Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kanino" poems
salamat, sa pagpiling laruin ang aking mga daliri na tila hindi alintana ang pasmang taglay na kung lumuwag man ang kapit ko, ay mas hihigpit ang hawak mo kung dumulas man ang palad ko, ay hahatakin mo ako pabalik patungo sa piling mo upang hindi tayo maligaw sa ating mga sariling halik. salamat, dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan pati ang tila pagyakap ng mga unan sa iyong bawat pagtahan ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan at pagmamahalan, na kung susuriin ay pilit na lumalaban kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan. salamat, sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga" kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan. ilang beses ko bang pagdududahan ang boses **** tila kandungan hindi ko man hiningi ay hinandog ng kalangitan sa likod ng mga telepono'y nagngingitian ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan dahil puno ito ng kalungkutan. salamat, sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi na bago pa man bigkasin ay batid ang mariing katotohanan na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan. kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo na bitiwan mo ang kamay ko ay nasasakal na ang mga daliri at humihina ang aking pulso. salamat, dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit. ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig pilit man lakasan ang aking tinig ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid. salamat, kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso ay mahigpit ang iyong kapit na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo pati ang isip kong tila gumuguho dahil hindi ka lumalayo. patuloy man ang aking pag-ayos at nagtamo pa ng maraming galos; ay patuloy din ang iyong pagsira dahil pareho tayong lumuluha.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 12:49 PM UTC
salamat.

Continue reading...
56
Noong minahal kita Naging matapang ako Na ipahayag ang aking damdamin, na minsa'y hindi ko nagawa kahit kanino Wala akong ibang hiling Kung di ako'y iyong ibigin rin Naging makata at lahat Wala pa rin Hindi pinilit ang damdamin Kahit seryoso na ang pagtingin Kahit masaktan, ayos lang din Basta't ika'y nasa aking paningin Minsan, naguguluhan Bakit ko hinayaang ganyan Bakit mas gusto kong ganito na lang Bakit mas gusto kong 'wag na lang Ako ay may hinanakit Alam mo naman na kung bakit Ayokong manakit Lalo na kung ikaw Wala na akong nararamdaman Panigurado iyan Wala na ang kilig Itinapon na kung saan Pinutol mo ang kuneksyon Ang tali na tayo lang ang may hawak May magbabago, naisip ko Para sa ikabubuti ko naman, siguro Noong minahal kita Naging matapang ako Na harapin at subukin ang pagsuko ng damdamin Dahil... Walang kwenta ang pag-ibig Kung ang iibig ay iisa lang din.
0
Mar 9, 2015
Mar 9, 2015 at 10:06 PM UTC
Huling Tula Para Sa Iyo
AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Kumakatok sa iyong puso Pinto nito’y iyong buksan At ako’y hayaang makapasok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Tapat at Mapagkakatiwalaan Masasandalan sa ano mang oras Karamay sa bawat pagsubok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Lumalapit sa isang katulad mo Nagsasabing “wag kang matakot” Ako’y laging nakabantay sayo AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Di nanghuhusga, Di Namimili, Di nang-iiwan, Di nakakalimut, Pagkat ika’y mahalaga sa akin AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN handang ibigay ang lahat Pati buhay ko’y ibibigay Makasama ka lamang sa walang hanggan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Higit pa kanino man Halika’t ako’y kilalanin Tiyak di mo pagsisisihan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagmamahal ng tapat, Pagmamahal na mas malalim pa sa Dagat, mas mataas pa sa kalangitan Mas malawak pa sa mundong iyong kinagigisnan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Luhang pumapatak aking pupunasan lahat ng iyong hinanakit aking gagamutin heto ang aking mga bisig at ikay yayakapin, yayakapin ng kay higpit. AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagsasabing, Taha na…   Ako’y narito lamang Hinding Hindi ka iiwanan
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 1:14 AM UTC
Genuine Companion
#073016 Alkansya ko'y panalangin -- Taimtim na pananampalatayang ikaw nga. Hindi mo marahil masaklaw ang estado ng puso O ang lalim ng determinasyon ko sa paghihintay. Saludo ako sa katatagan mo. Kahit na hindi natin nasisilayan ang bawat isa Sa tuntungan ng saya at pighati. Hindi ko mawari ang pag-ibig na laan ng Ama Pagkat kahit hindi magtagpo sa ngayon, Alam kong ang pagku-krus natin noo'y Iba ang pahiwatig sa pusong malayang naghihintay. Walang alaalang masakit, Kahit pa may mga katanungang hindi nasagot. Walang sakit na hindi mabubura Nang pag-ibig Niyang walang kaltas. Kaya't may galak ang paghihintay. Araw-araw, mag-iipon ako ng mga panalangin, Higit pa sa mga salitang laylayan ay tugma; Higit pa sa mga talatang balot ay emosyon. At sa aking pag-iipon, Alam kong kahit tunog-lata ang iila'y, Tutubo ang mga ito para sa'ting kinabukasan. Pagkat alam ko kung kanino ako unang nagtanim -- Hindi sayo, hindi sa akin Bagkus sa Kanyang Siyang may pandilig.
