Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lance Cecilia Jan 2017
Kumapit ka.

'Wag kang bibitiw mula sa 'king kapit,
Kung kailanga'y dakutin mo ang aking damit.
'Wag nang mag-atubili at ika'y humawak nang mahigpit,
At makinig sa lahat ng aking mababanggit.

Hindi lahat ng pangarap ay nakakamit.
Hindi lahat ng bituin ay naaabot.
Hindi lahat ng bundok ay naaakyat,
At hindi lahat ng kapatagan ay nalilibot.

Hindi lahat ng bukang-liwayway at dapithapon ay romantiko,
Ngunit bakit kaya'y sa bawat pagsalubong ko sa araw ay ikaw lang ang laman ng isip ko?
Hindi lahat ng panahong magkasama tayo ay puno ng kilig,
Pero bakit kaya'y tila nauuwi na yata ito sa pag-ibig?

Hindi lahat ng araw ay puno ako ng tuwa,
Pero salamat nga pala sapagkat ikaw ang dahilan ng aking saya.
Hindi lahat ng tulog ko ay mahimbing at mabisa,
Ngunit dahil ikaw ang aking panaginip, salamat na rin pala.

Ikaw ang pangarap na gusto kong makamit,
Ang bituing nais maabot,
Ang bundok na iniibig kong akyatin,
Ang kapatagang gustong malibot.

Kapag kasama ka'y ang bawat takipsilim ay nagiging romantiko,
Nagiging matingkad ang kulay ng bawat bahaghari,
Nagiging sabay ang kumpas ng bawat kanta sa tibok ng aking puso,
At nagiging katotohanan ang isang pangarap na nais kong makamit

Ngunit salamat sa pagturo sa 'kin
Na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din.
Hindi lahat ng ginawa ko ay kaya **** gawin.
At ang pinakamasakit sa lahat, ay 'di mo pa rin ako kayang mahalin.
Shiela Luna Nov 2015
Naiisip na naman kita.
Naalala ko yung mga panahon na kasama ka.
Mga panahon na tayo lang dalawa
Pero hindi tama na gustuhin ka.

Mahirap man sating dalawa.
Pasensya na wala akong magagawa
Kundi ang kalimutan ka.
Dahil ito ang alam kong tama.

Salamat ang huling salitang mababanggit.
At ito'y hinding hindi ko sayo ipagkakait
Kahit ito'y paulit paulit
Hindi ako magsasawa na ito'y laging mabanggit.

Sabagkat ang pagmamahal na iyong pinadama,
Ay tunay akong pinasaya.
Hindi ko man ito nasabi sayo
Kasi natatakot ako.

Ayokong umasa ka.
Ayokong masaktan ka.
Kaya ika'y iniiwasan na.
Para itong dadamin ko ay di na lumalim pa.
hindi naman talaga ako marunong magsulat
pero nang dahil sa'yo
nasimulan ko

hindi ko din alam kung paano ito tatapusin
pero nang dahil sa'yo
nagawa ko

paano nga ba magsulat?
unang letra, pangalawa, pangatlo
hindi ko namalayan na sa unang pagtingin ko
sa unang paglapat ko ng papel sa lamesa
sa unang paggalaw ng panulat ko

...dumaloy na ang mga salitang
hindi ko akalaing manggagaling
sa mismong mga kamay ko

"isang araw..."
diyan din naman tayo nagsimula
diyan tayo unang nagkita, nagkausap at nagkatinginan
lahat naman nagsisimula sa isang araw hindi ba?

at magtatapos din sa "wakas"
ang wakas kung saan magiging masaya na ang lahat
ang wakas na hindi na pwedeng madugtungan pa
ng kahit anong problemang magbibigay kalungkutan

pero bakit?

kahit alam kong wakas na
kahit alam kong tapos na, tigil na, hinto na
bakit hindi ko pa din mapigilan
ang paggalaw ng kamay ko sa itaas ng papel?
ang pagagos ng mga letra sa utak ko
na para bang ako'y lalamunin na?

"nasasaktan ka na"
bulong ng utak ko sa puso ko
"kaya ko pa"
sagot naman ng puso ko pabalik
"di ka pa ba pagod?"

mga huling salita na nagsasabi sa'king tumigil na
mga salitang matagal ko ng hinihintay
mga salitang dapat matagal ko nang napagtanto
at hudyat na dapat itigil ko na

akala ko ba, nang dahil sa'yo, magiging madali na lang?
akala ko ba, nang dahil sa'yo, mahihinto ko agad?
bakit parang bumaliktad?
bakit parang, nang dahil sa'yo mas humirap

nang dahil sa'yo
humirap magsimulang muli
humirap maghanap ng panibagong papel
na pagsusulatan ko ng bagong kabanata
humirap ihinto ang mga pangungusap
na aking nasusulat nang ako'y nagsimula

kailan ba 'ko hihinto?
pati ba naman itong tula ay hindi ko matapos
dahil hanggang dito, ikaw pa din ang dahilan
ikaw ang dahilan kung bakit ko ito sinimulan sinulat, dinama, pinagisipan

alam ko...

alam ko darating ang araw na mararating ko din ang wakas
ang wakas kung saan wala ng "dahil sa'yo"
ang dulo kung saan mahihinto ko na ang pagsusulat ng kabanatang ito
ang kabanatang nagbigay sa akin ng ligaya, ngunit masakit na karanasan
ang kabanatang hanggang nakaraan na lang

at pag dumating ang araw na iyon
muli ko nang mararamdaman ang saya sa pagkuha ng bagong papel
ang saya sa paglinis ng aking panulat
at…
ang saya kung saan mababanggit ko na ang katagang, "sawakas"

masasabi ko na din ang pasasalamat ko sa iyo,
na nagbigay sa akin ng papel at
matitingnan ko na din ng maayos
ang panulat na ikaw mismo ang nagbigay.

— The End —