Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Angela Mercado Sep 2016
//
Umahon ang buwan mula sa kanyang pagtulog. - sabik na sabik sinagan ang sanlibo't isang nayong naghihintay sa kinang niya.
Madilim at malamig; makapal ang mga ulap sa langit. Higit ang pagnanais sa kanyang pagdampi.

At siya'y lumiwanag.
Kumislap.
Ang kinang ng sigurado sa alon-along pagtatanong-tanong.

Ang nag-iisang tiyak sa langit ng duda.

Buong gabi niyang niyakap ang mga pueblong hitik sa pangamba. Winalis ang takot na dala ng langit na obskura.
Buong gabi niyang tangan ang bawat pulgada ng bahala.

Hanggang sa bumangon ang araw mula sa kanyang paghimbing
- sagisag ng kanyang muling paggilid.

Sa gilid.

Sa gilid ang kanyang pedestal.

Ano ang laban sa kinang na hatid ng araw? Lunduyan ng liwanag, sastre ng pagtitiyak.

Sa gilid ang kanyang pedestal.

Pagkat alam ng buwan na iba ang kislap niyang hatid - kinang na kikinang, ngunit 'di maglililimlim.
Kinang na pupuno lamang sa langit ng dilim; sa gilid

ang kanyang pedestal.

Pagkat iba panghabambuhay na paghalik sa pandaliang pagtangan;
na iba ang gusto
sa kailangan.
Omniest Wanderer Oct 2018
Nakakakilig, matatamis ang iyong mga ngiti
Nakakatunaw ang kinang sayong mga labi

Kakaiba ka sa pakiramdam, napakaganda mo sa loob
Napakaganda tignan ng mala alon mo na buhok

Sabi nila'y, ang mga taong may liwanag ay meron ding lalim
Ano nga bang nasa likod ng 'yong magagandang tanawin

Nais ko'y lumapit, ngunit papano ako bubwelo
Tunay ngang ang langit ay binabantayan ni san pedro

Ako'y manlalawig, at tumatawag si Laguna
Mukha atang mahirap na'kong pigilan animo'y pumapatak na luha

Nananaginip binibigyan ka ng kwentas ba o singsing
Bagamat ikaw ay isang bituin, sayo'y wala akong hinihiling

Sapat na saking nakatingala, kahit tingin sa sarili ay kawawa
Sapat na saking malaman ang presensya ng isang tala

Ang nais ko lang naman ay magpamalas ng paghanga
At sana, sana ay paglapitin din tayo ng tadhana
sarrahvxlxr Sep 2016
Kumatok ka sa mundo ko at pinapasok kita
Nagpanggap ako na hindi ko alam na sa unang sulong mo pa lang,
Balang araw ay uurong ka rin—maglalakad palabas.
Pero mali ako—mali ako sa parteng dahan-dahan kang aalis—tumakbo ka.
Parang pananahimik ng paborito kong kanta
Pero ang paborito kong kanta ay maaari kong ulitin
Kung sa unang pagkakataon ay hindi ko siya nabigyang-pansin.

Hindi mo naintindihan na hindi lahat ng pagmamahal
Ay maaari lamang patunayan sa mga salitang "mahal kita."
Mahal kita hindi man sa paraang ginusto **** marinig
Pero mahal kita sa mga lumipas na gabing hinehele tayo ng mundo
Habang nakikinig sa mga puso nating nagdadabog hindi dahil sa galit
Kundi dahil sa tindi ng hampas ng ating mga damdamin.
Mahal kita hindi sa paraang tenga mo lang ang magsasaya.
Mahal kita kahit nung panahong gininaw ka sa lamig ng damdamin ko.
Mahal kita nung isang araw na dumaan ka sa harap ko—dumaan ka lang.
At tinakasan ang titig ng aking mga mata.
Mahal kita nung sandaling 'yon na parang hindi mo na ako ginustong makita.

Kumatok ka sa mundo ko at pinapasok kita
Hinawi natin ang kalawakan para pag-ibig naman natin ang mangibabaw.
Nahiya pa nga noon ang mga bituin dahil sa kinang ng ating mga damdamin—
Kinang na nagpabulag sa atin sa katotohanang
Sa dinami-dami naman ng bagay na ikagagaling ng ating pagtatapos
Ay talagang sa panggugulat pa.
Para tayong bitin na kwento—natapos na pero gusto mo pa.

