"halimaw" poems
Palagi kitang pinag-mamasdan sa bawat araw dna dumaraan,
lahat ng kaya kong gawin upang iyo'ng bigyang pansin aking ginawa
ngunit kahit anong pagsisikap ang aking gawin, nasa iba pa rin ang iyong mga mata
bakit ba ang hirap kunin ng iyong pansin, di ko naman hinihinging maging tayo
gusto ko lang sana'y magi kitang kaibigan
kase alam ko'ng wala kang maibibigay sa aking pagkakataong maging tayo
ika'y prinsesa at ako'y dukha
sabi pa nga nila'y nangangamo'y akong sukha
ikaw nama'y amoy rosas kahit na ika'y pagpawisan
nung una kitang nakita, sa isang tingin mo lang, nabihag mo na ang aking puso
sana'y bigyan mo akong pagkakataon na maipakita sayo na di ako isang halimaw
alam ko naman ikaw ay isang prinsesa na nakatira sa isang kastilyo na tad tad ng diamante,
at pinag kakaguluhan ng mga prinsipeng maskulado at handang ibigay ang mga luho at kayamanang gugustuhin ng kahit sinong babae,
ang maibibigay ko lang sayo ay ang aking buong pusong pagmamahal at katapatan na mamahalin kita hanggang sa katapusan ng ating mga araw.
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 11:10 AM UTC
Diniligan ng luha
Ang tuyo kong pagsuyo
Bitakan at tikag
Itong aking puso.
Sinilo mo ako’t
Ginawaran ng rehas
Ipinahalik sa araw
Binasa pa ng ulan
Ako’y kinidlatan
Kulog ay nakapapanting
Tainga’y duguan
Halimaw ang tingin.
Aking pag-ibig,
Pagsinta’t pag-irog
Pawang kuro
At puso’y nilatay
Inilibing
Inihatid sa hantungan
Hindi pa man nito oras
At ang binhing kinalinga
Siya ring inanod ng rimarim.
(12/2/13 @xirlleelang)
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:21 PM UTC
Hating-gabi na mahal, ikaw ay nasaan?
Naghihintay ako sa ating tarangkahan.
Taimtim na nanalangin sa iyong kaligtasan,
Gustong kitang masilayan kahit kabilugan ng buwan.
Madaling araw na mahal, wala ka pa rin.
Rinig na rinig ko na ang ungol sa labasan.
Nagbabakasakaling aking masaksihan,
Ang iyong pagdating mula sa gitna ng kagubatan.
Hating-gabi na mahal, ako'y takot na takot na.
Mababangis na hayop ay nagsimula ng naglipana.
Ang ingay ng uwak ay kaliwa't kanang namumutiktik,
Dinaig pa ang ingay sa piging ng isang bayan.
Hating-gabi na mahal, nagmamakaawa akong umuwi ka na.
Ako'y nag-iisa, walang kasama, at takot na takot pa.
Nararamdaman kong may mga matang nakatingin, uhaw na uhaw sila.
Sa bawat paghinga ko'y alam kong buhay ko ang kukunin nila.
Hating-gabi na mahal, nabuwal na ang pintuan.
Isang nilalang na may mahahabang kuko't matutulis na ngipin,
Ang nakapasok na't naglalaway, gusto na akong lapain,
Ngunit ako'y naging tulisan at hinarap ang kalaban.
Hating-gabi na mahal, tulungan mo akong puksain.
Ang halimaw sa bahay na handa akong patayin.
Naging matapang ako kahit walang alam sa pakikipaglaban.
Nakipagbuno, nakipagtagisan, at nakipagsaksakan.
Hating-gabi na mahal, ako'y kanyang nahuli.
Kinagat sa braso at kinalmot sa mukha ng walang pasabi.
Sa malalaking kuko niya'y lakas ko'y napawi.
Tumilamsik ang dugo, katawa'y nanghina, at ako'y nagapi.
Hating-gabi na mahal, ako'y parang kinakatay na.
Sa matutulis niyang ngipin, katawan ko'y pira-piraso na.
Hanggang sa tumitibok kong puso'y binunot niya,
At tuluyan na akong napapikit at nawalan ng hininga.
Hating-gabi na mahal, nakauwi ka na ba?
