Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
George Andres Mar 2018
Isang-libo, siyam na raan, siyamnapu't-siyam
Nang una nilang marinig ang pagtangis

Dalawang libo't labing-walo
Napakarami kong gustong bigkasin
Pero nauutal ako't lumalabas pagiging utak alipin
Para sa'yo sana, gusto ko pa ring sabihin,
Na, patawad Felipe, kung kay hirap **** mahalin

Wala ako nang tumangis ka kay Macoy
Huli kong nalaman ang tungkol kay Luisita
Masyado pa ba 'kong musmos upang ibigin ka?

Lubha lamang daw akong bata
Nagpupuyos ang damdamin
Walang pang kaalaman magdesisyon ng tama
Mapusok at madaling matangay
Manatili na lamang daw ako sa klase,
at kinabukasan ko'y sa mataas na marka ibase

Kaya't pinilit kong hindi pakinggan ang pagdaing mo
Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?

Batid ko man ang kasaysayan mo sa mga prayle, kano't hapon, labis ko pa ngang inidolo si Luna't Bonifacio noon

Hindi ba't namatay rin sila sa kasibulan nang dahil sa'yo?
Natatakot ako, na balang araw iyon rin ang sapitin ko sa piling mo
Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Hindi ka pa pwedeng umiyak
Hangga't hindi pa tapos ang lahat
Ano bang alam mo upang magalit, maghimagsik?

Ngunit hindi ko kayang lumingon pabalik
Hindi ko kayang matulog muli nang wala ang 'yong halik
Hindi ko kayang mahimbing nang wala ang mga gunita

Dekada Sitenta.
Bungkos ng namumuong nana
Nilalapnos ng kumukulong tubig
Dumaranak ang dugo sa sarili **** balat
Tumatalilis at tinatanggalan ng bayag

Paiikutin ang roleta't ipuputok sa sintido
Ihihiga ang katawan sa bloke ng yelo
Papasuin ng upos ng sigarilyo
Ibabalanse ang katawan hangga't may lakas pa ang kabayo
Hindi ito mga metaporang naririnig ko lang sa mga kwento

Hindi na ako magtataka kung may diyos pa ba
A kung kahit isang beses nilingon ka man lang niya



Kung ang nakikita ng mata ay dumudurog ng puso
At ang mga salita ay pumapainlalang

Silang 'di nakaririnig ay dapat kalampagin
Hampasin ang higanteng pintuan at sipain
Ang pader na marmol na walang bintana
Galit na sumusunog ng patay na tala
Hindi kumakalma, pilit nagbabaga, nagtatangka

Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?
Maaari ko bang palitan ng paglilingkod ang iyong biyaya?
Mas madali naman siguro magsalita
Kung 'di mo batid ang paghangos ng maralita


Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Nang masulyapan ka nang unang mabuksan ang aking paningin
Gusto ka lang naman palaging kita ng mata
Wala pa man natatakot na akong makitang umiiyak ka
Mas mapalad ba ang mga bulag o tulad kong piring ang mata?
Hinayaan mo akong maging alipin
Itinatatwa ko ang araw na namulat ako
Ang hirap naman kasing maka-usad mula sa'yo
Matapos mabura ang mga kasinungalingang sa'yo'y ibinabato
Kumbaga, ikaw 'yung maraming sakit na pinagdaanan, dadagdag pa ba 'ko?
Patawad
Oh, Felipe, kay hirap **** mahalin

Habang binabasa ko ang kasaysayan ****
Nagaganap pa rin hangang sa ngayon
Parang itinutulak ang aking sikmura
At ang balat ko'y nagsisiklabo
Hindi tumitigil ang mga luha

Ilang taon matapos maghalal ng bagong pangulo
Pinaulanan ng bala ang mga humihingi ng reporma


Dalawang-libo't apat
Matapos ang tatlong dekada
Mga batas na pabor lang sa mayama't may kaya

Gusto lang naman namin mabuhay
Nang hindi inaagaw ang aming kabuhayan
Nagtatanim ng bala't hindi binhi
Umaani ng bangkay hindi punla

Lupa mo'y hinulma ng dugo
Parang imbes na pataba ay pulbura ang inaabono
Para bang ang buhay ko sa'yo'y Walang katapusang pakikibaka
Para bang ang inaani ko'y dusa sa Buong buhay na pagsasaka


Dalawanlibo't-siyam
Matapos ang apat na taon

Kinikitil nila isa-isa ang mamamahayag
Nilibing ng traktora't patong-patong ang buto't balat
Pinagkanulo mo at hayagang pumayag
Mga berdugong hinayaan mo lang lumayag

Dalawang libo't labing-lima
Nangingisay sa walang habas na pangraratrat
Hanggang huling hininga'y maubos, mawala sa ulirat
Apatnapu't-apat **** mandirigma
Lumusong sa mapanganib na kagubatan na walang dalang sandata o pananggalang man lang
Malupit ka, hanggang saan ipagtatanggol ang laya mo?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng luha?
Nagsasakripisyo para sa hindi siguradong pagkakakilanlan bilang Pilipino


Ikalawang Milenya.
Ngayon naririnig ko na ang pagpapatahimik laban sa karapatan **** magpahayag
Nagsasakripisyo ng dugo ng mga tupa
Para sa huwad na pag-unlad
Pinapatay ng bala ang uhay
Habang matapos tapakan ang upos ng sigarilyo,
Pagtatalunan ang dilaw at pula
Kung sino ba ang mas dakila
Aastang **** na tagapagligtas
Na siyang hawak ang lahat ng lunas
Napakarami nang diyos sa kasaysayan
Pawang dinikta, ibinigkis ang kalayaan

Ninais kong mahiga na lamang at hintayin ang bukang liwayway
Na pinangarap din noon ng mga ilustrado't rebolusyunaryong mararangal
Wala nang lunas ang sumpa ng edukasyon
Magpalaya ng isipang noo'y nakakahon

Wala sa akin noon ang lakas ng bagyo
Hanggang sa nabatid kong malulunod na rin ako
Wala akong nagawa kundi tumangis

Felipe, lumuluha ka rin ba? nasasaktan ka pa ba o manhid ka na?

