Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
ezekshiiii
Matatawag bang kausap? Taong nasa iyong harap Kapag isip ay sa ulap Kahit na ano pang sikap Bagamat sadyang mahirap Kung salita'y hinahanap Bibig man ay bumubuka Pero agad nawawala Sa mga tingin ng mata Na nais lang na makita Sasabihin na'y nakuha Dahil sa kariktang dala Pagka't hindi naman sanay Sa pagbibigay ng kulay Ng aking mumunting buhay Ngunit laging nasisilay Ang ngiting nananalaytay Sa maliliit na bagay
0
Oct 9, 2019
Oct 9, 2019 at 4:55 AM UTC
Tingin ang Magsasabi
Kung ito ang kahulugan Pag-ibig na matagalan Pangako'y panghahawakan Hanggang 'di na makalaban Ang damdaming lumiliyag Siya ang namamayagpag Tila narra na matatag 'Di kailanman matitinag Hawak-hawak pa ang relo Kahit maging isang yelo Hinding-hindi susuko Sa iyo, itong puso ko Mag-iba pa man ang mundo Ako'y hindi magbabago Sayang lamang kung hihinto Itataga ko sa bato Handang sayangin ang oras Sa pag-ibig **** kay wagas Panahon man ay lumipas Ngunit ito'y 'di kukupas
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 3:40 AM UTC
Paghihintay
Sakaling ito na ang huli kong tula Hahayaan na, mga luha'y tumila Palalayain, namumugtong mata Hanggang sa muli natin na pagkikita Tuwing gabi'y nalulunod ang isipan Mula sa karagatan ng kamalian Kung mabubuting binhi ang tinamnan Hindi na ganito, aking kapalaran Mga lihim kong hindi pa nasasabi Pansamantala munang isasantabi Ang panahon na ang kusang maghahabi Ako'y hindi na titiklop at tutupi Kaytagal na ang puso'y mananahimik Sa pag-usbong nalang ng araw papanhik Bagamat patutunguhan ay matarik Maghahanda na sa iyong pagbabalik Sakali mang ito na ang huling tula Huwag sanang lumungkot ang mata Ulan ay hihintayin pa ring tumila Para sa muli natin na pagkikita
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 3:37 AM UTC
Huling Tula (?)