"kaytagal" poems
May mga oras na alam **** nasaksaktan ka
Ngunit hindi mo malaman kung bakit ba
Mga emosyong ayaw magpakita
Kahit sa mga mata'y hindi ito madama.
May mga araw na ang iyong puso'y nangungulila
Sa mga memorya ng ulan na tumila
Nagmumuni-muni habang nakahiga sa maliit na kama
Hindi malaman, bakit ba nagkaganito na?
May mga gabi na mapapaupo ka sa inyong balkonahe
Mga titig ay nasa mga tala na tila may sinasabi
Ang hiling **** kaytagal nang naisantabi
Ngayon kaya ay mangyayari?
Oh, aking sarili!
Minsa'y kailangan mo ring magpahinga
Sa mga problemang dahilan ng iyong panlulumbay
Iyong harapin ng positibo ang hiram na buhay.
*There are times that you know you're in pain
Yet you can't figure out the reason you feel lame
Hidden emotions, unclear, unseen
Even the eyes can't give the look of what you're feelin'
There are some days when your heart feels empty
Yearning for the memory of the downpour that had stopped
Meditating while lying on the bed that is tiny
Asking yourself, how did this happen, it feels so rough
There's this kind of night when you'd sit outside at the balcony
Gazing at the stars that seem to be saying something
Your wish that was set aside and buried in your mind
Would it be granted now?
My dear self,
Sometimes you need to stop and take a rest
From your problems that sadden you the deepest
And face the positivity of life; "our lives are borrowed,
don't let the eyebrows be furrowed."*
Jul 16, 2015
Jul 16, 2015 at 1:43 PM UTC
Mahigit pitumpu't limang porsyento
Niyurak ng matinding alon
Walang awa ang haplos
Ang yapos na nakagigimbal
Kinitil hindi lamang ang buhay
Gayundin ang hanapbuhay.
Ni hindi masisid ang perlas
Na ngayong may takip sa ibabaw
Nabibilang ang lumalangoy
Kaawa-awang gambalain
At hablutin sa laot nang walang muang
Ngunit anong siyang magiging sapit?
Kung sila'y hahayaang hindi nakagapos?
At doon sa lambat ay patitiwarakin.
Tinaguriang "No Build Zone"
Ngunit naroon nakatirik ang bawat pundasyon
Walang opsyon, pagkat ang gobyerno
Kaytagal din nang pag-aksyon.
Mula sa libu-libong tirahan sa Tent City
Sila'y lilisan patungong Bunk House
Transitional Shelter kuno
Hanggang sa malipat
At magkaroon ng panibagong tirahan.
Doon sa Tacloban,
May dalawang daan at apatnapu't anim na tirahan
Bagkus ang nakalilim, apat na libong pamilya naman.
Salamat sa mga NGOs
Sa 9181 na Bunk House
Sa gobyernong dapat na kikilos
Kailan ba sisimulan ang pagbabago?
Walong libong pabahay raw ang ginagawa
167 bilyon ang budget,
Saan nga ba napunta?
Ito ba'y binulsa?
Comprehensive Rehabilitation Plan kung tinagurian
Kay bango ng ngalan
Bagkus umaalingasaw ang baho
Ang kasiraan, ang kawalan ng aksyon
Para sa bawat mamamayan.
Sa dakong Guian, Eastern Samar
Tatlong daang permanenteng pabahay raw
Ngunit ni isang pundasyon ng naturang pabahay
Tila naglaho pa rin ni Yolanda
At walang bakas na pasisimulan.
Sabi ni Pnoy, malinaw raw ang target
Pero hanggang target na mga lang ba?
Kailan ba sisimulan ang tuwid na daan?
Baka naman baku-bako na
Wala man lang pasabi sa kinauukulan.
Kung ang hustisya'y hindi matugunan
Sana ang kalamnan ng bawat biktima'y
Syang agapang mapunan
Kaawa-awa silang naghihikahos.
Ang laki ng tulong ng mga karatig-bansa
Ba't tila walang pakialam?
Kayong mga nasa trono,
Tayuan ang posisyon
At serbisyo'y gawin nang totoo.
Nov 8, 2014
Nov 8, 2014 at 10:44 AM UTC
Itinatangi Mo ako't
Hindi kayang pakawalan,
Dadalhin pa sang lupalop
Ng bawat malaparaiso **** pangarap.
Sambit nga nila'y
Kung nasaan ka'y ako'y paroroon;
Kahit na ni minsa'y hindi ko nagawang harapin ka
Paumanhin, Irog
Pagkat damdami'y wari bang ginigisa.
