Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nais kong ipatid Ngunit hindi maihatid Dahil ika’y manhid Sa tuwing tumatagilid. Tinatanong sa isipan Ngunit ako’y nag-aalinlangan Dapat bang hawakan O ito’y pakawalan. Sinasambit ng labi Bawat salitang itinabi Sa paraang pasintabi Upang hindi madali. Sumusulyap lang sa’yo Tuwing ika'y nanunuyo Upang hindi lumayo Ang pagmamahalan niyo. Nandito upang alalayan Puso’t isipang naguguluhan Tumabi’t ako’y sandalan Dapatwat hindi pangmatagalan. Nais kong malaman Ano ang nilalaman Ng pusong nakikipaglaban Na walang kahahantungan.
0
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 3:56 AM UTC
Tatlong Salita Lamang

jean-sharlot
Written by
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 3:56 AM UTC
Request permission to use this poem