Dec 4, 2015
Dec 4, 2015 at 4:29 PM UTC
Minsan sa mundo,
akala mo ikaw lang ang malas,
lahat hinahanapan mo ng butas.
Pero ang totoo,
Gusto mo lang tumakas. . .
'Yan! 'Yan ang labing may gatas!
Kinukutya mo ang gobyerno,
dahil di sila patas,
eh, sino nga b'ang nag-atas?
Paano tayo kakalas,
Kung wala naman tayong lakas?
Nagdedesisyon ka nga
ng di alam ang konstitusyon,
paano mo nalaman ang tamang solusyon?
Nilagay natin sila sa posisyon,
dahil nagbigay sila ng maraming kondisyon,
na lahat naman, ilusyon!
Eh, sino nga ba ang iboboto?
Kung halos lahat sila,
ang hanap, deboto!
Ano sila santo?
Oh, tingnan mo ko,
kung makapagsalita,
akala mo kung sino. . .
Sorry sa mga kritisismo . . .
Pero sa totoo lang yung gobyerno,
pinapadami lang yung mapupunta
sa impyerno.
Di ko nilalahat,
pero pano nga ba tumukoy?
Binigyan ng kapangyarihan,
para manindigan,
manilbihan sa bayan,
pero anong ginawa?
Pinabayaan.
Kaya yan,
dahil sa kahirapan,
lahat sabik sa pangako. . .
Kalaunan. . .pag pinaglaban mo,
ikaw pa ang matatakot!
Magsasaka nga, sariling ani,
iba ang humahakot. .
Ibang nagmatapang,
sila pang dinambangan!
Kaya ako, di nalang boboto. .
Di basta basta makiki-uso.
Dahil ang totoo,
wala akong makitang seryoso.
Puro sila, sariling negosyo.
Gawa ng gawa ng imperyo!
Makita mo ang gobyerno,
andaming benepisyo.
Kadalasan, si chief puro pa reklamo!
Eh, milyon naman ang komisyon
Sa sariling institusyon!
Kulang pa daw!
Wow, napaka-halimaw!
Pero ang tingin nila sa kalsada
yung mga bata, perwisyo?!
Kaya ba nila tinago, sa malayo
nang dumating ang mga dayo?!
Oh, di mo alam no?
Kasi nga tinago!
Sana yung susunod na uupo,
yung taong, totoo.
Yung kahit malaya,
di mandadaya. . .
Gawing tama ang pagboto. .
Di ka na si toto,
Di ka si nene,
Wag madala sa mga ugong ng hele!
Meron at meron yan!
Di lang natin makita,
kaya ang payo ko:
WAG KANG MANGHULA. .
Apr 15, 2016
Apr 15, 2016 at 2:15 PM UTC
“The essence of reality is contradiction”
- Hegel
Ang tao ay likas na malaya, nabubuhay na malaya at dapat na maging malaya. Walang karapatan ang sinoman na mang-alipin. Hindi tayo pag-aari ninoman at walang taong ‘pweding umangkin sa kapwa n’ya. Ito ang batas ng kalikasan at ng uniberso. Walang panginoon at busabos, walang dapat na nag-uutos, at wala dapat mga alilang tagasunod. Sana ang buhay ay puro na lang Rosas at walang posas.
Subalit nagdilim ang kasaysayan nang maghari ang kasakiman na pinukaw ng matinding paghahangad ng iilan sa kayamanan. Kailangan na makakuha ng maraming kalakal nang lumawak ang merkado. Pero teka sino ang gagawa nito? Edi kunin ang mga mahihina at gawin silang mga alipin, pilitin na magtrabaho sa ilalim nang hagupit ng latigo. Hawakan sa leeg o di kaya naman ay kitilin, sa ganitong paraan sila dapat na pasunurin.
Tanang pagmamalabis ay may wakas. Hindi lang si Spartacus ang nag-alsa kundi pati ang mga itim na alipin. Sumiklab ang himagsikan sa paghahangad ng mga alipin na kumawala sa kanikanilang mga tanikala.
Dumating ang panahon ng Piyudalismo, nagbagong anyo lang ang halimaw at muli n’yang inalipin ang mga kapos-palad at mahihirap. Nangibabaw ang Aristokrasya na parang maitim na ulap na lumalambong sa himpapawid kaya hindi makita ang sinag ng araw. Salamat na lang at bumagsak ang Bastille at nagtagumpay ang rebolusyong Pranses.