Gayunpaman, tahan na, Felipe, tahan na.
112718

PoemsForE
011717

(Para sa lahat ng mga tumatakbo, mga napilayan at napaltusan. Para sa mga gusto nang huminto pero may humihila sayo pabalik na hindi mabuo-buo ang loob **** lumisan kasi pagod ka na rin sa katatakbo. Oo, ayos lang maging totoo't amining pagod ka na. Natakot kang humarap sa mundo pagkat napuno ka ng sari't saring mga isyu sa buhay mo, kaya akala mo walang saysay ang bawat salaysay. Akala mo, wala nang nais makinig sa bawat kwento **** tila paulit-ulit na lang. Akala mo, tuldok na at wala nang kasunod pa. Wala kang matakbuhan at lagi ka na lang tumatakas. Oo, nasanay ka na at akala mo ayos lang at tama yun. Nagtatago ka sa dilim at ayaw **** lumantad, natakot kang makita yung totoong ikaw kasi ayaw **** mahusgahan o makaani ng masasakit na salita. Natakot kang magtiwala ulit pero pag lumantad ka, doon ka lang pala makalalaya. Saksi ang lahat ng nilikha sayong pag-amin na hindi mo kayang mag-isa, na ayaw mo nang mamuhay nang may paglihim. Na gusto mo nang magbago at patuloy na lumaban -- lumaban nang patas at ayaw mo nang talikuran ang nakaraan. Na gusto mo nang harapin ang mga hindi matapus-tapos na mga isyu sa buhay mo -- mga isyung tila mga sundalong kalansay buhat sa nakaraang kailangan mo nang sugpuin. Oo, kaya mo. Oo, kaya Niya sa buhay mo. Buhay ka pa, humihinga ka pa. Kaya mo yan!)

Ayokong palipasin ang sandali nang pagpikit -- habang nakasandal ka sa kalangitan. Habang iniisip **** hindi mo Ako kayang abutin. Iniisip mo sigurong kinaligtaan Kita, na hindi na Kita tinitingnan pagkat mas pinili **** magtago sa dilim. Akala mo siguro'y hindi ko alam kung nasaan ka -- kung saan at paano mo isinantabi ang sarili mo kaya't hindi Ko maibuhos ang pagpapala Ko sayo. Oo, kasi umiiwas ka, umiilag ka at nilalayuan mo Ako.

Hindi Ako nakikipaglaro ng Tagu-taguan sayo kung saan ay ihahatak mo ang iyong sarili palayo sa Akin at itatatak sa puso't isipang hindi ka na pupuwedeng lumantad hangga't wala pa ang liwanag. Naghihintay lang Ako, naghihintay Ako kung saan mo Ako pinasandal at sa bawat melodiya't pag-indak ng mga ulap na wari mo'y nagtatago rin Ako, noon pa ma'y inilantad Ko na ang Aking sarili sayo. Hinihintay Kitang magpasakop sa Ilaw Ko, nang magkusa kang magpataya sa Akin gamit ang Aking mga yakap.

Pagkat hindi mo na kailangan pang magtago -- hindi mo na kailangang maghintay nang napakatagal para lamang masabi **** nahilom ka na. Ang paglantad mo ay siyang pagsuko mo at bagamat ito'y pagsuko, makinig ka: naging matapang ka na. Hindi mo na kailangang yumukong tangan-tangan ang hiya pagkat sa iyong pagpapakumbaba'y itataas Kita gamit ang aking Ngalan at titingala ka na. Matititigan Mo na rin Ako, makikilala mo na rin Ako.

Iba't iba man ang anyo Ko'y Ako pa rin ito. May ipinapaabot lamang Ako sayo nang mas maging malapit tayo sa isa't isa. Igagawad Ko sayo ang aking lakas kasabay nang pagbitaw Ko ng mga Salita. At kahit gabi na'y mag-iilaw at mag-aapoy ka pa rin pagkat ikaw na ang magiging taya. Ikaw na ang maghahanap sa mga nawawala't magbubukas ng pintuan para sa mga nagtatago't nagpabaon na sa dilim.

Wag **** tulugan ang dilim pagkat parating na ang Umaga kung kailan at kung saa'y mas magiging lantad na ang lahat. Babangon Ako hindi bilang Buwan na may pakislap na liwanag ngunit bilang Haring Araw at susugpuin ang dilim. Wala nang makapagtatago pa pagkat magiging hayag na ang lahat.

Kaya Anak, wag kang matakot at ngayon pa lang ay ihayag mo ang iyong sarili sa Aking liwanag -- sa Aking liwanag na papandong sayo at uutos sa dilim nang tuluyan mo nang masilayan ang iyong sarili -- ang iyong sariling may pagpupunyagi. Maghanda ka, malapit na ang pagdating Ko. Maghanda ka, magkakasama na rin Tayo.
Eugene Oct 2018
"Anak, ilang oras na lang, aakyat ka na sa entablado. Proud na proud ako sa iyo, anak" wika ng kaniyang ina habang inaayos ang suot niyang toga. Isang matamis na ngiti naman pinakawalan ng binata at niyakap nang mahigpit ang ina.

Ito na ang araw na pinakahihintay niya.

Ang araw na magtatapos na siya sa kolehiyo.

Ang araw na pinaka-pinanabikan niyang dumating sa buong buhay niya.

"Anak, mauna ka na muna roon sa unibersidad at ako ay susunod na lamang. May tatapusin lang ako rito sa ating tahanan. Hindi puwedeng hindi maganda ang iyong ina kapag akay-akay kitang nagma-martsa,"  Isang halik sa pisngi ang iginawad ng ina sa anak.

Lumipas pa ang dalawang oras, isa, at hanggang sa naging tatlumpung minuto na lamang ay hindi pa rin nakikita ng binata ang kaniyang ina. Kabadong-kabado na siya nang mga sandaling iyon.

"ROGEN! ROGEN!" sigaw ng isang tinig. Hinanap ni Rogen ang pinanggalingan ng tinig at doon ay nakita niya ang kaniyang matalik na kaibigang hingal na hingal na tumatakbo patungo sa kaniya.

"Bakit tila hapong-hapo ka, Arwan?" aniya.

"Ang--ina. Ang-- iyong ina! isinugod sa ospital ang iyong ina,"  agad namang kumaripas ng takbo si Rogen, suot-suot ang togang mayroon siya upang puntahan ang pinakamalapit na ospital sa kanilang bayan nang marinig ang tungkol sa ina.

Habang tinatakbo ang daan patungo ay hindi napigilan ni Rogen ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Nang marating ang ospital ay agad niyang pinuntahan ang information desk. Sinabi ng nars na nasa emergency room ang kaniyang pakay at hindi pa nakakalabas ang doktor.

Pinuntahan niya ang emergency room at doon ay natagpuan niya ang sariling kausap ang kaniyang amang matagal niyang hindi nakita.

"Rogen, anak," agad siyang niyakap nito. Hindi naman nakapagsalita si Rogen dahil ang puso at isipan niya ay nasa kaniyang ina.

"Anak, patawarin mo ako kung ngayon lamang ako nakauwi at hindi ko inasahang sa muling pagkikita namin ng iyong ina ay aatakihin siya ng kaniyang sakit sa puso," mulagat ang mga mata ni Rogen nang marinig ang salitang iyon. May sakit ang kaniyang ina at hindi niya alam? Inalalayan siya ng kaniyang ama na umupo at doon sinabi sa kaniya ang lahat.