O kaytagal **** inilihim ang pag-irog
Nais kong ipagsigawan ito
Pero pipi pala ang pusong totoo.
Tila nakakahon, pero may kalayaan
Tila makasarili, pero may ipinaglalaban
At naisin ma'y hindi kita maiwa't iwan.
Batid ko'y lahat pala'y yamang kasinungalingan
Heto ka't kakatok sa ibang pintuan,
Ba't pag nagkakulanga'y ako'y kayang bitawan/bitiwan?
Oo, hantungan nati'y mala-pelikulang hiwalayan.
Ni minsa'y hindi ako naging singkong duling
Na dadaplis si Kupido sa moog **** damdamin
Ni minsa'y hindi ako nagpaubaya sa palad ng iba,
O bakit nga ba? Para saan pa't umibig?
Luha'y higit pa kaysa para sa demokrasya.
Bago Mo iwa'y tayo'y magmata-mata,
Pagkat Ikaw ang minsang kumumpleto
Ng kulang-kulang na katauhan
Ng tunog-latang pag-aalimpuyo
Ng mapanghimagsik na damdamin.
Ako'y magbabalik, pangako ko, Sinta
Tingnan mo ang palad Mo,
Oo, babalik nang higit pa
Marahil doon Mo lang mapagtatantong
Hindi mabibilang aking halaga.
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 8:39 PM UTC
Nagmula ang lahat ng tayo'y sumakay,
Ni hindi alam ang rutang dadaanan,
At sa pagkabigo mo'y sinisi'ng lahat;
Sa gabing minsa'y nalunod sa pag-iyak.
Nagmula ang lahat ng tayo'y lumingon,
At kung mabigat na'ng ulap, ano'ng tugon?
Sa pagtapak mo sa andamyo ng saya
Mapapansing may luha'ng 'yong mga mata:
Nag-iwan ng lungkot kahit nakita na
Ang mga talang kaytagal na hinintay;
At sa paglisan mo sa iyong nasakyan,
Isang barkong muli ang matatagpuan...
Nov 24, 2011
Nov 24, 2011 at 9:49 PM UTC
Everything was out of control, kumbaga kung ihahalintulad sa daan ay lubak-lubak, kung itutulad sa isang kwento ay palpak at kumbaga parang isang ibon na walang pakpak. Umikot yung mga nagdaang araw sa mga bagay na inakala kong bubuo sakin, sa mga bagay na akala ko ay totoong kukumpleto sa akin, sa bagay na inakala kong tootong magpapasaya sakin. In short umikot yung sem na to sa akin. Inakala ko na sa pagtalikod ko ay makikita ko ang sagot, ngunit sa kasamaang palad para akong isang lubid na nalalagot. Patuloy na nilalagot ng mga poblema at mga unos na masalimoot. Mistulan akong isang tupang nawawala. Walang direksyon at sobrang naghahanap ng atensyon. Yung mga tawang humahagalpak ay unti-unting nawawasak. Tumalikod ako sa Kanya kase sabi ko hananapin ko lang yung sarili ko, time, days, weeks passed by pero para bang hindi gusto ng tadhana na makita ko ang sarili ko, hindi gusto ng tadhana na makita ko ang hinahanap ko kaya nagdesisyon ako na bumalik sa dating tinalikuran ko. Sa pagbabalik ko yung init nang yakap Nya ang unang sumalubong sakin, yung mga kataga Nyang sobrang nagpabalik ng mga ngiti na nawala sakin. Mga kataga Nyang nagsasabing “ Anak, mahal kita. Sagot kita, wag kang mangamba kase ako yung sagot sa yong mga problema” sa pagbabalik natagpuan ko mga sagot na kaytagal kong hinanap. Nasaksihan ko kung paanong naging patag ang lubak-lubak, kung paanong ang kumplikadoy naging payak, kung paanong lumipad ang ibong nawalan ng pakpak, kung paanong nagtagumpay ang dating palpak, kung paanong naging ngiti ang mga iyak, at lalong higit kung panoong nabuo ang dating wasak. Saksing saksi ko kung paanong ginantimpalaan ng Panginoon ang mga paghihirap ko. Kung paanong hinanap nya ang nawawala akong at tinanggal yung mga luha sa mga mata ko. Kahit na I turned my back to Him, never nya akong iniwan, sinukuan o kaya ay sinumbatan sa halip ay pinakita Nya kung paanong lumaban, kung paanong manindigan. Sobrang sapat na sapat na yung alam **** kahit na pumalpak ka, tanggap ka Nya. Yung tipong kahit na lumayo ka hahanap hanapin ka Nya. Kase ikaw ay anak nya at ikaw ay mahal na mahal nya.