Mula sa mga guho ng lipunang piyudal ay lumitaw ang mga bagong panginoon, ang mga Burgis. Sila ang mapagsamanta at naghaharing-uri sa ating panahon. Mga kapitalista, elitista at mga burgesya komprador.
At tayo na nasa baba, tayo na ang puhunan para mabuhay ay dugo’t pawis, tayo na mga proletaryo ang s’yang makabagong alipin. Mga alipin ng burgesya na ating pinapanginoon, tayo na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang laging pinagsasamantalahan at binubusabos. Tinatakot na gugutomin kapagka hindi nagpa-ubaya at sumunod sa utos.
Habang tumatagal ay tumitindi ang mga salungatan at kontradiksyon sa pagitan ng mayaman at ng mahirap. Bulkan ito na sasabog sa bandang huli.
Ang batas ng kasaysayan ang nagsabi na ang lahat ng uri ng pang-aapi ay magwawakas. Nag-alsa ang mga alipin, naghimagsik ang mga pesante hindi magtatagal gustuhin man natin o hindi titindig ang mga proletaryo at sama-sama nilang ibabagsak ang kapitalismo na itinataguyod ng mga burgesya komprador.
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 1:25 AM UTC
“Uncle ** utang sa’yo ng Vietnam ang kanyang kalayaan,
Ikaw ang amang mapagpalaya na sa kanila ay gumabay.
Ikaw ang dakilang liwanag na sa kanila’y pumatnubay,
Kahit sa gitna ng laksang lumbay hindi mo sila pinabayaan.
Wala kang katulad sa buong Vietnam, ikaw ang bayaning tunay.
Sa ilalim ng iyong pamumuno walong taon ninyong nilabanan
Ang mga Pranses sa mga palayan, bundok at lansangan. At
Matapos ang walong taon ng nakakapagod na pakikibaka sa
Wakas ay napasuko ninyo ang mga kaaway.
Subalit di-naglaon lumitaw ang isang bagong kaaway,
Ang Estados Unidos na s’yang bagong halimaw na gustong
Humalili sa mga kolonyalistang Pranses. Lahat ng kalupitan
Sa inyo ay ipinadanas subalit sa udyok at impluwensya mo
Hindi kayo sumuko. Matapos ang labing-anim na taon ng
Madugong pakikipag-tuos natalo din ang dambuhalang kaaway.
Isa kang tunay na rebolusyunaryo na karapat-dapat na mamuno.
Subalit isa rin palang makata na sumusulat ng mga tula,
Mga tulang gumigising sa puso’t kaluluwa ng bayan.
Sumusulat ka ng mga tula habang nakahimpil sa gubat,
Habang pinapanood ang pag-aani ng palay at nung ikaw ay
Nabilanggo dun sa Tsina sa loob ng labing-apat na buwan.
Wala kang ibang kapiling kundi ang iyong mga tula.
Binasa ko kahapon ang mga tula mo, ramdam ko ang
Bawat mensahe nito. Alam ko na sa bawat paghalik ng pluma
Sa papel ay kasama nito ang kaluluwa mo at ang sigaw ng puso
Mo. Mga tulang rebolusyunaryo ang tema at dating.
Ang dahon at bulaklak ay tiyak na malalanta pero hindi ang iyong mga tula; mananatili itong buhay at naka-kintal sa puso ng Vietnam. Wala kana nga Uncle ** pero lalagi kang buhay sa puso ng mga kababayan mo at sa bawat puso ng makatang rebolusyunaryo na tulad mo.
