Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mga masasakit na salita, Mga matang nangdidilat. Minulat ako ng lugar na ito Sa marahas na katotohanan. Sa likod ng mga ngiti, Mga tawanang nakakabingi, Ay mga tao sinasaksak ka ng palihim. Mga halimaw na nagkatawan tao, Mga sungay na nagtago sa talinong may dugo. Hahawaan ka hanggang ang dugo mo'y maging kulay asul. Unti unti, dahan dahan Ang puso mo'y didilim. Ang boses mo'y tataas, Ang mata mo'y manlilisik. Nagising ka, Humarap sa salamin At isang halimaw ang iyong nakita. Naging isa ka na sa kanila.
0
Jul 3, 2018
Jul 3, 2018 at 3:08 AM UTC
Halimaw

leeannejjang
Written by
Jul 3, 2018
Jul 3, 2018 at 3:08 AM UTC
Request permission to use this poem