Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun Lit Oct 2018
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan,
Enero, Pebrero, Marso ng kabataan
Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam
balatkayong pinasikip ng mga agam-agam
mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham
sa yungib ng pipíng isipan.

Sa pagtalikód ko’y hiniwa
ng balaraw ng panghihinayang
ang banig na naidlip saglit
sa magdamag na paglalamay
banig na nilala ng mga dekada
mula sa mga hibla ng pagsusumikap.

Paalam,
kaibigang nabingi sa tawag ng luho
Walang alinlangang maririnig mo rin
ang tibok at bulong ng puso
Ninais ko sanang samahan mo ako
at ating anihin
ang mga uhay na mula
sa binhing ipinunla
sa mga alapaap.
Ninais kong lasapin
ang matamis na bunga,
pinahinog ng tiyaga
at patuloy na pag-asa.

Subalit
dagtang makapit,
luhang mapait,
kumikirot ang lupa
sa patak ng namuong dugo
ng bayaning nagbuwis
ng sariling pagsuyo.

Kikitlin ng Nobyembre
ang bawat naiwang himaymay
sa lamig ng yakap ng amihan
- akala’y dakila ang dayuhang niyebe.
Mamamaluktot muli sa maigsing kumot
hanggang sa magising
sa aguinaldo ng Disyembre
at pagpasok na naman ng Bagong Taon
walang kamatayang panahon
aasa na naman sa ****
na iba ang pangako at iba ang tugon
sa dalangin at maraming tanong

Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
Oktubre - Filipino word for October; for several years now, sometime within my birth month, I unconsciously start to reflect on events in my life and the places I call home.
Paulo May 2018
Sayong paglalakad sa kalagitnaan ng daan ika'y nakita
Mga mata **** mapungay at mukhang **** maamo
Posturang natural at ngiti **** hindi nagbabago
Na para bang lagi akong tinutukso

O bakit ka ganyan, binibini?
Para bang sa 'yong mga mukha ay walang problemang namumutawi
Kada salubungan ng ating mga mata ay talaga namang pagod ko ay napapawi
Nagsusulat ako ng bigla kang dumaan saking harapan

Ako'y napatingin at napahinto sa aking lugar na ginagalawan
Para **** niyanig ang mundo kong tahimik
Puso kong parang gustong muling umibig
Handa kong ika'y haranahin at gawan ng isang awit

Ngunit paano pala kung puso mo ay meron ng nag mamay-ari?
Mga bagay sa aking isipan na nawari
Hanggang tingin nalang ba ako sayo
Kahit na parang ako'y pinana na ni kupido?

Handa akong sumugal malaman mo lamang na ang pag ibig ko ay tunay
Nais mahagkan ka at mapakilala saking Nanay
Mga mata kong kislap ay talaga namang tunay
Kaya sana hayaan mo kong iyong buhay ay bigyan ng kulay

Magpapakilala ako sayo ng walang pag iimbot
Irerespeto ka kahit magsuot ng maigsing saplot
Unang hakbang ng puso mo'y maabot
Ihahatid sundo sa inyo pag uwi sa tahanan
Hindi ka hahayaang mabastos ng kung sino sa daan

Liligawan pati iyong mga magulang,
Nangangako sa magandang intensyon at hindi magkukulang
Sa Itsura man ako'y salat
Akin nalang ibabawi sa matatamis na sulat at ugaling tapat
Sa isang saglit ako'y tila nasa ulap
at pa lutang lutang habang ako'y dumadaan
Sa gaan ng aking pakiramdam
at sa munting ligayang di inaasahan

Kahit sa isang maigsing sandali, ako'y puno ng buhay
na tila bang lahat ng problema'y naglaho
Sa isang saglit ako'y nakaramdam ng pagmamahal
mula sa isang taong akala ko'y mapapaakin

Ngunit ito'y isang panaginip na laging babagabag sa aking damdamin
Isang saglit lamang ito
Isang araw ay maglalaho na parang bula
Hinding hindi kita mapapaakin

Siguro hindi tayo itinakda ng tadhana
Siguro hanggang dito na lang talaga tayo
Hindi mo kayang ibigay ng buo ang pagmamahal na kailangan ko
Hindi mo kayang pantayan ang pag-ibig na binibigay ko

Buong puso ko nilaan sa lahat ng aking sulatin
Sa lahat ng tula, pagkanta, pagsayaw
Nandoon ang buong puso kong nagmamahal sayo
Ngunit kahit anong pulit, hanggang dito na lang talaga

Pero ayos lang iyon
Kahit sa isang munting saglit naibuhos ko ang puso ko
Kahit sa isang saglit naramdaman kong magmahal
Walang bagay sa mundo ang kayang pumalit doon

Ikaw ay nagsilbing ilaw sa mundo kong madilim
Kahit walang pag-asa, lagi kitang tatanggapin
Bukas ang aking kamay at puso para sayo
Ngunit hindi na kitang kayang mahalin ng tulad ng dati

Kailangan kong umusad sa aking panaginip
Hinding hindi na maibabalik
Salamat sa lahat ng pag-ibig na aking naramdaman
Isa ka sa taong nasa puso ko lagi

Siguro ito ay isang pagsara ng parte ng buhay ko
Salamat sa lahat ng natutunan ko sayo

— The End —