Nov 27, 2017
Nov 27, 2017 at 9:06 PM UTC
"Life is either a daring adventure or nothing at all"
- Helen Keller
May mga taong tinutugis na parang mga hayop, may mga hayop na nagpapanggap na tao. Mga halimaw na nagaanyong pangkaraniwan. Ang mundo ay isang malaking gubat na punong-puno ng mga ganid sa laman, uhaw sa kapangyarihan at mga alipin na lumuluhod sa kinang ng salapi. Ang lupa ay hindi inilaan para sa mga mababait na tao, ito ay para sa mga ulol, imbi at mga tarantado. Ang mga baliw, sadista at mga putang-ina ang itinakdang maghari. Sa bawat yugto ng kasaysayan ay laging may pag-aaklas, ito na ang panahon nang pag-aalsa. Buksan ang isipan at gisingin ang natutulog na damdamin. Wakasan ang pang-aapi at pabagsakin ang nang-aapi. Sabi nga ni **** Abay "magkakaroon ng rebolusyon". Ngayon ang panahon nang pagbabangon, simulan natin sa ating sarili. Tularan natin ang mga bayani nang ang bayang nakalubog ay maka-ahon. Simulan natin sa tula upang gisingin si Juan sa malalim n'yang pagkakahimbing.
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 9:23 PM UTC
isang hawak na di ginusto
nagsimula sa panghihipo
pag iisip mo'y kasing dumi
ng burak sa estero
nalilito natutuliro
magsasalita ba ako?
kapangyarihan mo'y inabuso
ginamit para bumango ang pangalan mo
para maitago mo ang halimaw na nagbigay ng lamat sa buhay ko.
Isang gabi! isang gabi lang!
nadurog ang pagkatao ko.
kinulong mo sa madilim na nakaraan tulad ng pagkulong mo sa akin
sa madilim at maliit na kwartong iyon
mabilis ang pintig
naririnig bawat kabog ng dibdib
paralisa ang katawan
di makasigaw
tulong! tulong! mga salitang tila naipit
sa aking lalamunan.
halik na di ko ginusto
yakap na di ko hiniling sayo
mga hawak sa aking katawan
nandidiri ako sayo
seksuwal na panghahalay
di ko nararapat pagdaanan
lamat na di malilimutan
lamat na mananatiling parte ng nakaraan
di mo na ko maapektuhan
ang lamat na bigay mo
ang aapakan ko
ang magiging boses ko
para maparating ang mensaheng ito
walang sinuman ang dapat makaranas nito!
walang sinuman ang dapat mabuhay ng may takot mangyari ulit sa kanila ito.
walang babae ang mahahalay base sa kanilang pananamit, kilos o pananalita.
ang lamat na bigay mo,
andito man ito
pero di na ito hadlang
sa muling pag ahon ko.
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 4:36 PM UTC
Sa bawat araw nang pag pakli ng pahina
Waring nauubusan na ng isusuot na maskara
Patuloy sa anyo na siya ngang kilala
Ang hangal na magaling mag manipula
At kahit naka guhit na sa mga mata
Naitatago parin ng mga ngiting mapagtatwa
Waring ang lahat ng bagay ay nakakatuwa
Sa taong hindi na lubos na nakadadama
Nagbubunyi ang mga halimaw sa dilim
At binubulong ang mga balak ng mataimtim
Hanggang saan kaya makakarating
Ang talino ng hangal na nag mamagaling?
Aug 14, 2022
Aug 14, 2022 at 1:41 PM UTC
“Real generosity towards the future lies in giving all to the present.”
― Albert Camus
Kung gusto may paraan, kung ayaw laging may dahilan. Pero may mga taong sadyang mahina kaya’t nahihirapan makahabol. May mga naghahabol naman na hindi talaga umaabot. Kahit anong gawin walang nasasambot, parang bunga na laging bubot at mukhang hindi na mahihinog. Hindi mo kailangan na maging alipin ng sistema kung ito ay iyong isinusuka. Kumawala ka at maging palaboy kung kinakailangan. Ibinabaon ka ng mga sama ng loob at ng matinding awa sa sarili. Hindi dapat maging ganito ang buhay.
Dalawang taon nang pagtitiis, dalawang taon na puro hinagpis at dalawang taon na panay tanggap ng mga galit at paninisi. Tama na, ito na ang panahon para wakasan ang lahat. Sapat na ang mga pagpapakumbaba at pagsasawalang kibo. Hindi ka aso, tao ka tandaan mo yan. ‘Hwag **** ipilit kung hindi naman talaga sukat dahil kahit anong pilit hindi ito babakat. Maging karapt-dapat ka sa paggalang na dapat ibigay mo sa’yong sarili. Tama lang yan magpahinga kana.
