Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
tulanigrasya
29/F/California Kwento ng buhay sa hulma ng tula
Gumising ako ng may sigla Lumipas na ang mga oras Ang saya na dala ko ng umaga Tila kumilimlim nung tanghalian Takot akong mamatay Pero takot din akong magpakamatay bakit wala pa din akong sagot sa mga
0
Feb 19, 2021
Feb 19, 2021 at 7:45 PM UTC
Untitled
Hindi sa ayokong maging masaya Hindi sa ayokong makaahon sa lusak na iba ang nagdala Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili yan ang akala nila. May mabuti kang pamilya, ilang daang tropa magandang suporta Sabi ng lipunan, madali lang sumaya, gumalaw ka, sumayaw ka, sumulat ka ng kanta. Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa Depresyon ay hindi kathang isip. Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan, madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw. paano paano yan ang tanong nila. mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila. ngunit di nila alam, sa likod ng mga biro, ay lungkot ang pinagmulan sa likod ng mga tawa, ay mga sigaw "ang sakit sakit na!" sa likod ng mga talon at palakpak ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan kung pwede lang kung maari lang araw araw hiling ko lang ay makaahon sa kalungkutan kung tatanungin ako ulit, wala kong kasagutan. Hindi sa ayoko ng kasagutan, hindi sa ayoko lunasan. Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban. Wag nio ko husgahan, sinubukan ko, binigay ko ang kaya ko pero kapag nakikita ko na ang panalo bigla na lang ulit itong lalayo ngaunit hanggang andito ako, hanggat nakikipaglaban ako alam ko sa sarili ko may pag asa pa ako. at ikaw rin! alam kong malalim ang pinanggalingan alam kong ilang beses mo ding sinubukan alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo MALI Hindi ito ang magpapatumba sayo. Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo. Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas sa bawat pagsubok ng isa pa lahat yun napagtagumpayan mo na. kung hanggang kelan hindi ko alam ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa andun ka buhay ka lumalaban ka. Walang tiyak ang bukas pero wag lang mag alala HINDI KA NAG IISA
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 4:58 PM UTC
HINDI KA NAG IISA

Continue reading...
58
isang hawak na di ginusto nagsimula sa panghihipo pag iisip mo'y kasing dumi ng burak sa estero nalilito natutuliro magsasalita ba ako? kapangyarihan mo'y inabuso ginamit para bumango ang pangalan mo para maitago mo ang halimaw na nagbigay ng lamat sa buhay ko. Isang gabi! isang gabi lang! nadurog ang pagkatao ko. kinulong mo sa madilim na nakaraan tulad ng pagkulong mo  sa akin sa madilim at maliit na kwartong iyon mabilis ang pintig naririnig bawat kabog ng dibdib paralisa ang katawan di makasigaw tulong! tulong! mga salitang tila naipit sa aking lalamunan. halik na di ko ginusto yakap na di ko hiniling sayo mga hawak sa aking katawan nandidiri ako sayo seksuwal na panghahalay di ko nararapat pagdaanan lamat na di malilimutan lamat na mananatiling parte ng nakaraan di mo na ko maapektuhan ang lamat na bigay mo ang aapakan ko ang magiging boses ko para maparating ang mensaheng ito walang sinuman ang dapat makaranas nito! walang sinuman ang dapat mabuhay ng may takot mangyari ulit sa kanila ito. walang babae ang mahahalay base sa kanilang pananamit, kilos o pananalita. ang lamat na bigay mo, andito man ito pero di na ito hadlang sa muling pag ahon ko.
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 4:36 PM UTC
Lamat