Kaya hanggang ngayon, dinadalaw pa rin ako ng patay nating relasyon.
Hindi lang sa gabi pero sa umaga, sa tanghali, sa hapon—
Sa bawat oras na 'yung paglimot natin sa isa't isa ay parang larong taya-tayaan—
Hindi mahuli taya kundi mahuli tanga.
Pero, oo, tanga na kung tangang ninanais ko pa ring higitin
'Yung damdamin mo pabalik sa 'kin.
Tanga na kung tangang na'ndito pa rin ako kung sa'n mo 'ko binitawan.
Tanga na kung tangang nagkulang ako.
Wala nga sigurong pagkakamali ang maitatama pa.
Ang tanging magagawa ko na lang ay 'wag na 'yun ulitin pa.

Kaya,
Kumatok ka naman ULIT sa mundo ko para papasukin ULIT kita.
'Wag ka naman muna humakbang palayo.
Gumawa ULIT tayo ng panibagong alaala.
Magkasama naman nating pakalmahin 'yung bagyong idinulot natin sa isa't isa.
Samahan mo naman ULIT akong humiga sa karagatan
Habang ipinaparinig mo ULIT sa 'kin 'yung kwento kung paano ka natutong lumangoy
Sa sakit, sa hirap, sa lahat ng ibinabato ng mundo sa 'yo.
Ikwento mo naman ULIT sa 'kin. Lahat. Makikinig na ako.
Kumatok ka naman ULIT sa mundo ko para papasukin ULIT kita.
Kumatok ka naman ULIT sa mundo ko para papasukin ULIT kita.
(a spoken word piece)
RL Canoy May 2020
Tuwing balikan ko ang nangakaraang
araw na nagugol noong kabataan.
Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay,
na minsang dinanas niring abang buhay.

Ang bawat nagdaang aking mga araw,
doon sa luntiang ating paaralan
gunita ay pawang dusa't kapanglawan,
ang bumabalot niring balintataw.

Subalit ang dusang nakapanghihina,
pilit napapawi ng mumunting saya.
Ang isang bituing kahali-halina'y
naging hugot-lakas niring pusong aba.

Hindi ko mawari noon yaring dibdib,
tuwing binabaybay ang daang matinik.
Anong ubod sayang naglaro sa isip,
ang sinintang Musa ng aking pagibig.

Simula nang ikaw ay aking mamasdan
O! hangad kong tala sa sangkalangitan,
hindi ko malirip at di na maparam
tila nanggayumang lagi sa isipan.

At magbuhat noo'y aking hinahangad;
ang sangkalangita'y aking malilipad,
upang mahahaplos ang talang pangarap
at isang dahilan niring pagsisikap.

Subalit ang hangad wari'y panaginip
at tila'y malabo itong makakamit.
Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit,
at kutad ang pakpak at walang pangsungkit.

Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan.
Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang,
at kung anong siglang sa akin nanahan,
ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal.

Iyon ang gunita't aking kabataan,
doon sa mahal kong ating paaralan.
Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan,
subalit tiyak kong sa puso ay bukal.

Sumapit ang yugtong di ko na namasdan
ang tanging bituing aking minamahal.
Pagkat ay nalayo ako sa tahanan,
upang susuungin ang bago kong daan.

Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago,
paghanga'y aayon at ito'y maglaho.
Tulad ng magapok ang buhay na bato,
kung saan inukit ang puso't ngalan mo.

Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas,
ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas.
Hindi ko maarok na lalong nagningas,
nang muling magtagpo ang ating nilandas.

Kaya ninais kong maipapahayag,
ang mga damdaming sa puso'y nailimbag.
Limang ikot-araw ang mga nagwakas,
magpahanggang ngayo'y laging umaalab.

Ikaw ang bituing aking hinahangad,
isa sa nagtanglaw niring aking landas.
Ang Musa sa puso't tanging nililiyag,
ang umakay niring diwa na sumulat.

At ngayon ay aking naipapabatid,
dito sa talatang nagsalasalabid.
Mula sa paghanga't tungo sa pagibig,
ang hindi maihayag niring dilang umid.

Papalarin kaya itong abang lingkod,
at mula sa langit ikaw'y pumanaog?
Diringgin mo kaya yaring tinitibok
ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog?