Ang mundo ay de-kahon hindi kapa isinisilang ganito na ito, wala ka nang magagawa para baguhin ito. Pero ‘pwede kang kumawala, maging rebelde at lagalag. Oo, maghimagsik ka laban sa mapang-dusta na sistemang umiiral. Patunayan sa kanila na kaya **** mabuhay sa labas ng sapot na bumabalot. Hindi ka balut kundi tao kaya hindi ka dapat na matakot kahit naglipana pa ang mga salot. Hindi ka dapat na lumuhod at magmaka-awa sa mga taong umaastang panginoon.
May mga nag-di-diyos-diyosan na mga kupal na nasa lipunan na ang paboritong tapakan ay ang mga mahihina at hampas-lupa na tulad mo; mga putang-ina sila na walang alam gawin kundi ang mang-api ng mga taong kapos sa dunong at pinag-aralan. Ganito ang sistema ng lipunan, ganito kabaho ang mundo na pinatatakbo nang mga walanghiyang tao na kung umasta ay aakalain **** mga kagalang-galang. Mga hindot sila na walang pakundangan sa damdamin ng iba maitanghal lamang nila ang huwad na kadakilaan ng kanilang nabubulok na mga sarili.
Tama lang ang ginawa mo, tama lang na kumalas ka sa naaagnas na sistema na nagkukubli sa loob ng mga magagarang opisina. Tama yan, itakwil mo ang mga panlalait na pinakikinis nang mga salitang Inglis na inilalagay sa mga dokumento. Panahon na para maging totoo ka sa iyong sariling damdamin at pagkatao. Binabati kita dahil sa wakas nagpasya ka ng may katapangan – sana noon mo pa ito ginawa. Ako na ang sasalo sa natitira **** kalat, ako na ang haharap sa mga halimaw na iyong tinakasan.
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 11:30 PM UTC
sinusunog na mga bahay,
sinasamsam ang mga ari-arian,
sinasaktan pati ang mga bata,
ginagahasa ang mga babae,
at pinapatay ang mga lalake.
ganito araw-araw ang kanilang sinasapit,
hindi sa kamay ng mga tulisan o rebelde,
hindi sila ang salarin sa pang-aapi,
kundi ang estado at militar ang pasimuno.
sila ang pasistang halimaw na naninibasib,
pagkat gusto nilang maubos ang mga Rohingya.
hindi daw sila taga Burma,
latak daw sila ng mga Arabong dayo,
kaya kailangan na sila'y malipol.
walang magawa si Aung San Suu Kyi,
pati s'ya hawak sa leeg ng militar.
walang ginagawa ang Amerika at UN,
palibhasa wala silang mapapala sa mahirap na bansa.
isa na naman ba itong Rwanda,
o katulad sa Gaza?
walang gustong tumulong sa kanilang walang pakinabang.
maramot ang saklolo sa mga madaling maloko,
hindi kinakalinga ng langit ang mga tunay na api at kapos palad,
sapagkat ang mata ng kasaysayan ay nakatuon lagi sa Europa
at sa mga bansang masagana.
Dec 11, 2017
Dec 11, 2017 at 4:04 AM UTC
Hindi ako susuko
patuloy akong titindig at lalaban.
Sa kabila ng mga kabiguan
mananatili akong nakatayo,
hindi na ako muling luluhod
upang humingi ng awa sa diyos.
Malungkot man ang aking pinagdaanan,
kahit hindi naging masaya ang aking kabataan
hindi ako manghihina at mawawalan ng pag-asa.
Hindi ako mayaman
hindi ako tanyag
hindi rin ako makapangyarihan
ako ay isang hamak lamang.
Subalit natuto ang puso ko na
maging matatag kaya't hindi na ito
muling susuko.
Wala na akong Bathala na sinasamba
hindi na ako malilinlang ng mga hangal na lider ng relihiyon
na nagbabanal-banalan at naglilinis-linisan.
Tangan ko sa aking mga kamay ang aking kapalaran.
Mas lalo akong hindi magpapa-uto
sa mga mapagsamantalang pulitiko
na nagsasalita ng puro katangahan
para silang mga lata ng sardinas na walang laman.
Hindi ako padadaig
ilang beses man ako bumagsak,
hindi dadaing at magpapalimos ng habag;
hanggat tumitibok ang puso ko hindi ako patatalo
sa bigwas ng malupit na buhay.