0
Jul 30, 2016
Jul 30, 2016 at 5:06 AM UTC
Alkansyang Pag-ibig
Simulan natin sa katapusan nang taon, Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon, Naalintana ang palagiang paglamon, At uminit ang Pasko nang kahapon. “Napakaganda nang buhok mo”, aking bati, Para sa minimithi kong binibini, Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi, Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati. Humingi nang payo kung kani-kanino, Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko, Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo, ‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo” Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero, Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso, Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto, Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo. Naputol man ang ating koneksyon, Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon, Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon, Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon. Pinaghigpitan man’y iginagalang ko Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo, Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio, Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”. Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan, Ay mayroong napakalaking kahalagahan, Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan, Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan. Kaya nandito ako ngayon, Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon, Nanabik sa pangako nang kahapon, Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon, Ngayong ika-siyam nang Pebrero, Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago, Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod, Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
0
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 9:36 AM UTC
Dieciocho (Eighteen)

36
Kung ikaw ay isang senador, ano ang hakbang mo Paano mo aalamin para malaman ang totoo At kung alam mo na, isisiwalat mo ba ito Kung ang madidiin ay isang kaibigan mo Kung ikaw ay isang mambabatas, ano kaya ang gagawin Kapag nalaman ang totoo, paano ito sasabihin Kung ang kaibigan o pamilya ang siya namang madidiin O patutunayan **** ang batas ay nababaluktot mandin Kung ikaw ay isang mamahayag, paano ka magsasalita Doon ka ba sa totoo o kung saan ka may mahihita Lalo na kung nais mo ring sumikat sa pagbabalita Basta ba may narinig ka'y isisiwalat mo sa madla Kung ikaw ay isang pari o kaya'y pastor ng simbahan Ang puso mo ba ay malapit sa taong naghandog sa 'yong kawan Utang na loob mo ba ang iyong isasaalang-alang Dahil ang kawan na hawak mo ay kaniyang natulungan Paano mo ihahayag kung ikaw ay isang **** Sa mga kabataang sa harap mo'y nakaupo Naghihintay ng liwanag, ng dunong na isusubo Kung ano ba ang nais mo sa kanila'y ituturo Kung ikaw ang presidente, makakaya mo bang lahat Ang sugpuin ang problemang sa nuno pa natin nag-ugat Ibababa mo na lang ba ang ngalan ng Pilipinas Upang laging mayrong tulong sa ibang bansang ngayo'y sikat Kung ikaw na karaniwang mamamayan na tulad ko Nag-iisip, nangangarap ng mabuti sa bayan mo Ang makita sa 'sang sulyap, paniniwalaan ba ito O pag-aaralang mabuti kung totoo ang narinig mo Tayong lahat ay malaya, malaya kang magpahayag Malaya kang maniwala kung kanino ka mahahabag Kung kanino magagalit, kung sino ang nililiyag Ngunit isipin mo sana ang bukas ng ating mga anak.
0
Oct 9, 2016
Oct 9, 2016 at 5:59 PM UTC
Kung Ikaw

32
Ako si Juan Para kanino ba ang pangalang yan? Para sa taong may pinag-aralan? Para sa taong may pinaghirapan? O para rin sa mga taong nahihirapan? Mga tanong yan na umiikot sa mundong kinabibilangan ko. Hindi ko piniling maging ganito pero ito na ata ang isinulat sa tadhana ko. Ang maging di kanais-kais sa paningin At mas lalong di maging kapansin-pansin. Ako Si Juan Pilipino rin ako pero bakit tingin niyo sa akin walang kwentang tao? Pilipino rin ako at hindi ko ninais na maging ganito ang buhay ko. Oo pilipino rin ako pero bakit parang ayaw niyo akong tanggapin bilang tao sa lipunang ito? Dahil ba marumi ang damit ko? Dahil ba nangangamoy araw ako? Dahil ba wala akong napagaralan? O dahil di na ako katangap-tangap? Ako si Juan Pakiusap wag niyo akong husgahan dahil sa ako'y mahirap Di ko pinili ang takbo ng buhay na mayroon ako. Di ko piniling maging pulubing palaboy-laboy At higit sa lahat Di ko piniling mawala ang lahat. Ang pera, ang pagkain, ang tirahan, ang pamilya, ang inumin ang kaibigan. At hindi ko pinili ang maging mahiral. Pasensya ate, kuya, kung lagi ko kayong kinukulit para sa kaunting pansin. Pasensya na ate at kuya kung kinakalabit ko ang mga damit ninyong mamahalin. Pasensya na ate at kuya kung sa bawat pagdaan ninyo'y nababahuan kayo sa akin. Pero maliban sa pera, palimos naman po ng panalangin. Panalangin na sana'y hindi ako sumuko sa ibinigay saking pagsubok Panalangin laban sa lahat ng bagay na nagdala sakin sa pagkalugmok Panalangin na hindi ako paano sa daan kapag ako ay natutulog At panalangin na sa paggising ko'y may lakas pa rin akong bumangon. Pasensya kung gagamitin ko pa ang pangalang Juan na simbolo ng pagiging likas na Pilipinong may pinagaralan Pero sana maisip niyo na di ko kailangan ng mga bagay na sa aki'y magpapayaman Ang kailangan ko ay ang intindihin niyo ang aking kalagayan Kung makikita niyo man akong naglalakad o nakaupo sa lansangan Maaari bang sumigaw kayo o tawagin niyo ako sa pangalang Juan? Dahil minsan rin sa buhay ko ay katulad niyo rin ako Napaglaruan lang ng tadhana at nawala lahat ng meron ako. Pulubi ako, mabaho, konti ang nalalaman, walang panligo, pangkain, perang pambili ng gamot pangotra sa sakit na dala ng paligid. Pero ito ang tandaan ninyo, Huling mensahe ni lumang Juan para sa mga makabagong Juan Ako si Juan Pagnakita ninyo ako wag niyo akong pandirian Subukan niyong kilalanin ako maliban sa aking pangalan Wag niyo akong husgahan na ipambibili ng droga ang naipon kong barya Wag niyo akong husgahan na nagtatrabaho ako sa isang sindikatong galawan. At sana'y ako'y inyong alalahanin at wag niyo sana akong kalimutan Na minsan sa buhay ko na nakapagpakilala ako na "Ako Si Juan ang dating Pilipino na ngayo'y tinatakwil na ng lipunan."