At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap,
ipaguumanhin ang pusong sumulat.
Ninanais ko lang na maipahayag,
ang aking pagtangi sa'yo at paglingap.

At kung kasadlakan nito'y pagkabigo,
sa aking paglapit, ikaw ay lalayo.
Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo,
nawa'y di burahin ang mga yapak mo.

©Raffy Love Canoy |March 2020|
Isang kulisap
Ang ninakawan ng kinang
Ikinulong sa sisidlan

Bigla kang nanginig
Nang unang marining
Ang hikbi niyang puno ng pait
Bumalik din sayo ang sakit

Hindi ba't
Ikaw din ang may kakagawan
Ang iniisip ay sarili lamang
Bakit hndi ikaw ang magsimula
Pakawalan siya
At sindihan ang ninakaw niyang kinang




-Tula IV, Margaret Austin Go
Para sa mga murang isip hanggat maaga ay simulan mo ng magmalasakit.
Cepheus Feb 2019
Ang swerte mo
Inggit ako sa'yo
Parang na sa'yo na ang buong mundo
Pero hindi dahil sa pera o sa yate mo

Kasi na sa'yo siya

Pansin mo ba ang kinang sa kanyang mata?
Tuwing siya ay ngumingiti
Kung pa'no pumoporma ang mukha n'ya 'pag tumatawa?
O ang lambot ng kanyang buhok 'pag ito'y kanyang hinahawi?

Kung pa'no s'ya maglakad, tumayo o umupo?
'Pag seryoso na s'ya sa trabaho?
Ang ekspresyon n'ya 'pag sya'y nagki-kwento?
Pati paraan ng kanyang pag-ubo?

Eh yung kapag medyo tinamaan na s'ya ng alak?
Na parang ang sampung bote'y 'di pa sapat
Kulang pa nga ang pulutan
'Pag tutumba na s'ya'y mapapatakbo ka para alalayan

Ang ganda n'ya 'diba?

Kung tutuusin nga 'di na n'ya kailangan ng kolorete pa
Yung itsurang pagod n'ya kakaiba
Para ka na lang mapapatulala
Habang nakanganga

Lalo na 'pag naiinis na s'ya sa'yo
'Pag napipikon na s'ya kakaasar mo
Pero nakakatuwa kahit puno ka na ng palo
Kahit pa s'ya lagi ang dapat panalo

'Pag naglalambing s'ya
Kahit gusto mo pa magalit, wala
Mapapangiti ka na lang at hala
Galit mo'y naglaho na

Yung mata din n'yang namamaga
Kasi kakaiyak lang n'ya
O kakagising lang kasi
Iba pa rin eh

Kasi nakikita n'ya yung akala mo walang makakakita
'Pag nagtatampo ka na pero ayaw mo ipahalata
Yung gula-gulanit **** kalupi pinalitan pa n'ya
May iniwan pang sulat nung nawala ka

Nung nagkasakit ka, s'ya'ng nag-alaga
Alam n'ya kung pa'no ka pangitiin hanggang sa ika'y tumawa
Para nga'ng pati mga iniisip mo, alam na n'ya
Pati siguro yung katotohanang nahuhulog ka na

'Diba ang swerte mo?

'Yun lang kasi pwede kong iuwi
Para sa aking sarili
Kasi nga sa'yo s'ya
Do'n wala akong magagawa

'Di ko nakikita kung pa'no n'ya isiping mahal ka n'ya
Na ayaw ka n'yang mawala
Na ikaw na yung naiisip n'ya na habangbuhay makasama
Yung kinabukasan n'yong kayong dalawa

Kaya swerte ka Kuya Wil
Na sa'yo kasi ang 'di mapapasa'kin
Kaya ingatan mo s'ya't mahalin
Dahil kung hindi, baka sya'y aking dagitin
Tenth Jul 2019
Paalam sa munting kinang sa kanto ng iyong mga mata. Sa unang alab ng huling araw magpapaalam ang bihag ng tanikala. Walang humpay ang daluyong ng mga ala-ala.

Salamat sa unang halik at iyong natatanging labi. Mula sa una at sa huli. Ito na ang huling paalam. Papadayon din ang araw, bukas o sa makalawa, o hindi kahit kailan.

Walang luha o sugat na lalatay sa iyong balat. Hindi kailangang manatili sa ala-ala nating dalawa. Mula dito at sa mga susunod na araw, buwan, at taon.

