Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nasaan ang dulo ng walang hanggan Hindi ko hinanap ngunit natagpuan Nasaan ang pangakong binitawan Ang daang madilim na iyong inilawan Ikaw rin ang pumatay ng sindi Sa mga tanong na ang sagot ay hindi Ikaw ang aking inaasam na sana Sana masilayan kita sa bawat umaga Sana ikaw na lang, ngayon at bukas Sana hindi nalang ito ang wakas Nasaan ang dulo ng walang katapusang ligaya Kapag ba naroon na sa puntong hindi na masaya Bakit mo binago ang takbo ng tadhana O siguro'y una palang, hindi na tayo ang itinadhana Nasaan ka nga ba talaga? Ibubulong nalang sa hangin ang iyong halaga Ipipikit ang mata habang sinasambit ang isa pang sana Sana'y bumalik ang kinang sa'yong mata, malaya ka na Alam ko na kung nasaan ka ngunit bakit? Pangako. Magkikita tayong muli sa langit.
0
Jun 7, 2018
Jun 7, 2018 at 9:55 AM UTC
Nasaan

ciel_bleu
Written by
25/F/Not-so-wonderland
Jun 7, 2018
Jun 7, 2018 at 9:55 AM UTC
Request permission to use this poem