.
Hindi ako tanong.
Isa akong sagot
na matagal nang naroon
bago pa maitanong β
kung sino ang nagtanim,
at ano ang bunga.
Sapagkat kung ang dahon ay dumarapo,
at muling nawawala β
ako naman ang di-makita,
pero palaging naroroon:
sa bawat pagsibol,
sa bawat pagkalagas,
at sa pagitan ng mga saglit
na walang makapagsalita.
Hindi ako lilim β
ako ang dilim na may silbi.
at liwanag na hindi makukubli
Hindi ako aninong masisilungan β
ako ang silong
ng mga alaalang hindi pa binibigkas.
At kung ikaw ay nagtataka
kung kailan dapat hukayin ang lalim β
ako ang lalim na iyon.
Hindi para mabungkal,
kundi para maramdamang
may pinanghahawakan ka pa rin.
Kaya bago ka tuluyang tangayin,
alalahanin mo:
ang bawat dahon β
kahit ligaw β
ay minsang nanggaling sa sanga,
na ikinabit ng pag-ibig
ng isang ugat
na tahimik lang,
pero totoo ang kapit.
π ππ πΊππ π½πΊπππ
πΊπ π»πΊπππ ππΊπ π»ππ
πππ β
π ππ πΊππ ππππΊππππΊππΊπ
ππππΊπ ππ πππππ.
#3