Para sa ating dalawa ang paalam na ito. Hindi na kailangan magkubli sa anino ng masaya at masalimuot na nakaraan. Ito ang ating hudyat, ang ating kidlat mula kay bathala.

Para sa muling pagkinang ng iyong mga mata. Sa ala-ala ng buwan at ng mga bituin. Sia lahat ng bagay na nagpangiti sa iyong puso at labi. Paalam aking dagat, aking asul na langit.

Minamahal kita.
Gusto kong higitan
ang kinang ng mga butuin
Baka sakali ako'y iyong mapansin
Nagtatago sa mga hibla ng ulap
Ang pag sinta ko sayo
Sa puso ko'y lumaganap
Tila apoy na nilalamon ang kaluluwang
Tigang sa pagibig
Ang simpleng hiling
Higitan ang mga butuin
At kung maaari kay Kupido bigkasin
Sana'y puso nya din ay panain



-Tula II, Margaret Austin Go
kingjay May 2019
Ipanligo ang luha
Gawin basahan ang damit na
pamunas sa sugat na di gumagaling
Hulug bituin ba na matutupad ang mga hiling o bagay na tinatapon ng langit

Ano ang susundin
Naduhagi sa buhay
Nabubuwal sa kapalarang sinapit
Kagustuhan ng loob o ang ikakaunlad ng Maharlikang angkan
Sa basbas ng langit
Iniusal ang dasal

Sapat na ang saya nang masilayan si dessa
Walang dusa't unos na nanaig
Anyong Diyosa, diwata ang kawangis
Kinang ng perlas
Kagandahang nang -aakit

Marupok na ang silya
Habang ang damit ay tagpi-tagpi
Naluoy na ang labi
Mata'y nangamuti
Inilalarawan  na ang mukha sa salamin ng bukas

Natatangi man ito ang sa isip
Ang kabiguan ay tinitiis
Pa isa-isa man ang balahibo idinidikit
na para pumagaspas sa hangin
Makakalipad nang mataas
Bubulusok nang mabilis
s i r May 2019
Ulap sa lupa ang maputlang buhok
Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok
Isang obra maestrang handog ng Panginoon
Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon

Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon
Tigib sa pinong linya at kulubot
Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos
Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos

Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan
Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan
At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa
Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha

Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa
Marka ng walang katapusang pag-aalaga
Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod
Upang tayo ay mabuhay ng malugod.

Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot
Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot
Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko
Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
JOJO C PINCA Nov 2017
"Life is either a daring adventure or nothing at all"
- Helen Keller


May mga taong tinutugis na parang mga hayop, may mga hayop na nagpapanggap na tao. Mga halimaw na nagaanyong pangkaraniwan. Ang mundo ay isang malaking gubat na punong-puno ng mga ganid sa laman, uhaw sa kapangyarihan at mga alipin na lumuluhod sa kinang ng salapi. Ang lupa ay hindi inilaan para sa mga mababait na tao, ito ay para sa mga ulol, imbi at mga tarantado. Ang mga baliw, sadista at mga putang-ina ang itinakdang maghari. Sa bawat yugto ng kasaysayan ay laging may pag-aaklas, ito na ang panahon nang pag-aalsa. Buksan ang isipan at gisingin ang natutulog na damdamin. Wakasan ang pang-aapi at pabagsakin ang nang-aapi. Sabi nga ni **** Abay "magkakaroon ng rebolusyon". Ngayon ang panahon nang pagbabangon, simulan natin sa ating sarili. Tularan natin ang mga bayani nang ang bayang nakalubog ay maka-ahon. Simulan natin sa tula upang gisingin si Juan sa malalim n'yang pagkakahimbing.
Nais kong simulan
pagka't di ko matanto
bakit nagiging tuluyan
kang laman ng aking
diwa at isipan.

Sinubukang ibaling
sa ibang bagay,
ngunit bakit tila ikaw
ay kumakaway na halos
di ako mapalagay.

Paniniwalaan kaya kung
malaman mo na tila nakaguhit
ang iyong ngiti, na di ko alam
kung paano wariin sa aking sarili.  

Sa pag-lalim nga
din nitong gabi,
sa apat ng sulok
napapamuni muni.
Wari ko'y may tawag
ang damdamin at tila
may napili.