0
Aug 24, 2018
Aug 24, 2018 at 11:10 PM UTC
Ako Si Juan

50
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Kailan ba nagsimulang mamuo ang lamat— ang tipak sa dingding ng panahon Na nabuo mula sa iisang hibla Na lumawak at nagmistula nang mga sanga ng puno ngayon Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Saan ba nagsimula ang sigalot na kahit anong gawin ay hindi ko mahanapan ng kakalásan— Hindi matakasan ilang bukas man ang daanan Gaya ng Ang Probinsyano sa telebisyon na inabot na ng ilang taong Naging saksi na rin sa pag-inog ng mundo kong patuloy man sa pag-ikot ay parang hindi naman makausad sa pag-atras Pabalik sa nakaraan nating ayaw magparaya Ayaw magpalimot, Ayaw magpaawat, Ayaw magpatawad Nasira ko yata ang pinaplano kong 𝘢𝘳𝘳𝘢𝘯𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 sa umpisa, mahal Gaya ng wala naman talaga tayo sa 𝘱𝘭𝘢𝘯𝘰 Ng kahit kanino sa ating dalawa Ngunit, heto na, nangyari na At nagkasakitan na Nang higit pa sa kayang pasanin ng puso At ngayon, gusto ko lang malaman: Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Ano ba ang simula ng gulo nating parang islang lulubog-lilitaw— Paparoon at paparito, hindi makadiretso Gaya ng mga alon na nakikipaglaro sa dalampasigan Masaya naman tayo... 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 Masaya naman tayo minsan Masaya naman tayo minsan At minsan, nakakalimutan ko ring hindi mo na nga pala ako mahal Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Masyado nang matagal Ang paghihintay ko ng sagot sa mga tanong na paulit-ulit ko mang bigkasin Ay hindi naririnig ng utak **** ayaw umintindi At ng puso **** ayaw magsisi At nakakatawang isipin na ako ang naghahabol ng kaliwanagan, Nag-aasam ng kaayusan Kung sa ating dalawa, ikaw naman talaga ang nagkulang Paano ko ba tatapusin ito, mahal? Sana tayo na lang ang tinapos mo matagal na.
0
Mar 26, 2022
Mar 26, 2022 at 7:36 AM UTC
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?

39
Aking inaninag Itong bughaw na kalangitan Hindi nga ba Parang kailan lamang Nang ako’y kanyang tinalikuran? Napako ang pangako Na ako’y pangangalagaan Luha niya’y umabot Di lamang sa’king talampakan Nalasap ko ito Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo Ngayong timplang kape Mula sa mga mata nitong Tila ba kaytayog. Tinangay kami ng malakas na alon Kami’y nagpatangay na lamang Wala akong alam Kundi and makipaglaro Ng tagu-taguan Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan Sakay kami ng pridyeder, Ako at aking ulirang mga kapatid Puno ng pighati’t pangamba Sa uulitin, Ito na lamang ang magagawa ko. Sabi nila, tutulungan nila kami Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa Kanino nga ba kami magtitiwala? Kung mismong kalam nga ng sikmura’y Di na mainda? Wala na akong mailuluha pa Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan Wala na ngang pag-asa Wala man lang naiwan sa amin Sana kasama nalang kami Sa mga buhay na nalantang Parang bula Tulad nila Itay at Inay Di sana’y masaya kami Sa kalangitan. Pumikit ako, Habang mahimbing ang paghikbi Ng aking mga kapatid Sana nga may buhay pa. Sinagip nyo kami, Noong una, nagalit pa ako Ayoko sana Kaso wala na rin kaming magawa Sasama na kami Kasama kami sa pagbangon Oo, ngayon ako na’y magtitiwala At ipapasa-Diyos na ang lahat Siya na ang bahala. (11/17/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:15 PM UTC
Pridyider
Hindi na ako iibig sa isang bagay na mamamatay rin lang Hindi ko na ibibigay ang oras sa mga 'yong mapanlinlang! Tigilin mo na ang paglublob saakin sa mga panaginip ng magpakailanman Hindi totoo ang pag-ibig sa mamamatay rin lang At iiwan ang imortal kong pag-ibig na tiwangwang sa gilid ng daan Wala nang malay na siya ay tinalikuran ng isang bagay namamamatay rin lang At di kayang punan ang puso kong kulang kulang Nais kong umibig sa kalayaan Isang bagay na di ko mahahagkan ni mahahawakan Gusto kitang ibigin, o kalayaang mailap Sa buhay kong kay tagal di hinagap Isisigaw ang ngalan mo sa mga nais umapi sa 'yo At agawin ka man ng kahit kanino Hayaan mo't nandito akong mamamatay para sayo Dahil ikaw ng pinili kong ibigin Sa sibat o bala handa kang sagipin Ialay ang boses na para sayo lamang At walang ibang magkakamkam Ikaw lamang ang hindi mamamatay Na maski pagkaraan ng daan taong namatay Ay muli ring mabubuhay Kung mawala ka man saakin o aking giliw Di kailanman nila'y maitatago di ako bibitiw Ang pagkulong sayo sa mga kadena o sa likod ng rehas Ay kahangalan ng isang batang mapangahas O matatawag ko siya, mahal, na isang ungas Dahil nagsusumigaw ka kailan pa man Hindi ka nila maaagaw o kalayaan Sapat na ang nagdugong puso ko noon kay hustisyang binalatan ng buhay sa aking harapan Ubos ang laman, ginahasa't binayaran Ang nais ko lang naman ay 'wag siyang mamimili ng pagnanasaan Lumapit ako sa kanya ngunit anong maiaalay ng aking karukhaan? Di pa sapat ang aking kamalasan Binaligtad aking katotohanan Maging ang pagkapantay pantay Na siya rin mismo ang pumatay
