Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"humusga" poems
Pagkakamali, pagkabigo, Pagkakasala, pagkatalo, Lahat siguro ng di mo gusto, Marahil ugat nito. Iyo nang binaon sa nakaraan, Hinukay muli sa kasalukuyan, Para ano? pagngilayan? Tapos? may makukuha ka ba d'yan? Bakit ba ganyan tayong lahat? Parating sinasabing di sapat, Ano ba talaga ang batayan? Saan ang iyong basehan? Walang perpekto sa mundo, Yan ang tandaan mo, Di lahat maitatama mo, Di lahat ng nangyayari ayon sa gusto mo. Kaya nga tanggapin mo nalang, Wala nang iba pang paraan, Sapagkat iyan ay nagtapos na, Huwag mo nang balikan pa. Pagsisisi? nakakain ba yan? Ano pa silbi ng salitang yan? Yan? magpapapaliwanag ng katotohanan, Isasaksak sa kokote mo ang 'yong kamalian. Dahil ikaw mismo ang may alam, Kung saan ka nagkamali at nagkulang, Kung saan ka sumobra at nagpabaya, Ikaw na ang sa sarili mo'y humusga.
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 2:14 PM UTC
Pagsisisi
Madilim ang paligid at umiiyak ang langit Ibinuhos ko sa tahimik na paghikbi ang lahat ng kinikimkim na galit Sa lahat ng humusga at sa aki'y lumait At sa mga lalong nagpabigat ng bitbit kong pasakit, Hinayaan kong bumaha ng luha sa munti kong silid Habang minamasdan ang mga larawan ng nakaraan Doon sa isang gilid, Hinayaan kong kumawala Ang nagpupumiglas na mga luha Na itinago ko ng panahong napakahaba Sa loob ng kulungang ako mismo ang gumawa Kulungang ako mismo ang lumikha. Tapos na ang panahon ng pagpapanggap Panahon na upang harapin ko ang reyalidad. Patila na ang ulan at paubos na ang luha At sisiguraduhin kong sa pagpatak ng mga huling butil nito lupa, Ay uusbong ang bagong simula Uusbong ang bagong "ako" Sa aking pagtahan ay kasabay ang pagbabago Sa pagtila ng ulan,muling sisilay ang magandang araw Na magbibigay ng kulay sa mundo kong kay panglaw Sa aking pagtahan haharapin ko ang aking kinatatakutan Sa aking pagtahan haharap akong mas palaban Sa aking pagtahan muli akong ngingiti Sa aking pagtahan,kakalagin ko ang tali, Taling pumipigil sa aking aking paglago Sa aking pagtahan ay uusbong ang isang bagong "ako" Sa aking pagtahan,hindi na ako muli pang magpapatalo Tandaan mo yan: Itaga mo pa sa bato!
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:40 AM UTC
Pagtahan
Pag-ibig ang s'yang bumubuo sa aking pagkatao. Pag-ibig na s'yang nadarama mula sa iyo. Sayo natagpuan ang napakagandang mundo. Ang mundo ko ay ang buo **** pagkatao. Sa bawat pagpuno ng mga daliri mo sa pagitan ng daliri ko. Ramdam na ramdam ko, ang pag-ibig mo. Sa bawat pagbati na naririnig tuwing umaga. Sa mga labi'y bumabakas ang ngiting napakasaya. Saya na walang ibang makakapagdulot kundi ikaw. Ikaw na s'yang nais maging kabiyak ng pusong nangangarap ng walang katapusan. Katapusang kinatatakutan ng marami sa pagpasok sa ganitong uri relasyon. Sa ating relasyon, dalangin ko'y huwag sanang humantong. Ramdam mo din ba? Na tila tadhana na ang humusga. Na ikaw at ako ay pagtagpuin. Upang may magpatunay na ang pag-ibig na tunay ang tanging susi sa pangarap na walang hanggan. Sana nga'y huwag magwakas. At lalo pa tayong bigyan ng lakas. Upang mapagtagumpayan ang lahat ng pabsubok. Sapagkat sayo, hindi ko alam ang salitang pagsuko. Balang araw, tayo'y haharap sa altar. Isusuko ko ang buo kong pagkatao para sayo. Sapagkat ang tanging pangarap ko. Mahalin ka at alagaan habang may buhay ako.
0
Sep 5, 2017
Sep 5, 2017 at 5:53 AM UTC
Amor I