Hinahamon ko ang
aking puso dahil
pag-kakatanto ko'y
may nakapunlang
butil ng pag-suyo.

Ipag-paumanhin ang
aking panulat,
dahil ang katotohana'y
di ko alam ang wastong
pamamaraan kung ano
o paano ba ang dapat.

Marapatin nga sana
ng kalangitan,
isinusuko sa ilalim
ng sansinukob na
bihagin ng buwan
at mga bituin
ang pag-sinta;
na sa bawat pag-kutitap
nila ay maipamasid
ang kinang at taglay
ng wagas ng aking paghanga
Herena Rosas Aug 2021
I
Siya ang laman ng bawat taludtod
Ang sining ng pag- ibig na binuod
Salitang matalinhagang ibinuklod

Siya ang tugma na 'sing rikit ng bulaklak
Ang obra na katumbas ay hindi tiyak

II
Siya ang gabay ng mga manlalakbay
Ang kinang niya ay walang kapantay
Liwanag niya'y nagbibigay buhay

Bawat hibla niya'y walang kamatayan
Siya'y nagniningning sa kalangitan

Siya ang tala
Ang tulay ng mga ala-ala
You are valuable and loved!
Tumingin ako sa kalangitan
hawak ang aking sigarilyo
nakita ang ganda at kinang ng mga bituin
habang inaalala ang lahat ng ala-ala na ating pinagsaluhan
Ngiti sa aking mukha ay kasing kinang ng bawat bituin sa langit
ngunit biglang itong napalitan ng kalungkutan
na tila ba natabunan ng ulap ang bawat tala sa kalawakan
nang maalala ko na nasa piling ka na nya ngayon
ang pangako **** makakasama kita hanggang sa aking huling hininga
para bang bula na bigla nalang naglaho at naging isang malaking imahinasyon.
Sabi nga nila ang mahalin ka ay magbibigay sa akin ng sobrang pighati
ngunit mas nanaisin ko nalang ibigay ang huli kong hininga para sabihing mahal kita.
Mahal kita, Subalit paano ko nga ipapadama sayo ang aking pagmamahal
kung sinuko mo nalang ako ng basta ang mga yakap nya ang bumabalot sayo ngayon.
kaya ito ako ngayon nagiisa sa gabing malamig at madilim
tanging unan lamang ang kayakap at kasama
unan na puno ng mga luha na dulot ng iyong pagalis sa aking piling
pipilitin ko nalang maging masaya habang ikaw ay masaya kapiling sya
Salamat sa magagandang ala-ala na iyong naipadama kahit paano
Salamat sa lahat at paalam aking iniibig.
pat v Aug 2020
Ang nakaupong tiwali—
siya ang binoto ng masa.
Sa manggas ng kanyang barong,
panganib ng maralita

May kinang ang kan’yang ngiti
mapungay ang mga mata
Sa bawat pangakong lahad
ay pagsibol ng pag-asa.

Pag-asa na tayo'y ligtas
ay naging katakot-takot.
Para raw sa Inang Bayan,
peligro na nakabalot.

Ang salitang bulaklakin
ay daglian ding nalanta
kapalit ang pagtungayaw,
at banta ng direktiba.

Hindi natin inasahan—
bahid ng dugo sa daan.
Mga kamay, nahugasan
ngunit hindi ang lansangan.

Sa lapida nakaukit
ngalan ng mga biktima.
Sunod kayang tatahimik
ang silang may pinupuna?

Hapis ng inang nawalan,
“Crispin, Basilio, anak ko,”
oyayi ng Inang Bayan.
“Pasismo! Peligro rito!”
Kitang kita **** nagniningning ang kanyang mga mata sa malalim na gabi.
Mas maaliwalas pa kaysa sa buwan at sa mga kumikinang kinang na mga bituin.
Kislap... ng kanyang mga mata

© Cyrille Octaviano, 2014
Triste May 2019
Sumikat ang araw sa puso ko
Tinangay ang mga ulap sa isipan
Sa wakas may ngiti na sa mga labi ng umaga
At ang gabi ay tumahan sa lilim ng iyong mga mata
Ang kinang ng mga tala ay lumulutang sa ibabaw ng karagatan
Habang ang oras ay naglalayag sa asul na kalawakan
Mga salita kong binulong sa hangin
Naging paru-paro sa iyong mga kamay
Mga paa kong ligaw ay nakatagpo ng hiwaga sa mga yapak mo
At sa himig ng mga iiwanang bakas ay mananatili tayo.
Verse 1:
Wala sa yong mga mata
Ang kinang, kislap, na dati kong nasisilayan.
Bakit? Yan ang sinasabi ng
mga tala, buwan, maging kalangitan
na tuwing gabi’y ito ang nakikita
sa piling mo’t tabi. Ako’y nasasabik
sa yakap at halik.  