"Anak, graduation mo ngayon. Kabilin-bilinan ng iyong ina kanina bago siya atakihin ng kaniyang sakit na kailangan **** daluhan ang pagtatapos mo. Wala man siya o nasa tabi mo man daw siya ay dapat personal **** abutin ang diploma mo at ang medalya **** apat na taong mo ring pinaghirapang makamit," patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ng kaniyang ama habang siya ay humahagulgol na. Ang medalyang iyon sana ang sorpresa niya sa kaniyang ina pero mukhang nalaman na rin niya pala ito.

"Mayroon ka na lamang sampung minuto upang bumalik sa unibersidad at kunin ang iyong medalya at diploma, anak. Ako na ang bahala sa iyong ina. Alam kong bibigyan pa siya ng Panginoong makita ang medalya at diploma mo. Tuparin mo ang bilin niya, Rogen."

Kahit mabigat sa kalooban ay pinahiran ni Rogen ang kaniyang mga luha at tumayo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginantihan niya ang yakap ng kaniyang ama at mabilis na tumakbo palabas sa ospital .

Sampung minuto na nang makalabas siya sa ospital.

Siyam na minuto nang pumara siya ng masasakyan at dali-daling sumakay dito.

Walong minuto nang magsimulang umandar ang dyip.

Pitong minuto nang biglang bumagal ang usad ng mga sasakyan.

Anim na minuto nang iabot ni Rogen ang bayad sa drayber at naghintay pa ng isang minuto.

Limang minuto at hindi na nakatiis si Rogen. Bumaba na ito ng dyip.

Apat na minuto na at hindi na niya ramdam ang init nang mga oras na iyon maging ang mga nakabibinging busina ng mga sasakyan sa kalsada.

Tatlong minuto na at nasa tapat na siya ng unibersidad. Ang lahat ay nasa loob na ng convention hall.

Dalawang minuto na at kailangan niyang magmadali dahil dinig na dinig na niya ang pagtawag sa mga apelyido ng magsisipagtapos na nagsisimula sa letrang "B".

Isang minuto na at sa wakas narating din niya ang convention hall. Tamang-tama lang dahil buong pangalan na niya ang tinawag ng EMCEE.

"Batobalani, Ujuy Rogen, MAGNA *** LAUDE!"

Basang-basa na ng mga luha ang togang suot ni Rogen nang mga sandaling iyon pero taas-noo pa rin siyang naglakad upang umakyat sa entablado. Nanalangin sa isipang sana ay huwag munang kunin ang kaniyang ina.

Nang makaakyat ay binati siya ng mga naroon at isinabit sa kaniya ang kaniyang medalya.

"Everyone, let us hear the message of success to our first ever Magna *** Laude of West Visayas University - College of Education, Rogen Ujuy Batobalani!"

"Isang maikling talumpati lamang po ang aking ibibigay sa kadahilanang hindi ko po nakasama ang aking ina rito sa entablado upang magsabit sa akin ng aking medalya. Nasa emergency room po siya ngayon at nag-aagaw buhay." muli na namang pumatak ang kaniyang mga luha.

"Sa aking ina, nais kong malaman mo na walang araw na hindi ko inihahandog ang mga gantimpalang nakamit ko sa unibersidad na ito. At itong medalyang ito at ang diplomang kukunin ko ay para sa iyo. Para sa walang sawang pag-suporta mo sa akin. Para sa araw-araw **** pagpapaalala sa akin na ang buhay ng isang tao ay parang isang mahabang tulay na may iba't ibang uri ng balakid sa daang kailangang suungin, at lagpasan ng may lakas ng loob, tiwala, at malakas na kapit sa ating Panginoon upang makita ang dulo nito. Walang hanggan ang aking pasasalamat sa iyo, mahal kong ina. Mahal na Panginoon, maraming salamat din po at nagkaroon ako ng isang inang katulad niyang mabait, maalalahanin, maalaga at mapagmahal. Alam Niyo po ang iniiyak ng aking puso at nawa ay Iyo po itong pakinggan."

Ang hindi alam ni Rogen, matapos ang maikling talumpating iyon ay siya namang pagtigil ng tibok ng puso ng kaniyang ina sa ospital.
miss xEx Nov 2018
Hihintayin ba kitang bumalik?
O hahayaan ka na lang sa isipang ika'y nakasiksik?
Namimiss ang matatamis **** salitang
Kay sarap balik-balikan.

Minsa'y nagdududa kung ika'y totoo,
Ngunit ang puso ko'y laging sinasambit ang pangalan mo.
Puro s'ya lang 'to,
Pero paano naman ako?
Hihintayin ko na lang bang mag-break kayo?
Dahil ako lang naman ang third wheel sa inyo.

Pakiramdaman ko'y parang hangin,
Hangin na hahanap-hanapin lang kung kakailanganin.
Na para bang isang luhang hindi mapigilan sa pagbagsak..
Sayo, nahulog na ako sa'yo.

Ano pang magagawa ko?
Ayun, nagpanggap lang naman ako
Na parang walang pake sayo.

Tumatakbo, hinahabol, tumatakbo, nakakapagod.
Kasi para akong aso na sunod nang sunod sa amo.
Para akong kabute na sumusulpot-sulpot sa tabi mo.

Ayoko namang maging ahas o linta
Na grabe kung makapulupot,
Grabe makasulot.
Na sa mismong kaibigan ko pa magagawa.

Hindi ko alam kung babalik ka pa..
Pero, ito ang mensahe ko sayo
Sa oras na mag-krus ang landas natin
Gusto kong malaman mo
Na lahat nang nangyari pagitan satin
Ay mananatiling nakatatak sa aking isipan na imahinasyon ko lamang ang lahat.

-miss xEKIS
Naghihintay pa rin ako. Nasaan ka na ba kasi?! Siguro kinalimutan mo na ako at meron nang iba.
012917

Naisip kong magpatangay sa hanging kumot sa aking paggising. Naisip kong hamunin ang araw ng mga talatang pasalaysay at huminto gamit ang panalangin.

Isa, dalawa, tatlo: oo, ito na ang ikatlong araw nang tayong ipinalipad sa iba't ibang dako -- patungo sa bawat sulok ng mga pangarap at doo'y sabay-sabay nating maitataas ang Kanyang Ngalan.

Di ko kayang amuhin ang bawat petsa sa kalendaryo para lang maggising tayo't muling mabuo. Di ko kayang sipulan ang ulap na kukumpas sa kalangitang hindi naman nagbabago.

Sa bawat pangarap na minsang natabunan ng ating mga mapapait na nakaraan -- mga pangarap na ni minsa'y di sumagi sa isipang mabubuo natin nang sabay; oo, posible palang maitagpi-tagpi ang bawat istorya para sa mas malaki pang larawang ni minsa'y di natin nasilayang mag-isa.