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:22 AM UTC
Akala, Hayaan

Alam mo bang gising pa ako hanggang ngayon Nagbibilang ng mga taon Kung ilang beses kitang makikita na umaalis at dumarating Kung ilang beses kong isusulat ang mga pangarap nating tutuparin Isa, dalawa, lima o labing-isa Paulit-ulit na muling pagkikita Nasasabik, nalulumbay, maligaya at malungkot Ilang beses sa isang taon na mamaluktot Isa, dalawa, lima, labing-tatlo Nakatanaw sa langit, sa dagat, sa mundo Pabalik-balik ang isip sa mga sandaling naririto Maghihintay paulit-ulit, kahit sampu o labing-walo Aalis, aasa, darating, maliligayahan Ihahanda ang damdamin sa walang kasiguraduhan Ikaw, ako, tayo Ang magdidikta sa mundo Kung saan, paano at sino pero hindi ang kailan Kung bakit, kanino, pero hindi ang dahilan Ikaw, ako, tayo Ang magsasabi sa mundo Na ikaw at ako ang pipili sa isa't-isa Tayo ang hahawak, hindi ang tadhana Sa simula, gitna, dulo at pahabol na kapitulo Ikaw lang at ako ang magsasabi sa mundo Na araw-araw akong maghihintay Sa pagsikat man o paglubog ng araw Na taon-taon akong aasang babalik Ang dahilan kung bakit patuloy na umiibig Hindi isa, hindi dalawa, hindi dalawampu't walo Kundi paulit-ulit hanggang tayo na sa dulo
0
Oct 10, 2015
Oct 10, 2015 at 2:53 PM UTC
Paulit-ulit
051022 At sumapit na nga araw ng paghuhusga Kung saan hindi na pulso ng taumbayan Ang ating sisiyasatin Kundi ang puso ng bawat Pilipinong Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.” Sabi ng iilan, “Mahirap raw mahalin ang Pilipinas” Iniisip ko nga paminsan, Sapat na nga ba ang pagiging makabayan? Sapat ba? Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat Na ayaw sana nating dungisan Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto Sa paningin nating madayang pagpili Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan. Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal, Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin. At marahil ay sasabihin ko na lamang Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa Na may demokratikong pamamalakad. Ngunit sa kabilang banda’y Binabaling ko na lamang ang paghuhusga Sa tunay ngang nasa tronong Hindi na kailangang luklukin pa. At naniniwala pa rin akong Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya Sa sarili nating mga palad Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t Babalik din lamang sa alikabok. Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban? Sino nga ba ang tunay nating kalaban? At para kanino nga ba tayo naninindigan? Baka sa kasisigaw nati’y Hindi lamang boses ang mawala sa atin, Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras Na sana’y ibinabaling natin Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang Buhay ang ating Panginoong Hesus At ang magandang balita’y Nakadikit sa kanyang Ngalan. Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila. Minsan nga'y nananatili na tayong hangal Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla. Ngunit hanggang kailan ba matatapos Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan? At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na? Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin, Sana mahanap natin ang ating mga sariling Nananatiling may pananampalataya Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan. Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal At sana mahanap natin ang halaga natin Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan. At dito na rin ako pansamantalang magtatapos — Pilipinas, gumising nang may pag-asa Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos! Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa At patuloy kitang ipaglalaban Hindi gamit ang mga armas Na syang panukso't patibong ng mundo, Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino — Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan! Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
