Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ikaw ang simula at ang wakas Panahon man ay lumipas Sa iyong yakap ako’y walang takas Aking pag-ibig sa iyo ay wagas Ang ating pagmamahalan sa isa’t isa Lumiliwanag nang parang mga tala Hindi ko ninanais na ikaw ay magtaka Huwag ka nang mag-abala pa Ikaw ang kinang sa ‘king mga mata Ikaw at ako’y iisa Ikaw ang laman ng bawat pahina Ang pamagat sa aking tula Ang musika sa aking kanta Kung ang pag-ibig ko sa iyo, sinta Ay magiging isang sumpa Habangbuhay akong manunumba sa dambana Ayokong lumayo sa’yo Ikakalungkot ng puso ko Ika'y aking naging mundo Sa iyo, mahal ay ako'y natutuliro Hawakan mo lamang ang aking kamay Ikaw lamang ang aking pipiliin sa habangbuhay Ang aking minahal ng tunay Ang makamit ka ay isang tagumpay Ikaw ang aking biyaya Ang dumating nang kusa Ikaw ay mahalaga Huwag kang mag-alala Ikaw ay minamahal kong talaga Ang aking puso'y sa iyo mas sumasaya Ikaw ang aking dinalangin sa Poong Maykapal Ang hinintay ko nang kaytagal
0
Aug 29, 2023
Aug 29, 2023 at 12:00 AM UTC
6-13-22 (10-10-22)

eindeinnemoon
Written by
25/F/Philippines
Aug 29, 2023
Aug 29, 2023 at 12:00 AM UTC
Request permission to use this poem