Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JK Cabresos Nov 2012
Para lang nagbabalat ng sibuyas
ang istorya ng pag-ibig.

Sa simula...

Ng nasa mga kamay mo pa lang ito'y
may gana ka pang tumawa,

Hanggang sa inilagay mo na
sa isang sangkalan...
('chopping board' na nga lang, para mas maintindihan)

At nang binalatan mo'y
bigla ka na lang umiyak
at tumulo ang iyong mga luha
(sa sahig, alangan naman sa balkonahe!)

Pagkatapos nama'y nakatawa na ulit,
ngunit hindi pa rin nadala't
kumuha pa ng ibang sibuyas para balatan.
(sira-ulo lang te?)

Pero wala tayong magagawa dun,
hindi sa eksaherada masyado
ako kung makapagsalita,
eh ganun yun eh!
(ganun talaga!)

Kaya tanggapin ****
kapag sinubukan mo nang umibig,
alam mo nang sa huli'y
masasaktan at masasaktan ka rin...
('wag kang mag-aalala marami naman kayo!)

Ayyy! hindi 'yan!

Sa gitna pa pala 'yan,
dahil ang nasa huli'y
liligaya ka ng walang kasintulad ng dati.
(para bang nasa alapaap daw?)

Dahil ang magmahal ng isang gago...

Ayyy! Este tao,
ay maraming pagsubok,
tulad ng pagbabalat ng sibuyas...

Masusugatan ka talaga
kapag hindi ka marunong
magdahan-dahan at mag-ingat.
maps Mar 2011
sa twing dumarating
aking napapansin
pasulyap **** tingin
habang paparating

hindi ko na malaman
ang aking gagawin
baka himatayin
sa bigla **** pagtingin

ikay magdahan dahan
baka di na mapigilan
puso'y nilalabanan
upang di mo to malaman

pintig ng pulso ko
isandaan bawat segundo
gnyan kadeds sayo
o diba ang gwpo mo?

di ko rin tlga malaman
bakit ka natipuhan
kahit sinasabihan
marami jan, wag na yan

kung itoy malaman
wag mo sanang iiwasan
ikaw ang kaligayahan
wag mo sanang tuldukan
w Dec 2019
94
Ubos na ang mga panahong hindi kailangan magmadali
Yung pagising sa umaga na hindi na kailangan ng nagwawalang awtomatikong orasan

Sa kakamadali ay nalilimutan nating magsoot ng pambahay na tsinelas pagbangon sa kama,
Maging ang pagharap sa salamin at pagbati ng "magandang umaga" ay lipas na

Ang mga pandesal at almusal na dati'y pinagsasaluhan sa lamesa, ngayo'y sa umaandar na sasakyan na inuubos okaya naman minsan ay dumadaan sa isang kainan para doon makakain

Kung noon ay sinusulit ang bawat hakbang ng mga lakad at napapansin ang mga bulaklak at dahon sa iyong paligid
Nalipasan na ng oras ang dati'y hindi ka tumatakbo at nagkukumahog, pinabilis ang pag-asam ng panahon

Kung babalik pa sa kahapon,
Lumipas na ang kapeng ilang beses **** hinalo't di na alam kung tunaw na ba ang bawat piraso ng oras kaya't di na napansing lumamig na sa paglipas ng oras

At sana, sa bawat pagmamadali at takbong gawin para makarating
Huwag mo sanang kalimutan
Na oras man ang kaaway,
Nakadikit ito sa ala-alang bumuo sa pagkatao natin

Muli, ipapa-alala ko na huwag mo sanang kalimutang pwede ka magdahan-dahan
Ipahinga mo ang iyong mga paa
Dahil ubos na ang panahong hindi tayo nagmamadali

Kaya  sana, hayaan mo munang mag-isa ang mundo at umupo ka muna sandali
Gumising kang hindi gula't sa nagwawalang orasan at isoot ang sapin sa paang sabik nang ihatid ka sa hapag-kainan
Timplahin mo ang kapeng mainit at hintaying matunaw ang bawat piraso
At doon, malalasahan mo, ang tunay ng sarap ng bawat segundong matagal mo nang hindi napapansing pinapalipas mo

— The End —