Hindi ako natatakot na sabihin
ang laman ng isipan ko,
hindi ako mangingimi na isigaw
ang nilalaman ng aking dibdib.
Pag-uusig at pagkutya
ay laging naka-abang
parang halimaw na nagkukubli sa dilim
ano mang sandali ay handang sumalakay.
Hindi n'yo man ako tanggapin
ay wala akong pakialam
ako'y ako at mananatiling ganito
hanggang sa buhay ko ay mapatid.
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 2:38 AM UTC
Manggagawa ang tatay ko at manggagawa din ako, lumaki ako sa lugar na ang mga kapit-bahay ko ay puro mga manggagawa. Dati pangarap ko’ng maging labor lider, maging unyonista na tulad ng tatay ko. Manggagawa mga taong pinalalakas ang katawan dahil ito ang kanilang tanging puhunan. Katawan, dugo at pawis ito ang kailangan dahil wala silang ibang masasandalan. Mga isang-kahig at isang-tuka at mga alipin ng gutom at pangangailangan, mga modernong alipin.
Mga factory workers, bodegero, baradero, construction workers, OFW, mga sekyu, mekaniko, latero, karpintero, katulong, hardinero, kubetero, tsuper, kargador, estibador – lahat sila mga manggagawa. Gumagawa araw at gabi kapalit ng maliit na kita, hindi sapat na benipesyo at walang dangal sa harap ng among kapitalista. Mga inuupasala at pinagsasamantalahan, mga gatasan na laging tinatampalasan ng mga walanghiya at mga tampalasan.
Manggagawa na walang dangal na laging busabos ng mga mayayaman at makapangyarihan kailan mo kaya makikita ang araw ng iyong katubusan? May mga dambuhalang mahilig kumain ng laman mga halimaw na walang kabusugan, mga bampira na sinasaid ang dugo ng biktimang walang kalaban-laban. Ganyan ang mga kapitalistang ating pinaglilingkuran. Mga walang pakialam sa buhay ng iba ang mahalaga sa kanila ay ang kumita ng limpak-limpak na pakinabang.
Mga kapwa manggagawa may araw din na tayo ay lalaya. 'Wag mainip sapagkat nakatunghay ang kasaysayan ang batas nito ang magsasabi kung kelan tayo lalaya sa tanikala ng mga mapang-aping panukala.
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 8:15 PM UTC
Kumusta?
Hangad kong nasa mabuting kalagayan ka.
Ilang linggo ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo;
na kahit bihira,
nakahahawa.
Matagal-tagal na rin noong huli kong narinig
ang ‘yong mga halakhak;
na kahit mahina,
dama ko ang ligaya.
Maging ang katahimikan mo’y
hindi ko pa rin limot
Hindi nakasasawa ang hindi mo pagpansin sa akin.
Huwag ka mag-alala,
hindi ko minamasama ang mga pagsasawalang-kibo.
Sariwa pa rin ang mga pagkakataong lumagpas ka sa harapan ko
Sa katunayan, gabi-gabi kong ipinagdarasal na darating din ang araw na lilingunin mo ako.
At ngayon ngang ‘di tayo nagkikita’t nag-uusap
Yayakapin ko ito bilang paghahanda.
Hindi ba’t pamilyar ka naman sa mga taong sinusungkit ang mga bituin at buwan?
Pagkatapos ay iaalok sa kanilang mga kasintahan
Na para bang mga prutas na hinintay nilang mamunga sa kanilang mga bakuran.
May kakilala ka nga yatang tumawid daw sa maraming ilog at umakyat ng pagkakatayog na mga kabundukan
Sinaluhan sa hapunan ang mga diwata’t
Pumaslang ng mga halimaw kinabukasan;
upang siya’y puntahan.
Marahil ay narinig mo nang may minsang pumasan ng daigdig para sa kaniyang nobya
Ngunit sa huli’y hindi naisakatuparan.
Umasa ang nobya.
Umiyak ang nobya.
Ang nobya marahil ang pumasan sa halip na siya
May isa nga sigurong nagmalaki na bubuo raw ng pira-pirasong ikaw
Na tila kontrolado niya ang mga piyesa ng buhay mo.
Pamilyar, hindi ba?
Ngunit,
hindi ganito.