Marahil napuno tayo ng takot na muling humakbang sa bukas pagkat nahihila tayo ng dilim. Marahil kinain tayo ng sakit, kirot at alalahanin kaya naman tila kayhirap nang lakaran ang tubig ng pagpapala. Pero kahit na -- kahit na lumubog pa tayo sa kumunoy ng distansya't walang kasiguraduha'y may iisa pa rin tayong di dapat na bitiwan -- na patuloy tayong kumapit sa iisang Ngalang titingalain natin hanggang sa Kanyang pagdating.

Siguro nga mapapagod tayo pagkat taksil ang landas o ang pagkakataon pero hindi pa ba ito sapat na dahilan para muling masubok at tayo't tuluyang magpasakop? Kung ang lupa nga'y kayang sakupin ng mga dayuhan lang; ano pa't ang puso't buhay nating tanging hiram lang? Kakatok hindi ang pangarap bagkus ang may dala ng mga ito; ilapit mo ang mga kamay sa puso at doo'y mabubuksan ang pintong may sagot sa mga hiling at dasal mo. Mabuhay si Kristo! Buhay Siya sa iyo!
Para sa mga kaibigan ko sa Brave Heart! Mabuhay si Lord sa puso ng bawat isa!
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid,
Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip.
Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan,
Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan.
Ano ang pipiliin? Ano ang susundin?
Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin?
  
Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay,
Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan.
Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab,
Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan.
Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita,
"Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan,
Ang katotohanang wala kang paroroonan.
  
Ikaw na ninais ang siyang iginapos,
Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos.
Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay,
Aking tinalikuran pag-asang hinihintay.
Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan,
Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan.
Subalit matapos ang gabi ng panaginip,
Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit.
Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula,
Sa aking paglabas, kinatatakutan nila.  
  
Sa aking paglalakad sa mundong umiikot,
Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot.
Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid,
Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig.
"Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw,
Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw.
Nagpatiluhod at doon ay nagnilay,
Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay.
  
Isang katauhan ang nababalot sa liwanag,
Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay,
Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot,
Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot.
Supot na naglalaman ng buhanging Kristal,
Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya.
  
Kukunin ba kita at titikmang muli?
Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit?
Ano ang gagawin ng isipang sabog,
Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
Pusang Tahimik Feb 2019
Nakahigang pilit na nagmamasid
Sa madilim na apat na sulok ng silid
Ang sakit ay hindi pa rin lingid
Kahit na tiyak ang luhang nangingilid

Binabalot ng malamig na kalungkutan
Ang puso'ng di alam kung nahihirapan
Humahanap ng kumot sa isipan
Mainit na yakap sana'y masumpungan

Heto na nga at nalulunod na ako
At hininga'y kinakapos sa isipan ko
Pakiusap sana'y panaginip na lang ito
Sapagkat sa paglangoy pagod na ako

Isipan ay lubos akong pinahihirapan
Tila laging mayroong digmaan
Sa silid ng nakabibinging katahimikan
Ang isip ay matinding naglalaban

Sumapit na ang umaga
Ako'y wagi sa pakikibaka
Sa kalabang sariling likha
Ng isipang puno ng katha
JGA
XIII Jun 2015
Ang love story natin
Ay parang kwento ng theme songs ng JaDine
Di ka fan, di mo siguro maaappreciate
Pero kinakantahan tayo ni Nadine Lustre at James Reid

Ang daming tanong nung umpisa
Ang daming pagdududa
Game na ba? Ano na? Sure na ba?
Ang hiling ko, sige na

Para ngang isang pagsusulit
Bawal magbura, one seat apart, walang kopyahan,
Right minus wrong, kung di alam 'wag hulaan,
Kumpletuhin ang patlang, bawal ang tyambahan


Para ngang isang pagsusulit
Pinag-isipang mabuti

Hanggang sa sabi mo, "Oo na.". Yes!
Oh, wala ng bawian, mamatay man, period no erase!

Matapos no'n, nagdagsaan ang mga pagsubok
Katulad din naman sa kahit kaninong relasyon
Pero dahil naniwalang sayo'y may forever
Pareho tayong hindi sumu-render


Pagkat sayo natagpuan ang ipinagkait sa akin
At sakin mo naramdaman and di mo akalain
Ipaglalaban ko
Ipaglalaban mo


Wala na tayong ****, basta bahala na
Alam lang kasi natin mahal natin ang isa't isa
At kahit pa sabihin na, tayo'y di itinadhana
Na na na na na na na na na na na bahala na


Pero katulad din ng ibang relasyon
Lumalamig, parang kapeng napaglipasan ng panahon
Tumitigas, parang pandesal na naiwan sa kahon
Tila di na alam kung san tayo paroroon

Piniling lumayo
Ngunit pilitin man ay bumabalik sayo
Di matatago kahit magpanggap
Ang iyong yakap, ikaw, ang hanap-hanap


Ikaw ang hanap-hanap
Dahil ang puso'y nangangarap
Na magsasamang muli
Na may happy ending bandang huli


Pero di pa tapos
Ang kwento natin hindi pa tapos
Sana'y hindi pa tapos
At sana'y di na matapos

Tatlong kanta pa lang naman
No Erase, Bahala Na at Hanap-hanap
Sana ay kumanta pa sila
Sana ay marami pa

At sana, kahit gaano man karami
Masayang kanta ang maiwan sa huli
Yung may forever, may happy ending
Kaya sige, mag-duet pa kayo *JaDine
Inspired by JaDine's songs, written while listening to them.
To all JaDine music fans! JaDine FTW!!!
All lyrics excerpts are © from JaDine songs: No Erase, Bahala na & Hanap-hanap.
aL Nov 2018
Kulang ang mahabang gabi
Para sa pagidlip ng isipang puno ng pagkalito
Kahit naman makatulog ay
Sa paggising utak pa rin ay pagod
Dala-dala maging sa panibagong araw
Ang mga gumagambalang pighati
Utak siguro ay puno ng bagabag
Napakasikip na ng kokote, problema pa ay padagdag
Tila ang mga pangarap ay tuluyan nang lumisan
Init ng aking damdamin tuluyang lumigamgam
Pag-asa ay naiwan sa mga kahapon
Wala na bang ibang mararating?
Sa mga kalyeng nalakaran na
Ipagpapatuloy pa rin ang paglaboy
Mas makabubuti pa sigurong makatulog
Baka sa panaginip lahat ito ay maglalaho
Antok sa mundo, ako po ay dapuan mo
no rhymes
no
no
Taltoy Nov 2017
Di pa alam anong mangyayari,
Sa planong pinag-isipang mabuti,
Ano kaya ang magiging bunga,
Ng aking mga huling pahina.

