Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Diniligan ng luha Ang tuyo kong pagsuyo Bitakan at tikag Itong aking puso. Sinilo mo ako’t Ginawaran ng rehas Ipinahalik sa araw Binasa pa ng ulan Ako’y kinidlatan Kulog ay nakapapanting Tainga’y duguan Halimaw ang tingin. Aking pag-ibig, Pagsinta’t pag-irog Pawang kuro At puso’y nilatay Inilibing Inihatid sa hantungan Hindi pa man nito oras At ang binhing kinalinga Siya ring inanod ng rimarim. (12/2/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:21 PM UTC
Sinilong na Pag-ibig

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:21 PM UTC
Request permission to use this poem