Hindi ganito ang aking paano.
Oo. Naiintindihan kong ang ilan sa mga ito ay idyoma o eksaherasyon lamang
Pero nangangamba ako na baka pagod ka na;
Na baka nabibingi na ang iyong mga tainga
Sa paulit-ulit na pangangako;
Na kahit ang talulot ng mga mabubulaklak na salitang ‘to ay
tuyo na.
kahihintay sa tapat at sa tunay.
Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta, hindi.
Hindi ko masusungkit ang mga bituin at buwan
pero handa akong samahan kang panuorin sila.
Hindi ko kayang sa isang araw ay tumawid sa maraming ilog at umakyat ng kabundukan
pero ituturing kong mahalaga ang bawat oras na kasama ka
Aking pagtatrabahuhang makarating sa araw na palagi kitang kasama sa hapunan
at sabay nating papaslangin ang mga pangamba sa umaga.
Hindi ang daigdig; ngunit
Pakakawalan ko ang mga pasan-pasan kong takot;
Kawalan ng tiwala sa sarili;
Ang inggit.
Hindi ito pagbabanta, sinta.
Pero ipanganganak ang mga araw
Na aasa ka;
Na iiyak ka.
Subalit, wala itong kakambal na paglisan.
Uulitin ko.
Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta,
Hindi
kita iiwan.
Ganito ko marahil sasabihin sa'yong gusto kita
Pakapakinggan mo sana.
---
May 8, 2020
May 8, 2020 at 2:56 AM UTC
50 Sa mga sandaling iyon
Diwata ng hangin pumaroon
51 Upang saklolohan
Ang ginugulong magkasintahan
52 Kapangyarihan ng hangin itinaboy
Ang higanteng mukhang baboy
53 Na siyang nagpagulung-gulong
Pababa hanggang ‘di na dumaluhong
54 Oh anong ginhawa
Nang halimaw mapuksa na
55 At sa pag-ihip ng hangin kay Pina
Nawala narin mga pantal niya
56 Wagas na pasasalamat
Ang kay Amihan ipinantapat.
-07/10/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:52 PM UTC
Mga masasakit na salita,
Mga matang nangdidilat.
Minulat ako ng lugar na ito
Sa marahas na katotohanan.
Sa likod ng mga ngiti,
Mga tawanang nakakabingi,
Ay mga tao sinasaksak ka ng palihim.
Mga halimaw na nagkatawan tao,
Mga sungay na nagtago sa talinong may dugo.
Hahawaan ka hanggang ang dugo mo'y maging kulay asul.
Unti unti, dahan dahan
Ang puso mo'y didilim.
Ang boses mo'y tataas,
Ang mata mo'y manlilisik.
Nagising ka,
Humarap sa salamin
At isang halimaw ang iyong nakita.
Naging isa ka na sa kanila.
Jul 3, 2018
Jul 3, 2018 at 3:08 AM UTC
Hindi sa ayokong maging masaya
Hindi sa ayokong makaahon sa lusak
na iba ang nagdala
Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili
yan ang akala nila.
May mabuti kang pamilya,
ilang daang tropa
magandang suporta
Sabi ng lipunan,
madali lang sumaya,
gumalaw ka, sumayaw ka,
sumulat ka ng kanta.
Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa
Depresyon ay hindi kathang isip.
Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan,
madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw.
paano paano yan ang tanong nila.
mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila.
ngunit di nila alam,
sa likod ng mga biro,
ay lungkot ang pinagmulan
sa likod ng mga tawa,
ay mga sigaw "ang sakit sakit na!"
sa likod ng mga talon at palakpak
ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan
kung pwede lang
kung maari lang
araw araw hiling ko lang ay
makaahon sa kalungkutan
kung tatanungin ako ulit,
wala kong kasagutan.
Hindi sa ayoko ng kasagutan,
hindi sa ayoko lunasan.
Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban.
Wag nio ko husgahan,
sinubukan ko,
binigay ko ang kaya ko
pero kapag nakikita ko na ang panalo
bigla na lang ulit itong lalayo
ngaunit hanggang andito ako,
hanggat nakikipaglaban ako alam ko
sa sarili ko may pag asa pa ako.
at ikaw rin!
alam kong malalim ang pinanggalingan
alam kong ilang beses mo ding sinubukan
alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo
MALI
Hindi ito ang magpapatumba sayo.
Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo.
Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas
sa bawat pagsubok ng isa pa
lahat yun napagtagumpayan mo na.
kung hanggang kelan hindi ko alam
ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa
andun ka buhay ka lumalaban ka.
Walang tiyak ang bukas
pero wag lang mag alala
HINDI KA NAG IISA
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 4:58 PM UTC
50 At masayang nagpaalam ang dalaga
Sa nag-iisang pauwi na binata
51 Pag-aalala ay ‘di maiwasan
Agimat inihandog ng babaeng kasintahan
52 At sa kanyang daan pauwi
Panibagong halimaw sumalakay muli
53 Ito naman ay sa itaas nagmula
Isang bulalakaw na hugis dalaga
54 Sa lalaking si Birio’y dahan-dahang lumapit
Dumampi sa lalaki ang katawang mainit
55 Wari’y nang-aakit ang kakaibang nilalang
Subalit sa pagnanasa’y si Birio’y humadlang
56 At sa isang saksak ng espada
Bulalakaw naglahong parang bula.
-07/18/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:00 PM UTC
Naiproklama na
Ang mga pasok sa senado
At siyam sa kanila
Mga pambato ng Pangulo –
Poe, Legarda, Cayetano
Pimentel, Trillanes, Escudero
Villar, Angara, Aquino
Salamat sa Maykapal
Dahil karamihan ay dilaw
Halos lahat ay marangal
Lalabanan mga halimaw
Sa ating mga 9 na bida
Na sa senado itinadhana
Pangalagaan niyo po ang ating inang bansa.
-05/19/2013
(Dumarao)
*My Yellow Poems Collection…written on the day after the proclamation of senator winners
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:36 PM UTC
Pakiusap ko lang naman
Sana iyong sundin
Sana ikay gumalaw
Upang gumanda ang araw
Maari kang tumangi
Wag maghihiyang magsabi
Aking tatangapin ng may kirot
Ngunit aking maiintindihan ng pilit
Kay sa kumilos ng walang buhay
Akoy na iirita nang tunay
Wag maghintay na akoy sumigaw
At magalburuto maging halimaw
Kaya't sa una
Ikay wag magatubiling magsalita
Sabihin ang totoong nadarama
Upang hindi na mauwi sa wala
Sep 7, 2017
Sep 7, 2017 at 10:24 AM UTC
43 Samantalang si Pina
Nakatali narin pala
44 Sa isang binata na malaki
May lahing halimaw kasi
45 Iyon ay lingid sa kaalaman
Ng dalagang kasintahan
46 Kaya isang araw nang mapagtanto
Ng binata ang itinatago
47 Na lihim ni Pina
Tungkol sa ka-irog niya
48 Nagwala ang halimaw
Kay Ihib bumulahaw
49 Agad itong sumugod
Nang pagtatagpo’y napanood.
-07/10/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:51 PM UTC
43 Dalawang araw bago ang kasalan
My mga nilalang na bumulabog sa magkasintahan
44 Habang si babae ay sa daan pauwi
Na lagi namang hatid ni lalaki
45 May mistulang apoy na nilalang
Sa daraanan ay humambalang
46 Siya ay mukhang nasusunog na tao
Nagmula sa lupa at kung tawagin ay santelmo
47 Inilabas ng binata ang kanyang espada
Dinaluhong ang halimaw ng sandata
48 Napuksa naman iyon kaagad
Oh ang dalaga’y kaybuti ng palad
49 Nang dahil kay Biriong sinisinta
Muling nailigtas sa panganib si Alyna.
-07/18/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:59 PM UTC
15 Kaylapit nang gumabi
Si Alyna ay pauwi
16 Tangan sa kamay niyang pareho
Mga uling sa sako
17 Tila pagdilim ng langit kaybilis
At ang babae’y nakarinig ng bungisngis
18 At sumambulat sa daraanan niya
Isang tiktik na nakatawa
19 Akma siyang dadaluhungin
Upang siya ay kainin
20 Mabuti nalang at sa ‘di kalayuan
Binatang si Birio sila’y nasulyapan
21 Kaagad siyang sumaklolo
Tiktik ay itinaboy palayo.
-07/16/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:57 PM UTC