0
May 11, 2022
May 11, 2022 at 12:27 AM UTC
Pilipinas, Mahal Pa Rin Kita

68
Panibagong tula nanaman Panibagong eksena sa aking buhay ay iyong masasaksihan Handa ka na bang mabasa kung paano ako nasaktan? Ng mga salitang binitawan ng taong aking pinapahalagan Nagsimula ito nung panahon na ako ay iyong pinangakuan Ndi ko inaasahan na magkakaroon ito ng epekto sa aking katauhan Katauhan na aking binuo at iniingatan Ngunit masisira ulit ng dahil sa mga pangakong nag wakas ng dahil sa mga pangyayaring di inaasahan Akala ko iba ka sa mga taong sa akin ay ng iwan Ang hindi ko alam isa ka rin plang martilyo na lahat ng pangako ay napapako lamang Pinaramdam mo saakin ang saya na tumatak sa aking isipan Ngunit nag iwan din ng sakit na hinding hindi ko malilimutan Nakabangon ako dahil naging matatag ako kinaya kong labanan ang sakit na iniwan mo Kahit na binalik mo ang isang bagay na matagal ko ng gustong itago Sinira mo nanaman ang pagtitiwala ko sa mga taong nasa paligid ko Pero salamat pa rin sayo Kahit na ganito ang nangyari sa buhay ko May aral kang iniwan sa kokote ko At yun ay wag magtiwala kung kani kanino Ndi sapat ang tagal ng pagkakakilala Para mapatunayan na ndi ka iiwan bigla Dahil pag may nahanap ng iba Na nagpapasaya  sakanya ng sobra Makakalimutan nia ang taong nasa tabi nia sa tuwing siya ay may problema Maaring ndi naging sapat ang effort na pinakita mo Para sakanya na ndi marunong makuntento At naghahangad pa ng mas matinding lambing at pag suyo Kaya wag **** sisihin ang sarili mo,wala kang kasalanan sa mga ito Laging tatandaan at wag na wag kakalimutan Ang taong marunong makuntento sa kanyang naiibigan Ay nagmamahal ng purong katotohanan Hindi ko sinasabing ikaw ay aking nagustuhan Wag umasa at baka masaktan Pero ako ay aminado na muntikan Muntikan na akong mahulog sa isang taong torpe at gago At easy to get ang gusto Ayaw mo ng make up at kung ano anong pampaganda Pero ung jowa mo muka ng pabrika ng harina Sa sobrang puti ng kanyang pagmumukha Nakakatawang isipin na ndi mo napanindigan ang binitawan **** salita Maraming pagbabago Ung taong nakasanayan ko Ngayon wala na sa piling ko May iba ng babaeng gusto Pero masaya ako sa buhay ko Dahil may mga taong nandyan para damayan ako Intindihin ung ugaling minsan walang sinasanto At ung pag iisip na ndi maiintindihan ng kung sino sino Naguguluhan ako ngayon Pero ndi ako pinapabayaan ng bakasyon Binibigyan niya ako ng mga bagay na maaring pagbalingan ng aking atensyon At andyan ang tropa handang makinig sa aking drama at orasyon May isang mahalagang taong sakin nag sabi Mahalagang matutunan ang pagmamahal sa sarili Upang maging puro at totoo ang pagmamahal mo sa iba At maging buong pagmamahal ang maibibigay mo saiyong sinisinta Sa bawat tao na sa atin ay nang iiwan Wag mawalan ng pag asa dahil sila ay lumisan Maaring sila ay nag iwan ng isang aral na dapat tandaan At sa hinaharap ay magamit sa mga mararanasan
0
May 7, 2020
May 7, 2020 at 6:33 AM UTC
Aral na natutunan mula sa mga nang iwan

60
Para tayong nasa isang jeep, May iba't ibang pupuntahan. Mayroon doon sa malapit, sa kabilang kanto o sa dulo ng bayan. Hindi magkakakilala pero iisa lang ang layunin. Ang makarating sa pinaroroonan. Para tayong nasa isang jeep, May nagmamadali, may chill lang. Naghihintayan at nagmamasid... Kung sino ang unang magbabayad ng pamasahe. Kung kanino i-aabot ang pamasahe. Para tayong nasa isang jeep, Ayaw umupo sa pwesto malapit sa driver dahil may instant trabaho na agad Taga-abot. Taga-bigay. Kailangan sumigaw para marinig. Kumapit ng mabuti para hindi mahulog. Para tayong nasa isang jeep na walang ibang ginawa kundi ang makipagtitigan. Habang ang ating mga mata ay nag-uusap at nag-kikislapan. Para tayong nasa isang jeep na handa makipagsiksikan para lang makauwi. Habang ako, sayo ay wala ng espasyo . Kasya pa ako pero mas pinili **** pasabitin na lang ako. Na traffic lang tayo saglit bigla ka na lang pumara at sabay baba sa buhay ko. Na parang nakalimutan mo ilagay sa bag ang baon mo O kaya naman di ka sigurado sa direksyong patungo Hindi ko na nakita ang mukha mo dahil sa kapal ng usok na buga ng tambutso At hindi ko man lang naibalik sayo ang sukli mo, Nahawakan ang mga kamay mo at napigilang maglaho.