Saan kaya aabot ang aking mga tula,
Tatagos kaya sa puso mo ang damdamin kong ikinubli,
Mararamdaman mo ba ang emosyon sa likod ng 'king tinig,
Makakaabot kaya sa iyo aking binibini.

Ang mensahe ko sana'y sapat,
Magbunga sana ang aking pagkamatapat,
Panalangin ko lamang na sana di maging salat,
Ang laman nitong mga huli kong sulat.

Kaya bahala na, bahala na,
Bahala na ang Maykapal sa huling kabanata,
Bahala na ang panginoon sa katapusan,
Pati na sa darating na kinabukasan,

Nitong kwentong nangyari nang di inaasahan.
Dahil di ko alam kung ang desisyong ito'y tama ba.
Marge Redelicia Dec 2014
Dugong kumukulo
Luhang tumutulo
Katawang nabalot sa pagod
Isipang nasakop ng lito
Pero
Ang ating mga puso ay patuloy
Na lumulusong
Sumusulong
Sa gitna ng nagbabagang apoy.

Pinapatatag ng pag-ibig
Pinapatakbo ng dangal.

Wagas at lubusan
Ang ating alay
Para sa ating tungkulin at pangalan
Para sa layuning pagbabago sa lipunan
Para sa masa
Para sa isa’t-isa.

Maraming salamat,
Sanghaya.
Jun Lit Mar 2018
Tila nagtatanong, tanang mga muthâ
“Saan ba nagpunta ang payat na mamà?”
“Ilang buwan na bang hindi gumagalà
dito sa ‘ming parang na kanyang tumanà?”

Baguhin ang mundo’y dakilang pangarap
Subali’t mailap mga alapaap
Kung kaya’t bumangon kahit na mahirap
Dal’wampung ektarya’y pinagyamang ganap

Mahabang panahong masugid na nagmamahal
Sa katuwang sa puso at kasintahang walang pagal
Pati na sa gagamba at lahat halos na nilalang
Pati na butiking naghatid ng liham

Henyong ermitanyo ba o maestro pilosopo?
Iba ang pananaw, sa buhay, sa mundo
Lahat ay magkakaugnay at ang tao
ay tuldok lang at di panginoong sentro.

Pag-ibig sa bayan at kapaligiran
Ay di sagabal sa mithing kaunlaran
Basta’t angkop sa kaya ng pamayanan
Sadyang sustenable at di pangdayuhan

Bakas sa landas na kanyang nilakaran
Larawan ng diwang tunay, makabayan
Puso at isipang makakalikasan
Karapat-dapat na pagbalik-aralan

Sa Araw ni Ninoy, araw ng pagpanaw,
Sa Araw ng mga Bayani hihimlay
Bayani ng Lupa, may basbas ng araw,
ng ulan. Binuo ang ikot ng buhay.
Written on 21-28 August  2016; Alay sa Ala-ala ni Ka Romy S. Raros, 1939-2016, - ****, siyentista, entomolohista, ekolohista, aktibista, magsasaka [Dedicated to the memory of Dr. Romeo S. Raros, 1939-2016, - teacher, scientist, entomologist, ecologist, activist, farmer]; Read during the necrological services in his honor and again during the first anniversary of his passing away. The last two line have been added belatedly.
Pusang Tahimik Feb 2019
Sa bawat sandaling  pumapatak
Isa lamang ang tiyak
Mundo ay aking hawak
Bulong ng isipang may pakpak

Heto nanaman, heto nanaman
Baliktad na yata ang aking orasan
Puso't isip ay nagugulumihan
Sa ilalim ng matirik na buwan

Mga pangungusap ay di maawat
Parang pangarap na pilit inaakyat
Tumigil kana at ako'y napupuyat
Isip ko na sa gabi laging nakamulat

Ang nais niya ako ay diktahan
Lasunin ang isip ng kasinungalingan
Iwanang hubad at sugatan
Patayin ng unti-unti at marahan

Siya'y pilit na nakikipag-talo
Ngunit hinding-hindi ako magpapatalo
Sumikat na ang umaga't walang nanalo
Ngunit tila mata ko yata ang talo

JGA
JGA
Jose Remillan Oct 2013
Kinakanlong mo ang
Hiwaga at kahulugan ng
Isipang sumisipat sa
Walang kapares na
Alindog ng paralumang
Itinatangi ng engkantasyon.

Tumila ka man, tila ang
Unos na tangan mo ay
Bitbiting papasanin ng
Agam-agam at gunita.
Lisanin man ng ulap at
Ikubli ng bahag-hari ang
Nagbabadyang pangamba,
Ang iyong pagdatal ay
Lumbay at ligaya na sa
                  puso'y ikinintal.
Bacoor City, Philippines
August 20, 2013
psyche Mar 2016
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatangggapin mo pa ba?
Ako?
oo.
tanga lang eh noh?
oh tapos tatawa tawa ka?
Kung sabagay…
Hindi kita masisissi.
Hindi naman ikaw ang minsang lumigaya
Sa ibabaw ng alapaap
Sa yakap na mahigpit
Sa kamay na minsang nakatagpo ng
Palad
Palad na handang dumamay
Palad na handang umakay sa matarik na bundok
Binuo ng mga daliring handang takpan
Ang minsang mga matang walang humpay na lumuha sa pait na
Dulot ng mapanghusgag tingin ng mundo
hindi.. hindi kita masisisi
dahil hindi naman ikaw nag nakadama
ng matamis na lasa sa pagbigkas ng mga katagang
ikaw.. ikaw lang.. ang mahal ko.
Hindi. Hindi mo narinig ang bawat ngiting
Ipininta ng bawat tawang ibingay
Sa mga simpleng kantang inialay.
hindi.. hindi mo nasaksihan nung araw na ipinaglaban
nya ang pagmamahalang tanging mahalagang bagay na meron ako at sya noon.
Hindi.. hindi mo naramdaman ang lambot ng kasiguraduhang
Matutulog kang nakangiti dahil sya ang katabi mo
At gigising kang may ngiti pa rin dahil panatag ka
Panatag kang sa bisig nya parin nakahimlay.
Hindi.. hind kita masisisi
Dahil hindi mo ramdam
Ang kirot na humiwa dito..
Nung araw na sinabi nyang
“Ayokona”
Ayokona?
Walang eksplenasyon ni walang pasubali
Nabura lahat! Natabunan ng mga tanong hanggang sa naging panghihinayang at poot at
Sinabi kong tama na
Tama ka nga siguro
Ayaw mo na..
Lahat yan tinanggap ko, pilit ipinilit sa isipang
Wala na. tapos na. ending na.

Tapos
Isang araw
Bigla syang kumatok, sabi
“sorry”
Tanginamo. Para san pa?
Ako pa rin daw..
ako parin daw.

Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatanggapin mo pa ba?
Ako?
oo.

pero di gaya ng dati
hindi
na
ako
tanga.
Hindi na...
sean Dec 2017
Salamat sa iyo
Sa iyong mga salitang nagbibigay ginhawa
Sa utak na pagod
Sa iyong mga brasong tila pinoprotektahan ako
Sa kahit anong sakit

Salamat sa iyong pangagalaga
Para sa isang baliw tulad ko
Salamat sa iyong pagbigay-ginhawa
Para sa ‘di matahimik na ingay ng aking kaluluwa

Itong buong linggo ako’y biniktima.
Biniktima ng mamamatay-tulog na kriminal.
Ngayon, dahil sayo
‘Di pa rin ako makakatulog sa mga gabing lumilipas.
Ngunit guminhawa ang aking isipan,
At nanahimik ang mga boses na nagbibigay-sakit dito.
Marg Balvaloza May 2018
Walang kasiguraduhan, ako, sa'yo ay sumugal
Nais ko ay kasiyahan, ngunit puso ko'y napagal
Ilang taong maghihintay sa  b u o  **** pagmamahal?
Ilang luha iaalay, para sa'yo aking mahal?

Isipang puno ng pait, pusong puno ng pag-ibig
Pagluha, saya, at galit, ano nga bang mananaig?
Tagal ng pinagsamahan, ‘di madaling kalimutan
Anong dapat asahan kung tayo'y nagkakasakitan?

Wala na nga bang katapusan itong mga sisihan
Magturuan sa kung sino ang dapat na parusahan
Isa, dalawa, tatlo, ilang beses na nangyari ‘to?
Aabot ba hanggang dulo, o mananatili dito?

Ninais kong kalimutan, masakit na nakaraan
Hangad ko ‘yong katapatan, tiwala ko'y alagaan!
Ngunit ano bang gagawin, kung sya ay di pa “raw” handa
Gusto bang ika'y hatawin pa upang ika'y magtanda?

Mahal, alam ko namang ika’y tuluyang magbabago
Sa ilang pagkakataon, sana’y wag akong mabigo
Dahil ako ay tao lang, napapagod sa kalbaryo
Puso kong nagtamo ng sugat, napuno na ng kalyo

Naniniwala, na sa huli tayo'y ‘di mawawala
Seryosohin lang sana itong aking mga babala
Sa pag-ibig, tayo man ay magkaiba ng konteksto
‘Wag mo lang sana hayaan ang puso ko'y maging bato!

© LMLB
Tired but hopeful. I still believe in us.
04.19.18
Agatha Prideaux Mar 2020
Pwede ba, na sa bawat pag-gising
At bawat pagtibok ng puso habang pumapasok
Ang sinag ng araw sa aking bintana
Ay makakalimutan ka na?

Dala na ang kamao **** tila nakabalot
Sa aking pinunong dibdib
Na niyurakan at kumikirot dahil sa iyong
Mahigpit na hawak sa akin, pwede ba?

Sana nama'y makaligtaan na ang tono, huni, at nilalahad
Ng mga kantang noo'y sinasabayan pa ng ating
Mga tawa, padyak, hiyaw, galaw
Balang araw, sana nga.

Maaari bang itapon na ang papel na naglalaman
Ng mga nais ko sanang ipahayag sayo noon
Kasabay na ang mga kasinungalingang binulyaw mo sa akin gamit ang mga letrang padala mo
Ako'y pagod na.

Pagod nang magparamdam, makiramdam
Makaramdam ng purong pagdamdam
Na alam kong kailan ma'y hindi mo na mararamdaman
Tama na.

Kung maaaring mawalay na
Sa pagkapit sa mga matatamis na salitang
Ibinulong mo sa akin habang inaambunan tayo
Ng sinag ng buwan sa gabing kay liwanag.

Sana'y matuyo na ang mga nasayang na luha
Noong sinabi ko sayo na ika'y aking minamahal
Na kung saan binalik mo sa akin nang mas malutong, mas mabulaklak
Pero putangina, puro lang pala dada at walang kahulugan!

At noong dinagdagan mo pa ng mga pangakong
Pagmamahalan at pagsusuyuan sa ating unang pagkikita
Ay halos sumalangit ako sa tuwa at galak
Pero sa init at pait ng impyerno mo pala ako binagsak.

Gusto sana kitang tanungin
Kung naaalala mo pa ba lahat ng ating mga talumpati
Kung papaano natin nahanap ang ginhawa at katiwasayan
Sa mata ng isa't isa, oh aking minimithi.

Sinubukan kong uminom ng kung anu-anong likor
Na sa sobrang dami ay halos napuntahan ko na siguro
Lahat ng barikan na aking nalalaman
Para lang maialis ka sa isipang ikaw lang ang nilalaman.

Subalit, imbes na ika'y maglaho sa kuro
Ay mas naalala ka sa mga malulungkot na gabing
Nangangamoy alak at naglalasang halik mo
Tulad noong unang gabing hinagkan mo ang nag-iinit kong noo.

Ngayon, ika'y masaya na at kuntento
Sa piling ng taong sinabi mo sa akin na huwag alalahanin
Hindi mo lang alam kung paano ko pinilit ang aking sarili
Na tanggapin lahat ng iyong isinaksak at binaril sa puso kong siil

Tila tintang nakamansta sa puting palamuti
Na di maalis-alis kahit gaano ko man kuskusin
Ang memoryang nakalaan para sayo sa aking isipan at damdamin
Kay hirap nang hubarin at tanggalin

Siguro ako'y itinuring lamang na isang kagamitang
Pwedeng itapon matapos pagdiskitahan ng mapaglarong tadhana
Na noo'y pinaniwalaan at naging pamanhik ko
Sa sandaling itinahi na ang pangalan mo sa nagdurugo kong puso

Pero, sa huli, kinailangang limutin
At iparaya ang damdaming nakakulong parin
Hanggang ngayon sa yakap ng iyong bisig
At himbing ng mga talang tila patalim sa gitna ng dilim

Sana'y natuto na ang sariling pag-iisip
Na hinding-hindi magpalinlang sa mga matatamis na awit
Na pinuputak ng bibig na ang may ari ay
Walang espasyo sa kanyang isip at puso para sa akin.