Oct 19, 2016
Oct 19, 2016 at 1:39 PM UTC
Nagtagpo ang ating mga salita
Higit sa isang sandali
Yung isang sandaling hindi panandalian
At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan
Ang sinasabi nilang heto na
Heto na pala ang pangmatagalan.
Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso
Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin.
Kasama ang bawat agam-agam,
Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap
Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap.
Nagtagpo ang ating mga damdaming
Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin.
Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang.
Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap
Ang mga pangakong hinayaan nating
Matunaw sa likido ng galit at pait.
Nagtagpo ang ating mga paningin
Sa hindi inaasahang tambayan
Sa tambayan ng damdaming
Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan
At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon
Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita,
Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon.
Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan
At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita
Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na"
Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala.
Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan
Doon tayo sa magkasalungat na landas
Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa
Na ang aking umaga ay di mo na gabi
At ang aking gabi ay di mo na umaga.
Kung saan ni isa'y di na aalis
At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis.
Baka doon --
Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa.
---
Minsan, napadpad ako sa karagatan
Kung saan ang bawat hampas ng alon
Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan
Na ang dating puting buhangin
Ay unti-unti nang nanumbalik
Akala ko'y isang panaginip
Pero doon ay may subalit --
Subalit na napakaganda.
Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad
Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan
Ay unti-unting inanod
At akala ko'y di na makababalik.
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 8:06 AM UTC
Sarap ng mga ala-ala nating dalawa dati oh. Puyat magdamagan, nagtetext at halong kulitan.
Sobrang sweet natin grabe, halos paggising sa may goodmorning agad at kiss emoticon pa
Di nga maipinta ang mga ngiti sa ating mukha kada umaga kahit pagbangon natin halos tanghalian na.
Pero bakit ganoon? Ano bang nangyari? Nagkasawaan ba? Oo nga hindi tayo pero pakiramdam ko iniwan mo ko.
Madaling araw nanaman panigurado puyat nanaman.
Katulad ng nakaraan paniguradong mukha nanamang lutang.
Apat na oras ang tulog, pagkagising handa ulit para matulog.
Pero dahil ayon nga umaasa, pinilit magising para di mahulog sa kapit ng kama.
Umagang-umaga, umaasang sana reply mo kagabi ang una kong mababasa.
Hawak ang telepono pero nanatiling sawi dahil walang mesaheng dumating at nakita.
Pikit-mata dahil napapaisip bakit nga ba di mo pa rin pansin.
Kulang ba ang emoji at mga puso sa bawat mensahe ko kaya di mo kayang kiligin?
Mayroon bang ibang mas magaling pumuri sa iyong ganda kesa sa akin?
O sadya lang talagang mas gusto mo siyang kasama kumpara sa akin?
Ayos lang naman talaga sa akin kung sasabihin **** niminsan di mo ko nagustuhan.
Kaso hindi eh, pinaghintay mo ko ng kaytagal at pinaasang pasado sa lahat ng 'yong basehan.
Bagsak na nga eskwela dahil pangalan mo ang sagot sa bawat patlang na sigutan ko.
Tapos pagdating sayo bagsak pa rin ako kasi di ko makuha-kuha ang sagot galing sayo.
At ngayon nabago na ang ikot ng mundo ko, pakabila, pasalungat at malabong magtagpo ulit tayo.
Pasalamat na nga lang kay Bathala dahil hinayaan niyang magkakilala tayo.
Halos hirap pa ring paniwalaan, na sa isang pitik ng mga daliri nawala na ang lahat.
Masasayang ala-ala na akala ko panghabang-buhay na, kaso lahat nawala at laglahong parang bula.
Tigas kamao at suntok sa buwan ang tiyansang maibalik lahat ng nasa nakaraan.
Siguradong matinding panalangin ang kailangan para ibalik ni Bathala ang ikot ng orasan.
Mabuti nalang talaga'y unti-unti ko nang natatanggap ang lahat ng mga nangyari ay tapos na.
Konting tulog pa ng maaga mababawi ko na lahat ng nasayang na umaga.
Sa susunod matutulog na ako bago mag alas nuwebe para makompleto na ang tulog at di lutang tuwing umaga.
Ang tagal ko rin tong pinagsisihan na sana tinulog ko nalang yung mga panahong pinagpuyatan kita
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:12 AM UTC
081721
Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag
Na dumarampi sa aking mga pilik-mata
Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit
At pag-agos nang marahan
Ng pawis na pilit kong ikinukubli
Sa bawat pagtiklop ng hapon.
Walang oras o segundong hayag
Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw
Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli.