0
Aug 30, 2016
Aug 30, 2016 at 4:25 AM UTC
Unfare
082021 Mas malalim pa ang gabi Kaysa sa aking mga matang alikabok ang tinta. Ang mga kulisap at kuliglig Ay nagtatagisan ng mga boses At sabay-sabay na nakikipagtalastasan Kung kanino ba papanig Ang buwang hugis pamato sa larong kalye. Sinasabi nilang ang aming lugar ay dating liblib Noong panahon pa ng mga Hapones. Kaya’t nagbakasali akong Kaya ko silang paniwalaan Pagkat ni minsa’y hindi naman ako Nakapagpantig ng mga salitang Nakakahon sa iisang pangungusap. Natatandaan ko pa ngang Sa tuwing tumatanghod ako Sa aming bintana sa umaga’y Sabay ding magsisiingay ang nagtitinda ng taho At nambabato ng dyaryo Patungo sa aming pintuan. Si Inay ay gagayak para sa bagong balita, Habang ako’y gagayahin ang sigaw ni Manong At titikim ng paborito kong agahan at panghimagas. Habang sya’y papalapit Ay kusang malalagas Ang mga pakpak ng kanyang tsinelas At kanyang ilalapag ang papel na inilimbag daw Sa pabrika ng kanyang kaklase noon Na anak-mayaman. Sa isip ko’y nais ko sanang masiyasat rin Ang mga letrang nakatambad sa aking harapan At bigyang buhay ang mga papel At baka sakaling, Maging bihasa rin ako gaya ng iba. Kung sabagay, ang lahat naman ng aking mithiin Ay kusang maglalaho Kasabay ng aking mga panagip. Ang lahat naman ng nasisinagan ng apoy Ay maya-maya ring magpapalamon At magpapaubaya Sa kadilimang bunsod ng panahong May paulit-ulit na panimula’t katapusan. Sabagay, ang lahat nama’y Magmimistulang pandagdag lasa na lamang Sa nanlilomos na alab at nagmimitsang pagpapaalam. Naubos na ang bawat pahina Ngunit di ko man lamang nagawang simulan Ang pangangalap kung nasaan na ba si Itay. Saan nga ba ang aming magiging tagpuan? Saan at kailan nga ba ang hangin Ang mismong sasabay sa aking paghikbi nang walang katapusan?
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 7:23 AM UTC
Pamaypay

52
Pang Akademiko o Hindi, ang asignaturang Filipino Para ito sa kahit kanino Mapagawa ka man ng bionote, O kahit anino pa to Pero sa gamit ng kaalaman at husay, At sa tamang paggamit neto, Ito'y magiging hubog sa bansa natin Ang wikang Filipino, ang wikang dapat angkinin. Mapa-likhang awit man ito, Ito'y may sining, gamit sa likhang-pagiisip Ako'y estudyante na Filipino, Para sa ipagmalaki ang hubog neto Gamit ang tamang etika, Sa pagsulat para umabot sa tala, Ito'y magiging tamang paraan, Sa pag-unlad ng nakalaan
0
Aug 8, 2020
Aug 8, 2020 at 1:09 PM UTC
Assignment #1
Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilala ka na niya. Hindi pa man nakikita ng mga magulang mo ang mukha mo, alam niya na. Hindi pa nila alam ang ipapangalan sayo, kung babae ka o lalaki, pero siya, kabisado na niya. Kabisado niya, ang hulma sa mga mukha mo lalo na kapag tumatawa ka. Ngunit ang pinaka ayaw niya, ay ang hulma sa iyong mukha kapag umiiyak ka. Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilala ka na niya. Napagtagpi-tagpi na niya ang storya mo. Alam niya, kung ilang beses kang maliligaw sa landas mo. Pero babalik ka, babalik ka sa kung kanino ka talaga nakalaan at yun ay sakanya. Hindi man magiging madali ang lahat ng ito para saiyo, pero nandiyan lamang siya, sasamahan ka. Hinding hindi ka niya iiwan, kahit minsang inisip **** tumalikod sakanya. Nandiyan lang siya. Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilala ka na niya. Alam niya kung kailan bibilis ang tibok ng puso mo. Pag kinakabahan ka, pag sobrang saya mo, o kaya pag nagagalit kana. Alam niya kung kailan parang hihina ang tibok nito. Dahil sa mensaheng natanggap mo na nagdulot ng lungkot at takot para sayo. Alam niya ang lahat ng ito. Alam niya rin kung kailan titigil ang tibok ng puso mo. Pag tapos na ang lahat, kapag natapos na ninyo ng sabay ang storya ng buhay mo. Titigil na ito. Pabagal ... ng pabagal ... hanggang sa mawala ito. At sa pagkakataon na iyon, babalik ka sa piling niya. Kung saan unang beses niyang inilahad ang katauhan mo. Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilala ka na niya. Kaya magtiwala ka sakaniya. Dahil hindi ka niya hahayang mawala sa paningin niya. Sa oras na piliin **** makilala siya. Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilalang kilala ka na niya. Isa siya sa mga nakatitig saiyo. Kasama ang mga ngiti sakaniyang mga labi, kasama ang pusong tuwang tuwa, dahil sa kaniyang nakita. Una palang, kilala ka na niya. Ramdam na niya na darating ka. Kaya ikaw, nandito ka, dahil dumating na ang panahon na kikilalanin mo siya. At Siya si Hesus, na namatay sa krus, para sayo, at para rin saakin. Kilala ka niya
0
May 17, 2020
May 17, 2020 at 8:30 AM UTC
Kilala ka niya

8
Ang pag-ibig ay ang pagbabahagi ng buhay, upang bumuo ng mga espesyal na plano para sa dalawa lamang, upang gumana nang magkatabi, at pagkatapos ay ngumiti ng pagmamalaki, bilang isa-isa, ang lahat ay nangangarap. Ang pag-ibig ay tulungan at hikayatin sa mga ngiti at taimtim na mga salita ng papuri, maglaan ng oras upang ibahagi, pakinggan at pag-aalaga sa malambot, magiliw na paraan. Ang pag-ibig ay ang pagkakaroon ng isang espesyal, isa kung kanino mo laging maaasahan na makasama doon sa mga taon, pagbabahagi ng pagtawa at luha, bilang kapareha, magkasintahan, kaibigan. Ang pag-ibig ay gumawa ng mga espesyal na alaala ng mga sandali na gusto **** alalahanin, ng lahat ng mabubuting bagay ang pagbabahagi ng buhay ay nagdadala. Ang pag-ibig ang pinakamalaki sa lahat. Nalaman ko ang buong kahulugan ng pagbabahagi at pag-aalaga at ang pagkakaroon ng aking mga pangarap lahat ay natutupad; Nalaman ko ang buong kahulugan ng pag-ibig sa pamamagitan at pagiging mapagmahal sa iyo.