Bridge 1:
Aking inaasahan
na sanay di sabihing mawawaglit
ang oras, natirang sandali.

Chorus:
Sa pagpanaw mo nagkakadahilan
kung bakit ako’y nanatili’t,
naniniwala sa walang hanggan.

Verse 2:
Kahit may ibang magparamdam
Sayo ako, pangako yun magpakailan man.
Bakit? Dinig ko sa paligid ko
Sayo lang nabuo wasak kong mundo
Nang nag-iisa’y ikaw lang kasama.
Sa yakap at halik, sayo ko nabatid
na mahal kita.  

Bridge 2:
Aking inaalala
Sa panahong ika’y nabubuhay pa
ang oras, natirang sandali.

Chorus:
Sa pagpanaw mo nagkakadahilan
kung bakit ako’y nanatili’t,
naniniwala sa walang hanggan.

Sa walang hanggan
Naniniwala sa walang hanggan

Ang oras, at natirang sandali.
Naniniwala
Denise Sinahon Sep 2020
Mga bagay na gustong gawin
Mabibigyan oras upang tuparin
Ngunit wag muna itong unahin
Dahil alam **** marami ka pang gawain
Nakaabang mga takdang aralin
Naghihintay na gawin
Ikaw man ay malaya
Dapat alam mo pa rin ang kahalagahan ng iba
Iba tulad ng iyong pag aaral na nangangailangn ng pagpapahalaga
Sa pag gawa ng mga bagay na iyong ikasasaya
Wag kalimutan ang nararamdaman ng iba
Baka ikaw ay may nasasaktan na
Mas magiging masaya ka
Kung alam **** wala kang nasasaktang iba
Ang pagiging malaya
Sa paggawa ng mga bagay na iyong ikatutuwa
Ay nakapag papa aliawalas sa iyong mukha
Dahil ito ang dahilan kung bat ang ngiti mo ay masisilayan sa iyong mukha
At sa iyong mata makikita ang kinang na dulot ng kalayaang natatamasa
Pero wag kakalimutan ang pagkakaiba  Ng pagpili sa mali at tama
Ikaw man ay naturingang malaya
Dapat alam mo pa rin ang makabubuti at makasasama
Bigyan ng limitation ang sarili, tama naman dba?
Dahil baka sa sobrang saya na iyong madarama
Ikaw ay maging pabaya
Buhay moy malagay sa isang sitwasyon na ndi kaaya aya
At pagsisisi lamang ang makikita sa mukha
Freedom
zee Aug 2019
ngayong gabi,
habang ika'y nasa'king tabi
hindi maikukubli na ako'y nabihag
ng iyong nakakalusaw na ngiti;
mga labi na labis kung makapangakit;
ang boses mo na tila bumubulong sa'kin
na ako'y manatili hanggang ang araw ay sumikat muli

at nang ika'y maalimpungatan,
muling nasilayan ang mapupungay
**** mga mata—
mata na tila tala sa kalangitan;
kita ang kinang at sayang nililihim
nang nalaman ako'y nanatili

"mahal kita"
mahina ngunit malambing **** sambit
nang ika'y pinatumba muli ng tama na 'yong tinamo habang iniinom lahat ng pait at sakit
habang pilit **** iginigiit na baka ikaw ang nagkulang at nakamali,
aking tinatanong sa sarili, bakit hindi mo makita ako'y nasa'yong tabi.
XIII Nov 2019
Ang swerte mo
Inggit ako sa'yo
Parang na sa'yo na ang buong mundo
Pero hindi dahil sa pera o sa yate mo

Kasi na sa'yo siya

Pansin mo ba ang kinang sa kanyang mata?
Tuwing siya ay ngumingiti
Kung pa'no pumoporma ang mukha n'ya 'pag tumatawa?
O ang lambot ng kanyang buhok 'pag ito'y kanyang hinahawi?