Ni hindi ko magawang lumapit
Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin
Na para bang nais Nitong hingahang muli
Ang buo kong pagkatao.
Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso
Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang
Minsang kumatok at pinagbuksan.
Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang
Walang ibang hiling
Kundi sumapit ang takdang araw
Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo
Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan
Ng mga bulalakaw sa langit
At may iba’t ibang kapaliwanagan.
Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis
Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian
At sa pastulang aking minsang sinuklian
Ng Kanyang mga balak
At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon
At akin nang inaani nang may galak.
Dumudungaw sa lente ng aking mga mata
Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag.
At tunay ngang ang mga luha'y papawiin
At wala nang ibang maibibigkas pa kundi
Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari
Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap
Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman.
"Bubuksan Ko ang kalangitan,
Maging ang buong kalawakan,
Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo.
Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya
At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo.
Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob
At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik.
Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan
Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang
Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin.
Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag
Sa pagsapit ng itinakdang oras..
At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad
Sa landas kong laan para sa'yo.
Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian
Ay bukas para sa lahat,
At ang dugong dumanak
Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus
Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban.
Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong
Syang gagabay sa'yong mga pasya't
Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay
Na tanging pang-langit lamang.
Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo,
Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob..
At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko
Ang lahat ng aking mga anak
Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop
At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos.
Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 5:47 AM UTC
Saan ka nga ba tumatakas
Sa anyo bang mapangahas
Na katangiang ipinamalas
Ng isang nag pupumiglas?
Tumahimik ka riyan!
Eto ang ating kaharian
Mariing pinahihintulutan
Tumakas ng lubusan
Bantayan ang mga salita!
Baka nakikinig ang bata
Nag pulong upang ipakita
Ang alam nating tama!
Hoy! Ikaw na nananahimik
Tila wala ka laging imik
Nakukuha **** mag hilik
Kahit ang hahat ay natitinik
Ano ang iyong nginangawa
Wala akong ginagawa
Masaya lang akong natutuwa
Ano ang aking magagawa?
Mga maginoo kumusta?
Hindi na po ako bata
Nais ko na pong lumaya
At subukang minsan ay madapa
O kaytagal nyo akong itinago
Iningatan sa pag papayo
Sa mundo ay inilayo
Sa takot na magpalalo
Ngunit ako'y handa na
Maari ko na bang bawiin ang luha?
Na matagal nyong kinuha
At ang pusong nangungulila?
Jul 26, 2022
Jul 26, 2022 at 1:51 PM UTC
113024
Kalakip ng bawat salita
Ang mga balang ligaw na tumatagos sa katauhan.
Nakapiring at nakatali sa mabibigat na kadena,
Na para bang imposible na ngang kumawala.
Sa aking kadilima’y umaasa pa rin akong
Darating ang Liwanag
Na siyang magbubukas ng aking mga mata
At tutunaw sa bakal na kaytagal ko nang pasan.
Nauuhaw —
Nauuuaw ako sa Kalinga at Pag-ibig.
Napapagod —
Napapagod sa bawat kirot
At bakit hindi nyo pa ito itigil?
Ahhh! Ayoko naaa!!!!
Bagkus may boses sa loob kong
Tumatawag sa aking ngalan
Na minsan na nilang pinatikim ng alikabok
At binaon sa Hukay Ang natitirang halaga nito.
Dumaan ang mabangis na mga kulog at kidlat
At ang hangin ay naging payapa sa aking pandinig
At heto na nga marahil ang simula
Ng aking pinakahihintay —
Kung saan ang Liwanag Mo naman
Ang aking masaksihan.
Walang ibang yumakap sa akin nang ganito —
Binalikan Mo nga talaga ako.
At ang mga pangako Mo’y hindi napako,
Hindi nalusaw ng anumang unos at bagyo,
Ng anumang kadilimang ipiniring nila.
At ang tagal ko ngang naghintay
Ngunit ibang saya pala talaga
Ang makapiling ang tunay na nagmamahal,
Ang tunay na makapangyarihan sa lahat.
At hindi na nga mahalaga ang anumang nakaraan
Pagkat ang lahat ay bago na nga talaga.
Dumating ka na nga —
At handa na ako.
Jan 5, 2025
Jan 5, 2025 at 4:52 PM UTC
Dumating akong hindi inaasahan ng iba
Maging anino man ay hindi makita ng mata
Ako ay mapamuksa sa kanila
At aagaw sa buhay ng mahal nila
Bakit nga ba ako naparito
Maging ako ay nalilito
Kasalanan ko ba na maging bunga ninyo
At ako'y pinapatay uli ninyo?