0
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 8:04 PM UTC
Ang Kahulugan Ng Pag-ibig
Naghihintay ang tasa malinis, walang laman sa tagpuang mesa kahapo’y may kabatuhan ng "¿Hola? at ¡Puñeta!" at kanina’y may kapalitan ng "Hello Sir! Wanna? Wanna?" nasingitan pa saglit ng malupit, galit sa langit na si "Arigatou Nakamura" At nakipag-rigodon ang mga payaso’t pirata at mga magnanakaw – mas ganid pa sa apatnapu ni Alibaba Nasaan ba si Ina? Wala na po dito, nandun na s’ya’t kahalikan si "Xie xie, Duō shǎo? Ni hao ma?" Pagkatapos kumulo ng tubig sa kaldero ng lipunan inilagay ko ang isang kutsarang balawbaw ng galapong nanggaling sa inipong butil ng kagitingan mula sa paanan ng Malarayat na kabundukan - kaagad-agad ay bumulwak, nagngangalit na umawas Kumakalat ang halimuyak ng kapeng bagong luto Naiinip na ang tasa sa tagpuang mesa ng bayang talisuyo Kailan kaya may uupo, yaong hindi bugaw na pinuno na pagpuputahin ka kung kani-kanino, kundi bayaning lingkod na hindi ka ipagkakanulo? Kapatid, kahit isang lagok lang, Malayo ang lakbayin, dapat nang simulan Ang mahalaga’y kumikilos, humahakbang Sulong tayo mga Kabayan . . .
0
Mar 15, 2018
Mar 15, 2018 at 7:18 PM UTC
Kapeng Barako VI (Ang Kawawa Nating Ina)
Tapos na ang araw Dumilim na ang kalangitan Dumating na ang buwan Nagliparan na ang mga bituin Kasabay ng pagdating ng pagod Sa napakahabang araw Nagmamadali sa paglakad Pagaspas ang takbo ng mga paa Di matigil sa paghabol ng hininga Para lang makauna sa pila at makauwi na Mapupungay na mga mata Walang pakialam kahit kanino Binabangga kung sinu-sino Nilalampasan ang mga tao Na parang nag-aalay lakad Hindi man lang humingi ng tawad Kahit nabangga sa bilis ng hindi pag-iwas Walang Pake kahit makasakit Basta ang sarili ay makasiksik Sa Tren, Sa Bus, Sa jeep, Sa trike, Unahang makauwi Okay lang kahit nakatayo Pero mas maswerte kung minsan nakaupo At kapag may babaeng nakatayo Pasensya na pagod ako Pasensya na ganito ako Nakakainis Nakakabwisit Kanina pako nagsasalita Hindi parin ako nakakauwi Nandito parin ako Ambagal ng takbo Ang bilis ng oras Naipit sa daloy ng trapiko Parang hindi nausad at walang progreso Parang walang katapusang byahe na kalyeng naging preso Tulog na ang iba, nagpapahinga Pero ako nandito pa Sa gitna ng kalsada parang pagong ang pasada Nang mga sasakyang parang gamu-gamo Sisiksik pag nakakita ng puwang at espasyo Tiis nalang at makakauwi din tayo Matatapos din ang takbo nito Hihinto sa destinasyon ng ating tahanan Makakarating din sa ating pupuntahan Hindi kailangang magmadali Dahil ito ay walang katapusang Byahe ng ating buhay At bukas sabay nating itong sakyan Wag po tayong magtulakan Lahat po tayo makakauwi sa ating pinanggalingan Hindi natin kailangan madaliin Ang byahe na walang katapusan
0
Jul 8, 2018
Jul 8, 2018 at 12:01 AM UTC
Byahe

59
031224 Ako’y nilaban Mo — Buhay ang alay Mo Walang kapantay, Ganyan ang pag-ibig Mo. Saan ko man hanapin, Saan ko man hagilapin, Dalışay ang Iyong pagsinta Tanging Ikaw ang hanap ng aking mga mata. Puso ko’y Iyong nabihag Nabihag ng Iyong Kadakilaan Pagsamba ko’y abot langit Ikaw at Ikaw pa rin ang sambit. Ano pa nga bang hahanapin? Ako’y Iyong-iyo, Sa’yo ang pag-ibig ko. Kanino pa nga ba tatakbo? Oras ay ‘di na hihinto, Sa’yo pa rin ang kapit ko.
