Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hinalang" poems
Matagal na kitang kilala, Matagal na kitang nakikita Minsan nakatayo't paligoy-ligoy Minsan nakaupo't para bang susuko. Parati kitang naririnig, Balita ko'y sikat ka Minsan sa kababaihan, Minsan sa iyong kababalaghan Siguro hindi ko maintindihan Bakit may kislap sa kanilang mata At ngiting di maalis sa kanilang labi Tuwing andyan ka Kasi nga matagal na kitang kilala Ilang buwan, taon na nga ba kita Parating nakikitang nagmumuni-muni Sa iyong sariling pangarap, alaala Pero bakit hindi ata kita kilala? Ako yata'y mali Sa mga hinalang pasubali At siguro'y nagbabakasakali Bakit nga ba sila natutuwa sa'yo? Bakit ka nga ba sikat sa kanila? Bakit ganito ako ngayon? At bakit ako nagsusulat ng isang tula, Tungkol sa'yo?
0
Sep 19, 2015
Sep 19, 2015 at 1:13 PM UTC
Isang Tula Tungkol Sa'yo