Aking nawalay na sinta
Maaari bang ika'y pakawalan na?
Para sa atin—o baka sa aking kalayaan at kasiyahan nalang
Pwede ba, kakalimutan na kita?
Day 1 of #NaPoWriMo2020. As of now, I'm not yet following the prompts. But here's an entry nonetheless.
O, pluma kong kay rikit
siyang saksi sa'king hirap at sakit
siyang sumpungan sa paghihinagpis
kaibigang kung dumamay ay walang mintis

Sayo'ng piling akong aluin
sama ng loob ko'y hilumin
mga duda't alilangan ko'y pawiin
pag-iimbot ko'y tulungang palipasin

O, plumang mapagtiis
patawad sa aking pag-alis
Mga mata'y kailangan imulat
Isipan ko'y magpapahinga muna sa lahat

Aking kaibigan
aking natuklasan
bawat tinta'ng iyong iniluluha
tila ay isa ring pika

Mga salitang aking isinusulat
ay tila pika na nahambuhay na nakamarka
sa isang pirasong papel
ginugunita, inaalala bawat kasawian

bawat hinagpis at pagpupuyos ng kalooban
mgapikang nagpapaalala, muli't muling sumusugat
sa puso't isipang gustong makalimot
kaya't ika'y kailangang iwanan, aking kaibigan

masakit man sa kalooban
ngunit, marami akong gustong kalimutan
sa'king patuloy na pagsulat
sa muli't muling pagbuklat ng mga aklat

ako'y tila muling buamabalik
sa mga panahong puno ng hinagpis at pasakit
kaya ika'y iiwan
pagkakaibiga'y kalilimutan

paalam aking munting pluma
salamat sa pagdamay at sa magagandang gunita
kay bigat ng aking damdamin
sa paglipas ng panahon ako sana'y iyong magawang patawarin
Lovely Seravanes Oct 2019
anino

oo isa kang anino
anino ng kahapon
kahapong pilit kung kinakalimutan
kinalimutan ngunit wari'y ikay napagkit.
napagkit sa puso't isipan
isipang di q alam
hindi ko alam qng bkt ikaw pa
ikaw pa na hindi para sakin
para sakin na nagmahal ng totoo

oo totoo
totoo at labis
labis at sobra
sobrang hindi ko napagtanto
napagtantong ako'y sinaktan mo ng lubusan.
lubusan **** iniwang luhaan
luhaan na dulot ng iyong pag-ibig na parang anino.
anino ng kahapong mahrap kalimutan.

dahil sa bawat paglimot q lalo kitang naa-alala.
ala-alang sa anino lamang nakikita...

dahil ikaw at ako ay isang anino
aninong hindi pwdng mahawakan ng sinuman
Hanzou May 2018
Ikaw ba ay bigo sa pagibig?

Tipong lahat ay nadaan lang sa kilig?

Kahit sinong gusto ay 'di ka hilig?

Pagkabigong sa umpisa'y nagsimula sa titig?

---------------------------------------------------------­--------

'Wag kang mag-alala.

Dahil hindi ka nag-iisa.

Madami kayong nagdurusa.

Mga sawi na parehas na pinaasa.

-----------------------------------------------------------------­  

Kumalma ka, pag-isipang mabuti.

Sa tingin mo kaya'y bakit ka nasawi?

Maling pagkakataon, pagtugon ng madali?

Pag-abante't pag-atras, nagpaka martir sa hapdi?

-----------------------------------------------------------------­  

Kung ika'y bigo ay 'wag **** dibdibin.

Sa ngayon, maraming bagay ang dapat isipin.

Ang tunay na pag-ibig ay 'di madaling hanapin.

Nasa puso't kaluluwa, ang magmahal na nasa saloobin.
Virgel T Zantua Aug 2020
Huwag mo ng dagdagan ang bigat
At baka hindi ko na mabuhat
Mga sinasabi mo'y salungat
Sa mga nakasulat sa aklat...

Ano ba talaga ang layunin
Walang tigil kung ako'y inisin
Nakakalito kung iisipin
Wag selos ang iyong pairalin...

At bakit ka nga ba nagagalit
Ano ba ang iyong hinanakit
Dahil ba sa hindi mo napilit
Ang pagmamahal mo sa may sabit...

Pagkatao mo'y nakakatakot
Ang kaisipan mo ay baluktot
Kahit sino ay napapaikot
Sa daldal ng dila **** kulikot...

Ano ang gusto **** patunayan?
Na ikaw ay angat sa lipunan
Ang anino mo'y may kayabangan
Ngunit natatakot sa harapan...

Ano man ang gawin kung pag-iwas
Di niya ako pinapalampas
Sa mga kwento na walang basbas
Sinisira ang isipang wagas...

Sa katotohana'y sumasabay
Upang pagbabago'y maging tunay
Ayoko na ng magulong buhay
Tumigil ka at magnilay nilay...
Jun Lit Nov 2018
Sa sulok ng isipang dinadaluyong
ng mga sanlibong sala-salabat na tanong
may paanyaya kang pagdamay ang layon
mula unang lagok, mainit ang pagsalubong.

Maraming katanungang pumapatak sa diwa
Tila ulang tikatik, ulang walang sawa
Hindi lang ‘ano?’, ‘sino?’, o ‘saan?’ ang humiwa
Puso’y sinugatan ng ‘paano?’, ‘bakit’ at ‘kailan kaya?’

Sa bawat pagsikat ng araw sa Malarayat sa Silangan
Lulubog din ito tan’aw ang Maculot sa kinahapunan
Tagumpay at sigla noong kapanahunan
Mga bituing nawawala, pagsapit ng sangang-daan

Kaya’t hindi dapat malasing, malango
Sa naabot na rurok o kayamanang lumago
Pagka’t batas ng Kalikasan ang siyang nagtuturo
Na lahat ng ito sa malaon o madali’y maglalaho

Pag-ibig na busilak, mananatiling buo.
My eighth in my Brewed Coffee Poems series; poems much influenced by my memories of my old home and childhood in Lipa, Batangas.
111921

May mga gabing kukuha tayo ng pluma’t
Kakatha ng mga himig sa ating isipang
Itinuturing nating mga bala’t sandata
Laban sa mga nanghihimasok na mga ideolohiyang
Kumikitil sa ating nag-aalab na mga pangarap.

At may mga gabing
Isusulsi pa rin natin nang magdamagan
Ang mga alaalang pinunit ng kasaysayan.
At siguro nga’y wala na rin tayong
Ibang kuwentong maiaambag pa.
Marahil ang lahat ay maging tuldok
Bilang panimula’t pangwakas.

Kusa ang ating pagtiklop
Bagama’t manhid na tayo
Sa malamig na pag-ihip at pagsipol
Ng bumubugang panahon.

At maghahagilap pa rin tayo ng dahilan
Sa bawat puwang, sa bawat patlang
Na bumabalandra sa ating harapan
Sa bawat pagkabit sa araw
Na parang mga parol pagsapit ng kapaskuhan.

