Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Tila nagtatanong, tanang mga muthâ “Saan ba nagpunta ang payat na mamà?” “Ilang buwan na bang hindi gumagalà dito sa ‘ming parang na kanyang tumanà?” Baguhin ang mundo’y dakilang pangarap Subali’t mailap mga alapaap Kung kaya’t bumangon kahit na mahirap Dal’wampung ektarya’y pinagyamang ganap Mahabang panahong masugid na nagmamahal Sa katuwang sa puso at kasintahang walang pagal Pati na sa gagamba at lahat halos na nilalang Pati na butiking naghatid ng liham Henyong ermitanyo ba o maestro pilosopo? Iba ang pananaw, sa buhay, sa mundo Lahat ay magkakaugnay at ang tao ay tuldok lang at di panginoong sentro. Pag-ibig sa bayan at kapaligiran Ay di sagabal sa mithing kaunlaran Basta’t angkop sa kaya ng pamayanan Sadyang sustenable at di pangdayuhan Bakas sa landas na kanyang nilakaran Larawan ng diwang tunay, makabayan Puso at isipang makakalikasan Karapat-dapat na pagbalik-aralan Sa Araw ni Ninoy, araw ng pagpanaw, Sa Araw ng mga Bayani hihimlay Bayani ng Lupa, may basbas ng araw, ng ulan. Binuo ang ikot ng buhay.
0
Mar 17, 2018
Mar 17, 2018 at 8:21 PM UTC
Bayani ng Lupa

Written on 21-28 August 2016; Alay sa Ala-ala ni Ka Romy S. Raros, 1939-2016, - **** siyentista, entomolohista, ekolohista, aktibista, magsasaka [Dedicated to the memory of Dr. Romeo S. Raros, 1939-2016, - teacher, scientist, entomologist, ecologist, activist, farmer]; Read during the necrological services in his honor and again during the first anniversary of his passing away. The last two line have been added belatedly.
JunLit
Written by
M/Los Baños, Ph
Mar 17, 2018
Mar 17, 2018 at 8:21 PM UTC
Request permission to use this poem