Kung pa'no s'ya maglakad, tumayo o umupo?
'Pag seryoso na s'ya sa trabaho?
Ang ekspresyon n'ya 'pag sya'y nagki-kwento?
Pati paraan ng kanyang pag-ubo?

Eh yung kapag medyo tinamaan na s'ya ng alak?
Na parang ang sampung bote'y 'di pa sapat
Kulang pa nga ang pulutan
'Pag tutumba na s'ya'y mapapatakbo ka para alalayan

Ang ganda n'ya 'diba?

Kung tutuusin nga 'di na n'ya kailangan ng kolorete pa
Yung itsurang pagod n'ya kakaiba
Para ka na lang mapapatulala
Habang nakanganga

Lalo na 'pag naiinis na s'ya sa'yo
'Pag napipikon na s'ya kakaasar mo
Pero nakakatuwa kahit puno ka na ng palo
Kahit pa s'ya lagi ang dapat panalo

'Pag naglalambing s'ya
Kahit gusto mo pa magalit, wala
Mapapangiti ka na lang at hala
Galit mo'y naglaho na

Yung mata din n'yang namamaga
Kasi kakaiyak lang n'ya
O kakagising lang kasi
Iba pa rin eh

Kasi nakikita n'ya yung akala mo walang makakakita
'Pag nagtatampo ka na pero ayaw mo ipahalata
Yung gula-gulanit **** kalupi pinalitan pa n'ya
May iniwan pang sulat nung nawala ka

Nung nagkasakit ka, s'ya'ng nag-alaga
Alam n'ya kung pa'no ka pangitiin hanggang sa ika'y tumawa
Para nga'ng pati mga iniisip mo, alam na n'ya
Pati siguro yung katotohanang nahuhulog ka na

'Diba ang swerte mo?

'Yun lang kasi pwede kong iuwi
Para sa aking sarili
Kasi nga sa'yo s'ya
Do'n wala akong magagawa

'Di ko nakikita kung pa'no n'ya isiping mahal ka n'ya
Na ayaw ka n'yang mawala
Na ikaw na yung naiisip n'ya na habangbuhay makasama
Yung kinabukasan n'yong kayong dalawa

Kaya swerte ka Kuya Wil
Na sa'yo kasi ang 'di mapapasa'kin
Kaya ingatan mo s'ya't mahalin
Dahil kung hindi, baka sya'y aking dagitin
© Cepheus February 26, 2019
093023

Ikaw ang Aking Bayan
Ang aking Pag-asa’t Ilaw
Sa mga rehas ng kadiliman…
Hayaan **** ang Liwanag Ko
Ang magningning sa Sanlibutan.

Ikaw ang Aking kawangis
Damhin mo ang Aking pag-ibig
Wagas at dalisay ang hain Ko
Kaya’t itapon ang pangamba’t
Sumabay sa pag-ihip ng hanging
Nagmula sa Aking hininga.

Sa dilim ay mas magliwanag ka
Isasaboy ko ang Aking kinang
Sa liblib na wala pang nakararating.
Takot mo’y babalutin Ko
Ng aking pagsinta habang ikaw ay humahayo.

Yakapin mo ang aking pagkatawag sayo,
Maging saksi ka’t magliwanag pa
Habang ika’y naghihintay…
At ako’y magagalak sa’yong pagsunod…
Mahal kita, Anak at mahal ko ang Sanlibutan
Pagkat Ikaw at Sila —
ang aking Bayang babalikan.
Isaias 49:8-12

8 Sinabi pa ni Yahweh sa kanyang bayan:
“Sa tamang panahon ay tinugon kita,
    sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.
Iingatan kita at sa pamamagitan mo
    gagawa ako ng kasunduan sa mga tao,
ibabalik kita sa sariling lupain
    na ngayon ay wasak na.
9 Palalayain ko ang mga nasa bilangguan
    at dadalhin sa liwanag ang mga nasa kadiliman.
Sila'y matutulad sa mga tupang
    nanginginain sa masaganang pastulan.
10 Hindi sila magugutom o mauuhaw,
    hindi rin sila mabibilad sa matinding hangin at nakakapasong init sa disyerto,
    sapagkat papatnubayan sila ng Diyos na nagmamahal sa kanila.
Sila'y gagabayan niya patungo sa bukal ng tubig.
11 Gagawa ako ng daan sa gitna ng kabundukan,
    at ako'y maghahanda ng lansangan, upang maging daanan ng aking bayan.
12 Darating ang bayan ko buhat sa malayo,
    mula sa hilaga at sa kanluran,
    gayon din sa lupain ng Syene sa timog.”