0
Mar 13, 2024
Mar 13, 2024 at 5:48 AM UTC
Krus
Sa simpleng sulyap nagsimula ang lahat sa pagdaan ko'y ako'y hinanap numero ko'y iyong pinagtanong tanong nakuha mo ito at ako ngayo'y puro tanong kung paano at kanino mo ito nakuha ngunit ikaw'y puro kaila sa umpisa pa lang ay may hinala na sa kaibigan natin mo ito nakuha pero heto ka at puro tanggi hanggang sa huli ito rin ay nasabi sa pangungulit ko'y ikaw'y napaamin na sa akin daw ikaw'y may pagtingin noong una'y di makapaniwala para sa akin lahat ay bigla-bigla mga mensahe mo ang bumubungad sa umaga di ko namamalayan, ako'y napapangiti mo tuwi-tuwina maya't maya'y nangungulit pagkikita natin ay iyong ipinipilit sa iyo ako'y nakipagkilala at nakipagkamayan pakiramdam ko ikaw'y tila kinakabahan sa pagkikita natin ikaw'y biglang nahuhulog tuwang tuwa at pintig ng puso'y kumakabog bigla-bigla ikaw'y nagpaparamdam sagot ko'y gusto **** malaman katanungan mo'y pinagisipan pakiramdam ko'y ang gaan-gaan ikaw'y sinagot at nagkatuluyan ang araw na ito'y di malimutan nakipagkita ka upang sa sagot ko'y makasigurado dahil sa ang akala mo ako ay nagbibiro pagdampi ng iyong mga labi sa aking kamay ang sa pagmamahalan nati'y naging patunay walang araw ang di mo ako napapasaya sa aki'y ikaw ang nagbibigay sigla halos araw-araw gusto natin makita ang isa't isa pero hindi maari, pagkat mainit tayo sa mata ng madla walang kasingsarap mga nakaw **** sulyap hindi man natin maikukubli o kay saya ng mga nakaw na sandali mahirap man ito sa atin pero lahat ay gagawin at kakayanin pag-iibigan nati'y di sasayangin
0
Nov 13, 2019
Nov 13, 2019 at 12:00 AM UTC
Sa simpleng sulyap

42
" ang punong tagapagluto " KUNG ANG ISA SA MGA NAKA-ENTRADANG PUTAHE AY HINDE NAMAN TALAGA SADYANG NA-SABUTAHE NA KANINO NGA BA ANG EPEKTO NG PANGYAYARI SA MGA NAKA-TIKIM BA NITO O SA NAGMA-MAY ARI DAHIL KUNG ANG BAWAT SANDOK AY MAY NAGBABANTANG HADLOK ANO PA BANG SIGLA MERON ANG PAGSALOK GAYONG' NAKA-HAIN AY IBA SA IPINAPAHIMOK ILANG SANDALI PA MULA SA MGA ORAS NGANG ITO YAONG APEKTADO AY DAPAT LANG NA MAPANUTO MATAPOS MAGAWARAN NG HATOL BASE SA KARAMIHAN NG MGA GUMUSTO INOSENTE LANG ANG MAGTATAKA SA HAPAG-KAINAN KUNG ITO AY WASTO
0
Dec 24, 2015
Dec 24, 2015 at 10:59 PM UTC
The Night before
Hindi ko na kilala ang mga sugat na ‘to. Kung saan ba 'to nanggaling o paano ba 'to nangyari Nandito na tayo sa parte ng magulong mundo na hindi na alam ng mandirigma kung nasa hilaga ba o nasa timog ang binabaybay. Kung sino ba ang tunay na kakampi sa hindi Saan ba gagapang palayo? Saan itatago ang natitirang pagkatao? Hindi ko na marinig ang bawat katinig at patinig ng bawat salita dahil sa ingay. Kanino ba nanggagaling ang hinaing Saan nagsimula ang pasaring? Paano nga ba tayo nakarating dito? Alam mo, dahil sa’yo. Gusto kong ipako lahat ang sisi sayo. Ikaw ‘to. Kasalanan mo. Sinabi ko naman sayo. Ganyan ka. Mali ka. ‘Di mo maintindihan. Ikaw; Ikaw lang ang mali. Alam ko ang bawat kanto nitong pinasok nating pangako. Kabisado ko ang bawat pintong nakasarado Mga pinakatatagong sikreto Hindi tulad mo. Hanggang ngayon naliligaw pa din Kaya tama ako. Mali ka, tama ako. Tama ako? Tama na. Pero ito ‘yung parte ng laban na hindi na tayo pwedeng sumuko. Hindi pwedeng tumakbo palayo at takasan ang katotohanang nilakbay natin 'to ng magkasama, narating natin ‘to sa sarili nating mga paa. Dahil magkabuhol na ang mga sintas ng pagkatao natin at imposibleng ipangalan lang sa isa ang kasalanan. Hindi na natin kailangang magpanggap pa dahil tanggap na Nadapa tayo. Hindi lang ikaw. Hindi lang ako. Tayo. Nagkamali tayo. ‘Yun lang ang tamang hinaing para maitama natin ‘to.
0
Jan 16, 2020
Jan 16, 2020 at 1:04 AM UTC
Walang Pamagat