Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
112614

Sinigaw niya ang oras
Buhat sa rehas na puno nang aral
Tumugon ako't nabigla
Pagkat bumantad ang iilang madla
Dahan-dahang nilipad ng mga paa
Patungong langit naman pala
Ngunit naroon pala
Ang anino **** may liwanag.

Tila ako'y tangan ng hangin
Doon sa 'di inaasahang tagpuan
Tumalisod ang puso
Mabuti't nagising
Tuloy lang ang lakarin.

Sa pangalawang pagkakataon
Winaldas ko ang pagod
Hindi patungo sayo
Pero sa kabilang ibayong babagtasin.

Heto na naman,
Parang itim at puti na lang sila
At ikaw ang tanging may bahid ng kulay
Kumidlat nga't hanggang sulyap na lang
Parang wala namang ibig sabihin.

Magulong usapan, hindi nga ba?
Ang lupon nila'y nilagpasan ko
At sa kauna-unahang pagkakataon
Ang hangi'y nag-ibang ihip
Ngalan ko pala'y iniihip nito.

Pangalawang beses
Ang eksenang nakalimbag
Wala na namang kibuan
Ang lapad ng balakid
Mula sayo patungo sakin
Simple lang naman,
Wala namang nararapat na sambitin.

Paulit-ulit nga
Marahil walang letrang
Kinukumpas ng kampana
Magulang usapan nga ba?
Marahil hindi,
Pagkat minsa'y di na kailangan ng salita.
Bryant Arinos Jul 2018
Ito nanaman tayo,
Walang pansinan,
Walang imikan,
Tahimik at walang kibuan.

Akala ko ba tapos na?
Bakit bumabalik pa?
Akala ko ba okay na?
Bakit naulit pa?

Pakiusap naman, magsalita ka
Sabihin mo kung anong problema
Kung sino ang dapat masisi sa ating dalawa.

Wag mo namang sarilihin,
Nandito ako oh, ba't di mo ko kausapin?
Kung may problema tayo ayusin natin
Hindi yung hinahayaan hanggang sa tayo'y patayin ng katahimikang dulot ng pag-aaway.

Kaya mahal ****-usap, magsalita ka dahil...

Hindi ko alam ang dahilan,

Hindi ako manghuhula.
jhaaaake Sep 2018
Katoto

Sa simula lang ang kasiyahan,
At nauwi lang ito sa hindi pagpapansinan,
Ilangan, dedmahan, at walang kibuan,
Tila ang magandang samahan ay ating nalimutan.


Ang araw ay lumipas man,
Nakatagpo tayo ng kanya-kanyang kaibigan,
Ngunit ang koneksyon ng ating samahan,
Ay laging gugunitain at babalikan.


Sa t’wing nakikitang nag kukulitan,
Alaala noon ay nababalikan,
Kung hindi ko lang sana inamin,
Ganon pa rin ang ating pagtingin.


Anong dapat kong gawin?,
Upang ito ay aking lisanin?,
Ang tunay kong damdamin,
Na para sa’yo na binalewala mo rin.

-
katoto
JOJO C PINCA Nov 2017
Kaninang umaga
Habang hithit ko
Ang nagbabagang yosi
Ay naalala ko
Ang lumipas na tag-araw.
Kalagitnaan ng Abril 2017
Maalinsangan ang umaga
Nang ako’y magising
Matapos ang isang gabing
walang pagkahimbing.
Sa sala at maging sa lamesa
Namagitan ang isang
Mahabang katahimikan
Walang usapan, Walang kibuan
Isang nakakainis na pakiramdaman.
Nung sumapit na ang tanghali
Mas mainit pa sa nakasalang na kawali
Ang init ng nakakapugnaw
na putang-inang araw.
Pero kakaiba ang tag-araw na ito
Sa gitna ng matinding init
Akoy giniginaw
May Malaria? Wala s’yempre
Pero ako’y giniginaw.
Giniginaw ako sa tindi
ng panlalamig mo sa akin.
Kaninang umaga habang nagyoyosi
Sa pagitan ng usok at buntong-hininga
Naalala ko ang lumipas na tag-araw.
shy soriano Apr 2019
Sa simula lang ang Kasiyahan at nauwi ito sa hindi pag papansinan,
Ilangan , dedmahan at walang kibuan , tila ang magandang samahan ay biglang naglaho. Ang araw ay lumipas nag katagpo tayo ng panibagong kaibigan ngunit ang ala-ala noon ng ating samahan ay laging gugunitain at babalikan sa tuwing Naaala-ala ang ating  kulitan ala-ala noon ay nababalik kung diko lang sana inamin wala sanang nag bago sa ating pag kakaibigan.

— The End —