——-

Mateo 25:34-40

34 Kaya't sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig. 35 Sapagkat ako'y nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at ako'y inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. 36 Ako'y hubad at ako'y inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.’

37 “Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? 38 Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y hubad at aming dinamitan? 39 At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?’

40 “Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’
Sa bawat pag gising
Tila ang umaga'y hindi kasing tulad dati
Ang akala kong magpapatuloy
Ay may hindi inaasahang paghinto

Sa bawat paglipas ng araw
Tulad ng paglaho ng oras
Lumalaho na rin ang aking pag-antay
Pag-aantay sa kawalan

Sa bawat paglubog ng araw
Sinasama nito ang sakit na
Aking nadarama tuwing dapit-hapon
Kung kailan kita naaalala

Sa bawat pag usbong ng buwan
Ako'y nakakakita ng bagong pag-asa
Pag-asa ng kinabukasan na
Magkakaroon ng kasagutan ang lahat

At sa bawat pag kinang ng mga bituin
Naaalala ko pa rin ang nakaraan
Ang lahat ng masasayang alaala
Na sana'y napagpatuloy hanggang ngayon
Stephanie Jun 2018
Nasaan ang dulo ng walang hanggan
Hindi ko hinanap ngunit natagpuan
Nasaan ang pangakong binitawan
Ang daang madilim na iyong inilawan
Ikaw rin ang pumatay ng sindi
Sa mga tanong na ang sagot ay hindi
Ikaw ang aking inaasam na sana
Sana masilayan kita sa bawat umaga
Sana ikaw na lang, ngayon at bukas
Sana hindi nalang ito ang wakas
Nasaan ang dulo ng walang katapusang ligaya
Kapag ba naroon na sa puntong hindi na masaya
Bakit mo binago ang takbo ng tadhana
O siguro'y una palang, hindi na tayo ang itinadhana
Nasaan ka nga ba talaga?
Ibubulong nalang sa hangin ang iyong halaga
Ipipikit ang mata habang sinasambit ang isa pang sana
Sana'y bumalik ang kinang sa'yong mata, malaya ka na
Alam ko na kung nasaan ka ngunit bakit?
Pangako. Magkikita tayong muli sa langit.
spacewtchhh Oct 2020
Oh, kung masakit na sa paningin ang sinag ko
na dapat ay nagbibigay liwanag sayo,

Darating naman ang gabi, iiwas sa realidad, na kasama mo

Baka mas madali mo makita
ang kinang na hanap mo, kapag madilim at mag isa,

Ako, maghihintay lang na dumating yung oras na nakalaan sa akin para tanglawan mo.
yndnmncnll Aug 2023
Ikaw ang simula at ang wakas
Panahon man ay lumipas
Sa iyong yakap ako’y walang takas
Aking pag-ibig sa iyo ay wagas

Ang ating pagmamahalan sa isa’t isa
Lumiliwanag nang parang mga tala
Hindi ko ninanais na ikaw ay magtaka
Huwag ka nang mag-abala pa

Ikaw ang kinang sa ‘king mga mata
Ikaw at ako’y iisa
Ikaw ang laman ng bawat pahina
Ang pamagat sa aking tula

Ang musika sa aking kanta
Kung ang pag-ibig ko sa iyo, sinta
Ay magiging isang sumpa
Habangbuhay akong manunumba sa dambana

Ayokong lumayo sa’yo
Ikakalungkot ng puso ko
Ika'y aking naging mundo
Sa iyo, mahal ay ako'y natutuliro

Hawakan mo lamang ang aking kamay
Ikaw lamang ang aking pipiliin sa habangbuhay
Ang aking minahal ng tunay
Ang makamit ka ay isang tagumpay

Ikaw ang aking biyaya
Ang dumating nang kusa
Ikaw ay mahalaga
Huwag kang mag-alala

Ikaw ay minamahal kong talaga
Ang aking puso'y sa iyo mas sumasaya
Ikaw ang aking dinalangin sa Poong Maykapal
Ang hinintay ko nang kaytagal

— The End —