Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sumikat ang araw sa puso ko Tinangay ang mga ulap sa isipan Sa wakas may ngiti na sa mga labi ng umaga At ang gabi ay tumahan sa lilim ng iyong mga mata Ang kinang ng mga tala ay lumulutang sa ibabaw ng karagatan Habang ang oras ay naglalayag sa asul na kalawakan Mga salita kong binulong sa hangin Naging paru-paro sa iyong mga kamay Mga paa kong ligaw ay nakatagpo ng hiwaga sa mga yapak mo At sa himig ng mga iiwanang bakas ay mananatili tayo.
0
May 11, 2019
May 11, 2019 at 12:34 AM UTC
Sa araw ng tag-init

tristeyve
Written by
F/Philippines
May 11, 2019
May 11, 2019 at 12:34 AM UTC
Request permission to use this poem