Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Jan 2019
Binagtas ang rumaragasang ilog
Tubig sa leeg ay lampas
Sa lusak pa rin sumayad ang talampakan
kahit nagsitaasan na parang alon
-makupad nang umahon

Naaninag sa tumok ng kugon ang kweba
Doon nagpasyang humimpil
Di muna bumalik ng tahanan
dahil ang sidhi ay di masupil,
ang sakit ay di matigil

Sa kapanlawan ay tumambad sa isip
ang pamana ng itay na parati sa lukbutan- isang papel
Nakasulat ang iba't ibang matalinhagang pangkukulam
di maka-Diyos, maaaring di maka-totohanan

Paano kung sisimulan sa katapusan
Masaliwa ang lahat na nagdaan
Kung makukuha ang pintuho ng paraluman
na siyang puno't dulo ng napapariwarang pag-iibigan
ay doon lamang magkaroon ng tiwasay

Bago ang kulam
Gustong isiwalat ang talambuhay
para lalo watasan
Sa bawat pahina'y mapa timbang-timbang
kung sino ang ihuhukom sa hangganan
John AD Apr 2020
Ano ba tong nagaganap ?
Isa ka ba sa nagkakalat
Kamalayan mo ay pahintulutan
Isiwalat ang nagaganap

Takpan ang iyong tenga
Nakakasulasok na tunog
Sobrang pagkabulag mo
Nakakatapak na ng bubog

Subyang sa iyong bagwis
Hindi pa ba naaalis?
Tumatagaktak na iyong pawis
Daan-daang buhay na ang nagbuwis

Ginapas,Bunga ng kasakiman
Ganti ng kalikasan hindi mapigilan
Nakadungaw sa bintana
Humahalakhak ang mga sinaktan
Lason ang isip sa taong sakin at makamundo
Angel Oct 2019
Paano ko ba ilalathala ang aking nadarama
Kung sa umpisa palang alam kong hindi na tama

Ipagpapatuloy pa ba ang pagsintang nais isiwalat
Gayong akin ng nababatid na ito'y walang kahihinatnan

Tama pa bang mahalin ka
Habang ikaw naman ay may minamahal ng iba

— The End —