Marami akong gugutumin
Marami akong papatayin
Marami akong paaminin
Kung sino ang sakim!
Maraming lalabas ang kulay
Uunahin ang sariling buhay
Pababayaang mamatay
Ang walang sariling bahay
Gusto ko sa matatao
Sa matitigas na ulo
Dun sa mga nag chichismisan sa dulo
Na puro kuro-kuro
Ganyan ang mga tao
Sa gitna ng delubyo
Mahilig silang magtalo-talo
HAHAHA ako ang panalo!
Ngunit hindi naman lahat at mayroon ding nagpapagal
At ipanalangin na ako'y hindi na nga magtatagal
Ginagamot ko lang ang daigdig ng kaytagal
Nang nagdurogo sa kamay ng mga hangal
-JGA
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 2:34 AM UTC
Heto at dumating na nga
At ako ma'y din nabibigla
Ako ay napagod na
Sa kaytagal na pag-iisa
Malapit nang gumuho
Ang pader na itinayo
Napagod na sa katatago
Ang malambot na puso
Teka muna saglit
Kailan nga ba lumuha ulit
Nang ngiting nagpupumilit
Kahit sobra nang sakit?
Oo nagsisinungaling ako
Nang sabihing okay lang ako
Hindi kasi pweding sabihin sayo
Dahil nasanay nang itago ito
Napapagod na ako
Sa kalungkutang ito
Napapagod na ako
Sa pag iisa Kong ito.
- JGA
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 11:26 AM UTC
8 Isang hamak na mangingisda
Itong si Agus na makisig at masigla
9 Mga magulang niya’y kaytagal nang payapa
Kaya natutong mamuhay mag-isa
10 Gamit ang mga gawang-kamay nito –
Lambat, sibat, panggaid at isang baroto
11 Sa ‘di pangkaraniwang palad ay kasinggulang niya
Ang natatanging prinsesa ng bayan nila
12 Lingid sa kanyang kaalaman
Si Dara ay lagi siyang pinagmamasdan
13 Halinang-halina sa binatang kaygwapo
Dagdag pa ang katawang matipuno
14 Minsan naring natikman ng dalaga
Ang mga huling lamang-dagat ng binata.
-06/22/2012
*Gintong Lupa Series
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:58 PM UTC
Sakaling ito na ang huli kong tula
Hahayaan na, mga luha'y tumila
Palalayain, namumugtong mata
Hanggang sa muli natin na pagkikita
Tuwing gabi'y nalulunod ang isipan
Mula sa karagatan ng kamalian
Kung mabubuting binhi ang tinamnan
Hindi na ganito, aking kapalaran
Mga lihim kong hindi pa nasasabi
Pansamantala munang isasantabi
Ang panahon na ang kusang maghahabi
Ako'y hindi na titiklop at tutupi
Kaytagal na ang puso'y mananahimik
Sa pag-usbong nalang ng araw papanhik
Bagamat patutunguhan ay matarik
Maghahanda na sa iyong pagbabalik
Sakali mang ito na ang huling tula
Huwag sanang lumungkot ang mata
Ulan ay hihintayin pa ring tumila
Para sa muli natin na pagkikita
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 3:37 AM UTC
Ikaw ang simula at ang wakas
Panahon man ay lumipas
Sa iyong yakap ako’y walang takas
Aking pag-ibig sa iyo ay wagas
Ang ating pagmamahalan sa isa’t isa
Lumiliwanag nang parang mga tala
Hindi ko ninanais na ikaw ay magtaka
Huwag ka nang mag-abala pa
Ikaw ang kinang sa ‘king mga mata
Ikaw at ako’y iisa
Ikaw ang laman ng bawat pahina
Ang pamagat sa aking tula
Ang musika sa aking kanta
Kung ang pag-ibig ko sa iyo, sinta
Ay magiging isang sumpa
Habangbuhay akong manunumba sa dambana
Ayokong lumayo sa’yo
Ikakalungkot ng puso ko
Ika'y aking naging mundo
Sa iyo, mahal ay ako'y natutuliro
Hawakan mo lamang ang aking kamay
Ikaw lamang ang aking pipiliin sa habangbuhay
Ang aking minahal ng tunay
Ang makamit ka ay isang tagumpay
Ikaw ang aking biyaya
Ang dumating nang kusa
Ikaw ay mahalaga
Huwag kang mag-alala
Ikaw ay minamahal kong talaga
Ang aking puso'y sa iyo mas sumasaya
Ikaw ang aking dinalangin sa Poong Maykapal
Ang hinintay ko nang kaytagal
Aug 29, 2023
Aug 29, 2023 at 12:00 AM UTC