At siguro nga’y magugulat tayo
Sa paparating na sorpresa
Na hindi na tadhana ang may akda.
Na baka bukas o sa makalawa’y
Ibang lenggwahe na ang ating binibigkas
At ang ating mga kasuota’y
Mapupuno ng mga palamuting
Pinili at tunay ngang may basbas.
Pusang Tahimik Jun 2021
Ang panukala ay itinago sa lihim
Lihim na nakakubli sa isang malalim
Na talinhaga na di kayang unawain
Nang isipang tinakpan ng takip-silim

Tila yata walang naka-uunawa
Kung ano ang mga panukala
Na nagkukubli sa anyo ng Salita
Na nariya'ng kasama natin at nakatala

Sino nga ang nakakikilala ng May-akda
Na nagpapahayag at Siya ring nagtakda
Nang mga kaganapang walang patda
Na Siya'ng tumpad din ng mga Itinakda?

Sino nga ba itong Salita
Na nagkukubli sa anyo ng mga salita
Na tinatawag ding Mabuting Balita
Na inyo nga'ng ipinamamalita?

Sino nga ang marunong at nakauunawa
Ipahayag iyon sa isip, salita at gawa
Ipakita ito sa kanyang kapwa
Upang may buhay ang kanyang mga salita
Tula, talinhaga, Panukala, Mabuting Balita, Salita,
Jean Sharlot Nov 2017
Nais kong ipatid
Ngunit hindi maihatid
Dahil ika’y manhid
Sa tuwing tumatagilid.

Tinatanong sa isipan
Ngunit ako’y nag-aalinlangan
Dapat bang hawakan
O ito’y pakawalan.

Sinasambit ng labi
Bawat salitang itinabi
Sa paraang pasintabi
Upang hindi madali.

Sumusulyap lang sa’yo
Tuwing ika'y nanunuyo
Upang hindi lumayo
Ang pagmamahalan niyo.

Nandito upang alalayan
Puso’t isipang naguguluhan
Tumabi’t ako’y sandalan
Dapatwat hindi pangmatagalan.

Nais kong malaman
Ano ang nilalaman
Ng pusong nakikipaglaban
Na walang kahahantungan.
Louise Mar 2019
Ang hikahos na mula sa iyong tinig
Na pilit nilulunod ng iyong isipang pawang taksil
Sa ikasasaya ng damdaming may kinukubling pag-asa
Ang siya ring hikahos na sisigaw nang malakas,
Sapat lamang upang mulatin ang diwang umidlip sa katotohanang
Ikaw ay karapat-dapat masilayan ng liwanag,
Maglakbay at sumapit sa nakukubli,
Magtangka sa walang katiyakan,
At ngumiti sa ibabaw ng kabiguan.
Anton Dec 2019
Sa iyong pagbabalik, nadarama ulit ang iyong halik

Galing sa biglaang pag-alis, nagdulot pa rin sa puso'y malalim na daplis

Tulang sinulat at inialay sa akin ay naglalaman ng mga dahilan

Mga dahilan na aking intindihin ngunit ako'y masasaktan

Ayaw mo akong lisanin ngunit ayaw mo na rin akong angkinin

Maaari ba iyon? Parang hindi nagkatugma sa totoong depinisyon

Ng tunay na pagmamahal pero yun ang iyong opinyon

Hindi mo ako gustong kalimutan, hindi ako kayang paluhain

Mahal mo akong lubusan, at ayaw **** makasakit ng damdamin

Sana'y malaman mo na natatawa ako sa iyong mga salita

Nang sinabi **** iwanan ako at hayaang sumaya sa iba

Siguro sasaya ako, oo alam ko

Pero asahan mo darating ang panahon na kung kailan pinalaya mo ako

Doon mo na rin malaman na ang bobo mo masyado

Sapagkat minahal kita nang higit sa aking buhay

Inialay ko lahat, kahit minsan ay sumablay

At para na rin pinatunayan **** hanggang salita ka lang naman

Ayaw mo akong saktan? Pero handa mo akong iwanan.

Binulag mo ang sarili sa kaisipang sasaya ako kapag wala ka

Yan ang kamaliang gusto ko sanang itama

Bali-baliktarin man ang buong daigdig, umiiral pa rin sa puso ko ay pag-ibig

Bakit hindi na lang natin isipang tayo na lang dalawa?

Ang natitira sa mundong ibabaw at wala ng iba pa

Nang sa gayon ay hindi mo maisip na ako'y makahanap ng iba

Higpitan mo ang paghawak sa akin at ako'y iyong-iyo na.
Pusang Tahimik Mar 2020
Hinahanap ang aking kinabibilangan
Sa mundong puno ng pag-aalinlangan
Pasya ko'ng itago ang aking pangalan
Sana'y inyong maunawaan

Kumusta ang pag-bati
Nawa'y dinggin ang aking mithi
Na tanggapin ang aking ngiti
At ang liham sana'y kumiliti

Sana nga'y ikaw'y napangiti
Nang liham ko kahit maiksi
Nais ko lang naman ibahagi
Ang laman ng isipang nakabibingi
Paunang Simula
Jun Lit Mar 2021
Binabaran ng mainit
na kapeng barako
ang naiwang tutóng
sa lumang kaldero,
walang panamà
ang kaning binudburan
ng niyadyad na tabliya
sa panlasa ng até at bunso
magkasamang nagmimiryenda
- matamis na bukayo
matamis na ala-ala . . .

Tanyag ang tamis ng sintunis
singkom man o lado
limot na ang hagupit
ng mga Hapones na malulupit
ng kahapong ayaw umidlip.
Nag-aanyaya ng pag-akyat
ang puno ng bitungol, halikayo
manibalang pa ang iba
ngunit tamang-hinog na pangkulunggo
sa mga isipang nahihilo’t nalilito.

Maghapon lamang ang kabataan -
mabilis, mabilis na dumaan
Orasyon na ngayon, wika ng impô
Huwag magpapaabot ng sireno
Pag di’y sip-on ang aanihin n'yo!

Opo, opo,
Dala-dalang buslô
Taglay ang naiwang litrato
sa sulok ng isipan, ng balintata-o.
Sa lahing hindi sumuko,
magkakasama tayo.
Brewed Coffee Poem 13 - 13th in my series "Kapeng Barako" (Brewed Coffee) - focusing mainly on my memories of my childhood in old Lipa City (Philippines); this one has been, in part, inspired by my reminiscence of one of my elder sisters, Ate Malen, as well as other members of our clan.
Levin Antukin May 2020
Tara.
Umpisahan natin
ang malikhaing pagbabahagi
ng aking mga kuwento.
Hindi na mabilang ang titik
na maingat na inuukit sa isipang
hitik sa karanasan at emosyon ngunit kailan
sasapat yaong mga nilikhang tula kung ikukubli lamang?
Kaya inihahandog ko ang sarili simula sa isang salita
at dinagdagan bawat linya. Ngayong nasa ika-sampu na, hindi mamamaalam


bagkus, maligayang pagdating!
[Filipino] a short poem, structured with lines increasing in word count per line (fr 1-10),  I wrote to get in HelloPoetry.

— The End —